Chapter One
“Nililigawan mo ba ako”tinitigan ko ang kanyang mata na lumaki dahil sa pagkabigla.
“Haa”tumingin siya sa kaklase kong si Savannah na nakatingin rin sakanya .Hindi sila magkatabi pero sapat lang distansya nila para malinaw nilang makita ang isa’t isa.
“Hindi”matulin niyang sagot nang ulitin ko ang aking tanong.Pagkasabi niya nun agad akong nagmartsa patungo sa comfort room na malapit lang saaming classroom.
Sweet messages,endearment and uttering ‘I like yous’ pero yun pala lahat ng yun wala lang para sakanya.Sa bawat text niya saakin akala ko totoo.I like him,yes kaya nga ako nagagalit ng ganito dahil sa nangyari saamin.All the time kapag nasa classroom kami,nagpapakita siya ng motibo.Nung una wala talaga akong ibang nararamdaman pero umpisa ng magtext siya ng kung anu-ano I started to feel butterflies in my stomach especially when he saids he likes me too much that he gets ballistic whenever I’m near.
Sa mga ganoon niyang text sinong babae ang hindi mag iisip ng iba.To be honest with you,the feeling is already mutual pero hindi niya alam yun dahil natatakot akong aminin sakanya.Natatakot ako na baka mali pala ang interpretasyon ko sa mga gusto niyang iparating.Natatakot ako na biro lang pala ang lahat at higit sa lahat...natatakot akong masaktan kapag dumating ang panahon na magsawa siya saakin.
Kung gusto mong malaman kung mahal ka ng isang tao,prolong the chase dahil dito mo masusukat kung gaano katagal niya kayang maghintay para makuha lang ang matamis mong oo.Ito ang prinsipyo ko.
Mali ba ang ginawa ko?Mali bang sundin ko kung ano ang tama.
Love is like a game,you need to lay your bet
Bakit ang unfair ,hindi ba pwedeng maglaro kahit walang pusta.Sa pagmamahal ba kailangan ng sukli ‘cause for me,loving a person doesn’t mean he or she needs to love you back.Hindi lahat ng taong mahal mo,mahal ka rin and you need to accept that fact.