Chapter 14

285 22 0
                                    

Chloe POV: 

*buzz* *buzz*

Naramdaman kong may nagvibrate sa ilalim ng unan ko. Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino iyon. 

-Carla Cupcake-

Sabby! Mamaya pupunta tayo sa salon ha?! Exactly four o'clock. Also bring your gown with you! Labyu!

Nireplayan ko yung text niya ng 'okay' at nagindian sit. Tinignan ko muna yung social media accounts ko bago bumaba sa kusina para magalmusal. 

Habang kumakain ng almusal ay nakita kong may nagtext sa phone ko. 

-Carla Cupcake-

And also, pack your things for our vacation. Sa Wednesday daw tayo aalis, nine o'clock in the evening. Magpaalam ka na kay Tita Faith

What?! Sa Wednesday kami aalis?! Bakit ang bilis naman!? Ilang araw ba kami dun?!

Sa Monday nalang ako magpapaalam kay Mama. Total naman eh sa Wednesday pa kami aalis. 

"Ate!! Yung toothbrush ko!?!" narinig kong sigaw ni Denver sa taas. 

"Hindi ko alam! Hanapan ba ako ng nawawalang gamit?!" sigaw ko sa kanya. 

"Takte talaga yung si Xavier! Ninakaw ba naman yung toothbrush ko sa cr!" sabi niya habang bumababa sa hagdan. 

"Maayos na pala yang paa mo eh, ibig sabihin pwede kana pumasok" 

"Buti pa nga yung mga seniors eh! May paone-month one-month break pang nalalaman! Samantalang kami may pasok pa din!" naiinis na sabi niya at naupo.

"Nag-aya nga sila magswimming eh" sabi ko.

"Naku ate! Huwag kang magbibikini ah! Maeexpose yung fats mo!" 

Aba! Inasar pa ako ng mokong! 

"Gusto mong magkaron ka ulit ng injury? Sabihin mo lang" sabi ko.

"Joke lang. Teka ate, di ba hindi ka marunong lumangoy??" tanong nito habang nakangiti na abot hanggang tenga.

Putspa. Pinaalala pa sakin na hindi ako marunong lumangoy. 

"Mamaya, ikaw lang ang maiiwan dito sa bahay. Kaya kailangan pag-uwi ko mamaya hindi mukhang zoo tong bahay natin"

"Oo na ate, tatawagan ko nalang sila Cypher. Hindi ka pa ba aalis??"

takte tong kapatid ko pinapaalis na ko

Naramdaman kong nagvibrate ulit yung phone ko sa bulsa. Kinuha ko iyon at tinignan.

-Jeon-

Good morning Chloe! I just want to inform na sa next Saturday na yung birthday ni Inigo. Kaya kailangan mo kaming tulungan sorpresahin siya. And also if you don't mind, bring a gift. It's a special birthday. Thanks! See you later!

Kanina si Casey, ngayon naman si Drake. Yung totoo?? Magkasama siguro tong magsyotang toh. Pero teka? Birthday ni Inigo? Akailan mo yun, nagbibirthday pala siya. Hihihi~

Next Saturday? Ano naman kayang regalo ang ibibigay ko dun sa lalaking yun? Halos lahat nasa kanya na. 

"Ate! May bisita ka! Kiel daw yung pangalan! Sino toh boyfriend mo?!" Narinig kong sigaw ng kapatid ko sa baba. Putspa talaga tong kapatid ko.

Bumaba ako at nakita silang dalawang ni Inigo sa salas. "May pinapabigay si mama sa inyo. Eto oh" sabi nito at may binigay sakin. 

"It's actually cookies. Yung kinakain natin dati sa bahay" sabi niya. 

Between You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon