Kabanata V

131 28 0
                                    


"Aray!"

Daing ni Ursula sa kaniyang paglalakad dahil kinagat siya ng maraming langgam sa parte ng kaniyang paa. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya nakita ang naglilinyahang langgam.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Ursula sa mga nangyayari. Hindi siya makapaniwalang nagbalik siya sa nakalipas na panahon.

"Magandang Umaga!" bati ni Ursula sa isang magandang babae na nakasalubong niya. Kay ganda ng babae at mahinhin kapag gumagalaw.

Tunay nga'ng Filipina ang babaeng ito.

Sa isip-isip ni Ursula pagkatapos nasilayan ang angking ganda ng babae na ngayo'y kaharap na niya.

"Magandang Umaga rin, Binibini" Malumanay na pagbati ng babae kay Ursula na ikina-mangha naman niya. Kay ganda ng boses at kay sarap itong pakinggan. Hindi masakit sa pandinig.

"Ah! Pwede bang magtanong?" pag-aalinlangan na tanong ni Ursula.

"Sige, binibini. Ano ang iyong katanungan?" masayang turan ng babae kay Ursula. Kahit maaraw ay nagawa pa itong ngumiti.

"Pwede po ba'ng malaman kung anong date na ngayon?".

Nakakahiya man ngunit sinubukan pa rin ni Ursula na magtanong. Umaasa pa rin siyang hindi siya napunta sa nakalipas na panahon.

"D-e-t? Anong uri ng salita ang iyong sinasabi, binibini? Tila hindi ko iyon mawari."

Nakaramdam nang medyo pagka-tuwa si Ursula. Paano naman kasi, malapit ng dudugo ang ilong niya sa sobrang lalim ng pagkasabi ng babae at nung lalaki na ubod ng gwapo na nakasalubong niya kanina. Ang lalim mag-wika ng Tagalog.

At sa puntong iyon, natigilan si Ursula. Naalala niya ang mga tinuro sa kanya ni Bb. Cordapia, na ang mga Pilipino raw noon ay malalim magsalita ng Wikang Filipino. Mas bumilis ang pintig ng puso ni Ursula at lumakas ang tiyansa nitong baka napunta siya sa nakalipas na panahon.

"Ay! Hindi mo alam ang salitang 'date'? Haler! Nasa modern world na tayo, ateng!"

Pangi-ngiwela ni Ursula dahil alam niyang nag-bibiro lamang ang babae. Ang akala niya ay jino-joke time lang ito.

"Pasensya na, binibini. Ako'y naguguluhan sa mga salitang iyong isinasabi."

Akmang aalis na sana ang babae ngunit pinigilan ito ni Ursula. Sa oras na ito, nag-seryoso na ang maldita na maganda.

"A! Pasensya ka na. Ibig kung sabihin ano na ang petsa ngayon?"

Tanong ni Ursula at tumugon ng malawak na ngiti. Bilang ganti sa kahihiyan na ipinakita niya sa babae. Buong akala niya kasi ay niloloko lang ito ngunit kitang-kita niya ang mga matang mapupungay nito na nagpapakatoo ito.

"Ngayon ay ika-tatlumpo't isa ng Agosto taong isang libo walong daan at siyam na pu't dalawa. Araw na kung saan ay pista sa bayan."

Mabilis man na pagkasabi ng babae ay agad na naiintindihan ni Ursula ang sagot na lumalabas sa bibig nito.

Agosto 31, 1892

Kaya pala bihis na bihis ang postura nito. At ang nakasalubong niyang gwapong lalaki kanina ay parang dadalo ng JS Prominade. Unti-unting naliwanagan ang isip ni Ursula. Totoo talaga ang lahat ng nangyayari. Pilit niyang hindi maniwala ngunit wala rin naman siyang magagawa.

Iba ang paligid na nakikita niya kumpara sa paligid sa kasalukuyang panahon. Kasuotan na halos lahat ng katawan ay nababalot hindi katulad sa modernong panahon na kulang na lang ay maghubad. Pananalita na nanunuot sa pandinig dahilan sa malumanay na pagbigkas ngunit sobrang lalim na ikaka-dugo ng ilong.

Kay raming kaibahan sa panahon na ito kaysa sa modernong panahon na pinanggalingan ni Ursula. Wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan at unti-unti itong pinaniniwalaan. Kasabay ng pagpikit ng mga mata at sinalubong ang buong kadiliman.

"Binibining Corazon, nahimatay ang babae..."




Ursula's Quest (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon