Still Waiting

4 0 0
                                    

Kailan kaya siya darating?
Kailan kaya ang tamang panahon?
May tamang panahon pa ba?
Ang tamang panahon na handa niyang ipakita at iparamdam
Na may nagmamahal din na higit sa pagiging kaibigan
Na may tao ding nag-aasam na magkagusto sa kanya
Na may taong magpaparamdam na hindi lang ako ang karakter sa aking kuwento.

Parating na ba ang tamang panahon?
Parating na ba siya?
Parating na ba ang tamang tao na magpapabago sa pananaw ko sa pagmamahal?
O parating na naman ang panahong aasa lang naman ako sa wala?
Yung wala naman talagang nagkakagusto pero patuloy akong umaasa na kahit isang araw lang
Isang tao na mag-asam na gusto niya akong makasamang takbuhin ang mga lugar na hindi pa napupuntahan
O ipagdiriwang ang tagumpay niya na kasama ako.

May tao bang ganon?
May tao bang magkakagusto sa isang katulad ko?
Sa isang katulad ko na hanggang ngayon walang kasiguraduhan kung saan patungo
Kung anong daan ang tatahakin
At naasa lang sa kung ano ang mayroon sa ngayon.

Sa isang katulad ko na hanggang kaibigan lang ang matatanggap mula sa ibang tao.
Sa isang katulad kong hindi kagusto-gusto o hindi kagwapuhan
O mas tamang sabihing hindi patok sa panlasa ng tao
Dahil hindi naman ako gwapo o maputi o mayaman o macho
Isa lang akong mabait, matalino at mabait.

Sa isang katulad ko na katulad ng maraming taong single for life
Na isang hopeless romantic
Pero sino ba namang gugustuhin na walang makasama
Hanggang nabubuhay bukod sa pamilya at kaibigan.
Mayroon ba?
Kahit pansamantala lang pero hindi sapilitan, mayroon pa ba?
Aasa pa ba?
O mamamatay na lang sa kakaasa?
Maghihintay pa ba?
O mangangawit na sa kakahintay?

Kung wala naman, bahala na
Darating din yon
Baka nagka-aberya lang sa daan.

Baka bukas
Sa makalawa
O sampung taon na ang lumipas
Baka naman dumating na yon.
Tiwala langDarating din siya.


Unspoken Minds: Still WaitingWhere stories live. Discover now