When Sunset Ends

96 6 2
                                    

chan's note:

i wrote this one shot story way back 2014 when i was in third year high school. reposted 2017. Unedited.

__________________________________

When Sunset Ends (A One Shot Story)

Masaya ang isang pamilya kapag nagkakasama. Naggigiyakan at halos maluha ang mga mata sa sobrang saya. Walang bumabalatay na problema at higit pa roon, nagmamahalan sa isa't isa.

Ganoon ang mga salitang naglalarawan sa buong pamilya ko at kasalukuyan ay iyon ang ginagawa nila.

Napangiti ako nang nakita ang iba kong kamag-anak na masaya at excited na tumungo sa hapag-kainan. Ibinaling ko muli ang tingin sa labas. Halos niyakap ko ang sarili nang nangaligkig sa buong katawan ko ang sobrang lamig ng ihip ng hangin. Panigurado akong sobrang lamig na rin sa ibang bansa at makapal na ang mga yebe roon.

Alas dose na ng madaling araw at ngayon ay ika-dalawampu't lima na ng disyembre. Nakita kong masayang-masaya ang aking pamilya para sa nakahandang noche buena. Paskong-pasko na talaga at ngayong araw na ito ay isang napaka-halaga't espesyal na araw para sa akin.

Mabilis kong dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng aking pantalon bago nagsimulang magtipa ng mensahe.

To Archie:
Mahal ko, Merry Christmas! Happy second anniversary sa atin. Mahal na mahal kita! Take care always :)

Isinent ko na iyon sa numero ni Archie. Matapos kong ma-send ay ibinalik ko na muli ang cellphone sa bulsa ko na may ngiti sa labi.

''Texting your boyfriend again, Ate Jobel?'' Lumingon ako sa narinig kong boses. Tumabi sa akin si Eloisa na nangalumbaba rin sa bintana tulad ng ginagawa ko ngayon.

''Why don't you join with them?'' Pagtataka kong tanong sa kanya. Lumingon ito at kumunot ang noo.

Tumawa siya bigla. ''Eh, bakit ikaw ate? Ba't hindi ka rin nakikisalo sa kanila?'' Pagbabalik niya ng tanong sa'kin at humalakhak siya.

Ngumuso ako at ginulo ang buhok niya. ''Sige, halika na nga! Sumalo na rin tayo sa kanila.''

Magka-akbay kaming dalawa na tumungo sa hapag-kainan kung saan nandoon na sina mama at papa, mga kapatid ko at iba pa naming kamag-anak. Natapos ang masayang noche buena na may ngiti sa aming mga labi.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ewan ko ba pero simula nong matapos 'yong noche buena ay hindi ako mapakali at parang mayroon akong kutob sa hindi ko malamang dahilan. Ipinilig ko ang ulo ko. Siguro, stressed o puyat lang ito dahil hindi ako nakatulog mula noong Christmas Eve.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa mahabang sofa at naglakad nang pabalik-balik. Mula nang mai-send ko sa kanya iyong mensahe ay wala akong natanggap na kahit anong reply mula kay Archie. Pakiramdam ko'y mayroon na naman siyang malaking sorpresa para sa akin tulad noong unang anibersaryo namin bilang isang magkarelasyon.

Dinukot ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-compose ng mensahe. Agad ko naman itong dinelete. Hindi talaga ako mapakali. Siguro hihintayan ko na lang siyang mag-reply sa akin.

Ibabalik ko na sana ang cellphone sa bulsa ko nang bigla itong nag-vibrate. Tiningnan ko agad ito at unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi nang makitang si Archie ang nag-text. Sa wakas!

From Archie:

Meet me at Paguriran Island Beach Resort this 5:00 pm.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Ginapangan ako ng kaba at nanginig ang buong katawan ko nang binasa ang text na iyon ni Archie. Noong nakaraang anibersaryo namin ay binati niya ako thru text at kalaunan naman ay tinawagan niya ako thru phone call ngunit ngayon ay parang kakaiba at batid kong may mangyayaring hindi maganda.

When Sunset Ends (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon