This is the Chapter three... Thanks for reading....I hope you like it. Enjoy!!!
Henry's POV
Ano ba yan... Hindi ako nakakatulog... Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina sa school... May nakakaalam... May nakakaalam.
<<Fast Forward>>
School...Nakayuko akong naglalakad at habang naglalakad ako lahat ng tao ay nasatingin sa'kin. Inayos ko ang hood ng jacket ko at pinamadali ang paglalakad.
Bigla nalang akong may nabangga at yumuko ako. Inangat ko ng konti ang ulo para tignan kung sino ang nabangga ko"Ms. Necor" pabulong ko.
Yumuko ako at nagbow saka tumalikod at aalis na sana pero bigla siyang nagsalita"Henry" tawag niya.
Hayysss... Humarap ako sa kanya at yumuko baka makita niya kasi mukha ko eh...
"Yung birth certificate mo pala Henry? " tanong niya.
Naalala pa niya yun?... Kinaway-kaway ko ang kamay ko para sabihing wala pa.
"Hindi mo pa nakukuha sa dati mong school? " sabi niya at hindi lang ako sumagot.
Kailangan kong mag-isip ng paraan para makalimutan niya....
Bigla akong may naisip na paraan.Hinawakan ko ang kamay ni Ms. Necor at may naramdaman akong enerhiya na lumabas sa katawan ko.
Maya-maya binitawan ko ang kamay niya at yumuko"Oh Henry, nandito ka pala" rinig kong sabi ni Ms. Necor at umalis na ako.
Malapit na ako sa classroom ng may narinig akong tumawag sa'kin"Henry" humarap ako at tumingin ng konti kung sino.
Ikaw nanaman??? Yumuko ulit ako ng makita ko na si Kerby pala.
"Henry, about sa nangyari kahapon" pabulong niya. Aalis na sana ako ng hinawakan niya ako sa kamay at hinila saka tumakbo.
"Saan tayo pupunta?" mahinang tanong ko pero tahimik lang siya.
Takbo-lang siya ng takbo, hindi ko na nga alam kung nasaan na kami eh. Ang alam ko lang huminto kami sa likod ng isang lumang building.
May inabot siya sa'kin"Sa'yo 'to di ba?" tanong niya.
Ang panyo ko" Sa-salamat" mahinang sabi ko at kinuha ang panyo ko sa kamay niya.
"Nga pala Henry, pasensya na sa nangyari kahapon, hindi ko naman yun sinasadya. Na-out of balance ka kasi eh kaya timulingan kita" sabi niya at halatang seryoso siya sa sorry niya"At Henry sorry rin kung nakita ko ang mukha mo at nalaman na babae ka pala. Hindi naman dapat nangyari yun kung na hindi ako pumasok sa music rom na yun eh" sabi niya at yumuko.
Ngumiti naman ako"Apology accepted" sabi ko at inangat ni Kerby ang ulo niya.
"Ta-talaga?" tanong ni Kerby at tumango lang ako.
Bigla nalang naging masaya si Kerby ng marinig niya yun, nagtatalon-talon pa na parang bata.
"Teka... Teka... Teka... Sa dalawang kondisyon" sabi ko at humarap siya sa'kin.
"Ano ba yun?" tanong niya. Mukhang interesado eh.
"Una, huwag na huwag mong sabihin sa iba ang alam mo sa'kin, gets mo?" sabi ko.
"Hmm. Piece of cake" sabi niya.
"Pangalawa" sabi ko at nakatingin lang siya sa'kin" Don't follow me" sabi ko.
"Ba-bakit naman?" Tanong niya at tumalikod ako.
"Hindi mo pwedeng malaman" sabi ko at umalis na.
Iniwan ko sa Kerby mag-isa at pumunta na ako ng classroom.
Kerby's POV
Tahimik lang ako sa upuan ko habang nakatingin kay Henry. Hindi ko kasi makalimutan ang sinabi niya kanina na don't follow me. Bakit kaya? She's really weird.
*Bell Ring*
Time for a break at sa tingin ko pupunta ulit si Henry sa music room.
Habang nililigpit ko ang mga gamit ko, bigla nalang ako niyaya ni Raphael.
"Kerby, punta tayo ng cafeteria" sabi ni Raphael.
"Teka lang" sabi ko at minadaling pinasok ang mga gamit ko sa bag.
Lumapit si Sophia sa'min" Nga pala Kerby, kahapon ko pa sana tinanong sa'yo 'to eh" sabi niya
"Ano ba yun? " tanong ko.
Sumagot naman si Sophia" Kahapon pala, ba't ang tagal mo atang mag-ayos ng sintas mo"
"Ahh.. Pasensya na, may pinuntahan lang kasi ako eh" palusot ko.
Himarap ako kay Raphael na parang may tinitignan. Tumingin ako sa direksyong tinitignan niya at nakita si Henry sa may pinto, nakayuko at nang nalaman niya na nakatingin ako sa kanya bigla nalang siya umalis.
"Alam niyo, sa sobrang weird niyang Henry na yan kinikilabutan ako sa kanya eh. Weird niya talaga" sabi ni Raphael.
"Yes she is" sabi ko at nagsiharap naman sila sa'kin"What?" tanong ko.
"She?" tanong ni Sophia.
Oh my!!! Nasabi ko pala" I mean he.. No.. She... No he... Urgghhh.. Pinapalito niyo ako eh" sabi ko.
"Phew. Akala ko babae si Henry eh. Bakit naman kasi Henry pa ang pangalan niya. Hindi natin alam kung babae siya o lalaki, hindi rin siya nagpapakita ng mukha niya"- sophia
"Napansin ko na hindi hinahanap ng mga guro ang birth certificate niya" rinig kong sabi ni Raphael.
"Baka nabigay na niya" sabi ko.
"Hindi lang yun, ni isa wala siyang kaibigan"- sophia
"Guys tama na ng yan, don't be judgemental na" saway ko.
"Aba. Nagsalita ang hindi nagjujudge kay Henry" sabi ni Sophia.
"Knock it off Sophia" sabi ko"Let's go na sa cafeteria, baka naghihintay dun si Marissa" sabi ko at naglakad na lapuntang cafeteria kasama sina Raphael.
Henry, don't worry. I can be your friend...
Hello everyone !!!! You like my new update??? Sorry for the late update.... Vote, comment and follow!!!
YOU ARE READING
Princess From Galaxy
FantasyAng story na 'to ay kathang isip lamang. Tungkol ito sa isang babae na nangangalang "Rain" but she use the name " Henry" para itago ang totoong siya, ibang-iba siya sa mga tao dito sa mundo dahil meron siyang kapangyarihan. Kaya niyang gawin ang lah...