PROLOGUE

9 0 0
                                    


Hello po sa lahat! This is my first story here in wattpad. Sana po magustuhan niyo. Isa rin po akong beking nangangarap ng isang tunay na pagmamahal mula sa lalaking tatanggapin ako nang bonggang bongga kaya naman sinubukan kong  pagalawin ang puso't isip at siyempre kamay ko upang makabuo ng isang istoryang pag-ibig na kung saan pwedeng makarelate ang mga kabaka ko. At ito na nga po iyon. I hope you enjoy!

--------------------------------------------
.
.
"Sa tingin mo talaga mamahalin kita?!" Pabulyaw niyang sabi habang pilit na iniiwas ang kanyang tingin sa akin.

"For God's sake! Hindi ako pumapatol sa bakla!" Pagpapatuloy nito na tuluyan nang pumiga sa puso ko.

Parang natinag ang lahat lahat sa akin sa pagkakataong iyon. Hindi ako makakibo ni hindi ako magalaw. Para akong nalulunod sa nagyeyelong tubig. Gusto ko siyang sumbatan sa kung anumang namagitan sa aming dalawa ngunit walang  karapatan ang tulad ko na isang di hamak na tagapagsilbi lamang  sa isang prinsipeng tulad niya.

Pilit kong nilalabanan ang nagbabadyang luha na namumutawi sa mga mata ko. Ngunit kahit anong pigil ko ay hindi ko nalabanan ang pag-agos ng dalawang butil ng luhang nag uunahan sa magkabilang pisngi ko. Hanggang sa wakas ay nahanap ko rin ang aking lakas upang ipagtanggol ang sarili ko.

"Oo tama ka! Isa akong baklang nagmamahal sa isang katulad mo kahit alam ko naman na  kahit kailan hindi mo kayang suklian ang  pagmamahal ko. Nagpapakatanga lang talaga ako. Pilit kong  isinakripisyo ang sarili ko sa isang pagmamahal na wala naman talagang patutunguhan. Pero ngayon napagtanto ko na hanggang pangarap ka nga lang talaga..... Pangarap ka lang talaga.....Pangarap lang kita.." ang buong tapang kong sagot sa taong nagdulot ng paghiyaw ng puso ko. At buong lakas kong iginilaw ang mga paa ko at di ko namalayang ako'y dinala na nito sa kung saang papalayo sa taong ngayo'y nagdulot ng hapdi at kirot sa puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pangarap Lang Kita (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon