Sa Kanya (Song Fic)

185 17 16
                                    

A/N: hello po! second Song Fic ko po :)

        Sana po magustuhan nyo!

        dedicated kay ate shirlengtearjerky kasi natuwa ako sa setting nang TDG! sa university na    gusto kong pasukan sa college :) yeah! gusto ko rin maging ISKA! \m/

-----------------

Ako si Leigh at isa akong alagad nang pag-ibig! CHOSS! HAHA! Basta, eto ang kwento ko.

It started way back in high school.

First Year.

First week pa lang ng pasukan lagi ko nang naririnig ang pangalan nya. Sya daw kasi ang nag-top sa batch namin sa entrance exam. Dalawang sections lang kami at nasa kabilang section siya. Sikat siya, kakaiba daw kasi. Hindi daw nagsasalita, loner at minsan daw ay hindi nagsusulat…in short, non-conformist. Pero wag kayo, madami daw nagkakacrush dun kahit daw yung mga taga higher years.

Na-curious tuloy ako, lagi ko ngang naririnig ang name nya pero di ko pa naman sya nakikita kahit isang beses man lang.

“ nakita mu na ba yung Timothy?” tanong ko sa katabi ko, si Kim.

“ahhh oo naman! Nakakatakot, parang may ibang aura! Tapos balita ko mahilig daw yung maniring” sabi ni Kim

(A/N: maniring/siring = glare/masama ang tingin)

“Ganun? Di ko pa kasi yun nakikita. Pag nakita mo ulit, ituro mo sa akin, ha?” sabi ko

Natuwa naman ako nang pumayag si Kim! Ewan ko ba, na-excite ako e.

Vacant namin ngayon. Nagpunta kaming library at BOOM! Andun din ang kabilang section.

Kinulbit ako ni Kim,

“ Yun si Timothy oh” sabay turo sa isang table na may 4 na lalaki.

“teka, sino sya dyan?” ako

“yung nakaputi” Kim

“ay putek ka Kim, white naman talaga ang kulay nang polo nang boys e…naka uniform kaya tayo. Umayos ka nga.” Ako

“HAHAHA! Sorry” Kim

“Bilisan mo na, sino dun? Naglalakad na sila, paalis na ata” gigil kong sabi.

“yung nasa may bandang unahan” Kim

Tiningnan ko yung nasa may unahan. Hmmmm, di ko naman feel yung itsura nya. How come na maraming nagkakacrush dun?

After nung araw na yun, 3 beses ko lang ata ulit sya nakita hanggang sa magbakasyon na.

Second year.

First day ng pasukan, nagpunta agad ako sa may bulletin board para tingnan kung anung room ko. Gotcha! Room II-A, second floor. Aalis na sana ako ng may mahagip ang mata ko sa list nang section namin.

O.O

Classmate ko siya!

Inangyan!

One school year ko syang makakasama???

Teka, bakit ang OA ko? E anu naman ngayon kung classmate ko si Timothy?

Psh! Bahala na nga.

Nagdiresto na ko sa room, nilibot ko ang tingin ko at nakita ko yung mga classmates ko na hindi napalipat sa kabilang section. Tumabi ako sa kanila at nakigulo. Daldalan na naman. Hehe.

Di ko pa sya nakikita, kala ko ba kaklase ko sya? Ang daya!

Teka nga, bakit ko ba sya hinahanap?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Kanya (Song Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon