My Pet, My Lover

22 0 0
                                    

My Pet, My Lover

Tangina. Tanginang buhay 'to! Gusto ko ng mamatay! Putangina!

Sinipa ko yung basurahan sa gilid. Nagkalat ang laman nito sa basang kalsada. Hindi pa ako nakuntento at buong galit na pinagsisipa ko ang walang malay na latang basurahan hanggang sa mawasak at mayupi ito.

"Ahhh!! Tangina! Tangina! TOTOO KA BA HA?! HAHH?!" galit na tanong ko sa madilim na kalangitan. Isang gabi na malakas ang buhos ng ulan. Nakikiramay sa nararamdaman kong matinding panigbugho. Isang masaklap at masakit na kapalaran na iginuhit ng langit para sakin.

Walang diyos.

Hindi dapat paniwalaan ang mga taong naniniwala sa kanya. Dahil putangina hindi siya totoo! Merong isang kapalaran, at ako ang pinakamalas na tao ang naguhitan ng langit na maging miserable ang kapalaran. Walang makakapagbago ng kapalaran kahit ang tinatawag pa nilang Diyos!

Naupo ako sa bangketa. Nakayukyok ang ulo habang nakapatong ang dalawang braso sa tuhod. Hinahayaan na mabasa ng ulan at pasukin ng lamig. Kung nakakamatay man ito sana mamatay na nga ako.

"T-tangina ang sakit.."

Hanggang kailan pa ito? Patayin mo na ako. Hayaan mong magkasama kami. Mahal na mahal ko siya!

Tumayo ako nang hinang hina. Nananakit ang buong katawan ko dahil sa bugbog na natamo kanina. Naglakad ako sa gitna ng kalsada at umiiyak na napaluhod. Tinanggal ko ang sombrelo ko at hinayaang bumagsak sa mukha ko ang malalaking patak ng ulan.

"Aghhhhhhh! Gusto ko ng mamatay!!" humagulgol ako sa matinding sakit. Higit pa sa sakit na nararamdaman ng buong katawan ko. Yung puso ko, sobrang sakit na halos gusto ko na itong itigil sa pagtibok. Mamatay at makasama ang babaeng pinakamamahal ko.

Tarantado ako pero bakit kailangang siya? Ako na lang dahil isa akong gago!

Nanghihinang humiga ako sa gitna ng kalsada. Tinititigan ang pagbagsak ng ulan galing sa itaas at dumadaloy sa pisngi ko na sugatan. Walang wala ang hapdi na nararamdaman ko ngayon. Isang buhay na laman na nasa loob ng katawan ko na walang ginawa kundi ang tumibok pero bakit sobrang sakit? Anong ginagawa nito at bakit parang pinipiga, hinihiwa, at parang unti-unting nadudurog. Sobrang sakit. Naramdaman mo din ba ito? Naranasan mo din ba ito sa piling ko? I'm sorry, pero napakadaya mo.

Itong hiwa sa gilid ng labi ko? Hah tangina lang. Kayang kaya ko 'tong indahin eh!

Pumikit ako at naglaho ang lahat ng nasa paligid ko. Tanging pagbagsak ng ulan, ihip ng malamig na hangin, katahimikan at kadiliman ang natira.

"Please.. bumalik ka sakin. I love you so much. M-mahal na mahal kita Hana.." Para akong baliw na umiiyak habang ngumingisi. Kumulog at kumidlat. Tatlong beses na parang galit na galit ang kalangitan.

Ganito ba ako mamatay? Tatamaan ng kidlat at maglalaho na lang sa mundo. Sa paglaho kong iyon ay walang makakapansin. Patuloy ang buhay ng ibang tao. Dadaan sila sa kalsadang ito na walang nakakaalam na may lalaking namatay dito. Walang panahon nang pagluluksa dahil patay na ang taong nakakaalam na may taong katulad ko na nabuhay sa mundong ito. Wala silang pakealam at patuloy lang sila sa pagtawa.

Unti unti na akong nilalamon ng antok. Hindi ko alam kung bumabagal na ang tibok ng puso ko o sadyang matutulog lang ako ng pansamantala.

Napakislot ako ng maramdamang may malamig na dumampi sa pisngi ko. Parang dinidilaan ang sugat at mga galos ko.

"Hmmm..." umungol ako at iniwas ang mukha ko. Pero nagpatuloy ito, dinidilan ng kung ano ang mukha ko. Dahan dahan akong dumilat, malabo ang paningin ko na inaaninag ang nilalang na nasa harap ng mukha ko. Kumurap kurap ako at natigilan sa nakita ko. Nanigas ang buong katawan ko at ngayon ako nakaramdaman ng panlalamig.

My Pet, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon