Kabanata 1
"How is he?"
"Dalawang araw na siyang walang malay pero mabuti at bumaba na ho ang lagnat niya, Doc."
May nagbubulungan sa paligid ko na lalong nagpapasakit ng ulo ko. Boses ng isang babae at lalaki. Hindi ko masyadong maintindihan ang pinaguusapan nila dahil nagaagaw ang antok at matinding sakit ng ulo ko.
"Alam niyo na ba kung saan siya nakatira?"
"Hindi pa rin po, walang nakitang kahit isang identification sa kanya eh."
Argh.. Inaantok ako at ayoko ng ingay. Katahimikan kahit sandali mga bwisit.
"Eh, yung aso? Nasa labas pa din ba?"
"Eh... Doc, kasi po.."
Dahan dahan akong dumilat. Mahapdi ata ang gilid ng mata ko. Ah... tarantadong Miguel yon. Humanda siya at makakaganti din ako. Sisiguraduhin kong mapapatay ko na siya at ang buong grupo niya. Hayop siya.
"Doc, gising na ho ata siya."
Nasilaw ako sa liwanag na sumalubong sa mata ko. Where the hell I am? Pag dilat ko ulit ay liwanag na galing sa salamin ng isang lalaki ang nakita ko.
San Pedro? Pero walang San Pedro sa impyerno. Baka si Satanas na nagbabalatkayo ito.
"Bakit kaya siya maraming sugat, Doc?"
Mukha naman ng isang babae ang sumulpot sa kabilang bahagi. Ahh.. mga mapagbalatkayo. Satanas na nagpapanggap na si San Pedro at kabit niya na nagpapanggap na Anghel.
Tuluyan na akong dumilat at tumagos ang tingin ko sa dalawang tao na nakaputi sa harap ko. Nasan ako?
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Lumipat ang tingin ko sa babaeng maamo ang mukha. Mataman itong nakatitig sakin at nakangiti na nakapagpangisi sakin.
"Kabit ka ba niya?" Paos ang boses na sabi ko.
"Ha?" Takang tanong nito. Lumukot ang mukha nito nang mapagtanto ang tanong ko.
Mahinang tumawa ako. Nasaang impyerno ba ako naroroon? Baka naman nasa kalagitnaan pa ako ng kamatayan at buhay kaya kung ano-anong nakikita ko. Fvck. In between, my ass.
Bumangon ako at nabuhay ang sakit ng katawan ko. Damn. Magdasal ka na Miguel dahil buhay pa nga ako, nakakaramdam pa din ako na matinding sakit.
"Wag ka munang bumangon, iho." Wika nung lalaki. Nakahawak sa ulo na tumingin ako sa kanya.
"Sino ka para utusan ako?" inis na sabi ko.
"Doctor siya, at dinugtungan niya ang buhay mo kaya wag kang magsalita ng ganyan sa kanya." Hindi ko nilingon yung babaeng malamang ay isang nurse.
Tumawa ako ng mapakla. "Ikaw ba yung diyos?" galit na baling ko sa doctor. "Well, Fuck. You." mahina pero may diing sabi ko. Nagulat ang reaksyon nito at suminghap ang nurse na nasa gilid ko.
"W-wala kang modo!"Gulantang na sigaw ng nurse.
"Where's my clothes?" Walang ganang tanong ko at isa-isang tinanggal ang kung ano-anong nakakabit sa pulso ko.
"Anong ginagawa mo?" Hinawakan ng pakielamerong nurse ang kamay ko para pigilan ako. Tiningnan ko ito ng masama pero hindi ito natinag.
"Bitiwan mo." Banta ko pero umiling lang ito.
"Hindi ka pa pwedeng bumangon," wika nung doctor "Marami kang sugat at pasa. May pilay din kaming nakita sa--"
"Shut up!" sigaw ko dito at bumaling uli sa nurse na hindi pa din binibitawan ang kamay ko. "Ang sabi ko, bitiwan mo." unti-unti nang nauubos ang pasensya ko.