Chapter 1

11 1 0
                                    

Maylen POV

Nakakaba, nakakatakot at nakakalungkot na wala ka man lang makakasama sa pag pasok mo sa paaralan. Hindi mo alam kung anong mangyayari sayo sa bagong paaralang papasukan mo. Yung papasok ka na wala kang kaibigan, kasi lahat ng mga kaibigan mo ay nasa ibang paaralan? Hayz.

Oo, Tama. Unang araw ko rito sa bagong school na pinasukan ko simula nung na promote si mama. Nakakailang away nga kami kasi ayaw ko talagang mag transfer pero wala naman akong magagawa. Dito na-assign si mama dahil she was promoted as a manager of a multi-millionaire furniture shop sa pilipinas.

Ako nga pala ay kasulukuyang naglalakad dito sa hallway ng paaralan kung saan papunta ako sa guidance office para magtanong kung sang section ako. May mga magbabarkada, may mga nerd sa gilid, may mga group ng mga mayayaman, I mean super yaman. Kasi di mo ma-afford mag-aral dito sa school nato kung di ka mayaman. Mahal pa ata babayaran dito kaysa sa college universities eh.

"Excuse bitch!" sabi nang babaeng bumangga sakin. Di nalang ako pumulag kasi wala naman akong mgagawa rito.

Pinulot ko yung mga gamit ko na nahulog mula ng pagkabangga. Nang biglang may mga gropo ng mga lalaki ang dumaan at sinadyang dinaanan at tinapakan yung mga gamit ko. Puta! Kainis tong mga ungas na ito ah.

"Ano papalag kaba?" sabi nung naka white sweater at white jeans na lalaki. Na parang leader ng mga ungas na iyon.

Nang di ako sumagot ay umalis na ang mga ungas. Pinulot ko ulit yung mga gamit ko at lumakad papunta sa guidance na kanina ko pa hinahanap at nung nakita ko na yung office ay dali dali akong pumasok at hinanap si Ms. Dela Cruz.

"Good Morning maam, I'm Maylen Saldana yung tranfer student." sabay ayos sa eyeglasses ko.

"Good mornning too Ms. Saldana, So here's your class and your subjects." sabay abot sakin ng papel.

Nagpa-alam na ako at lumabas sa office nya. My class is at section A-1 sa third floor. Hinanap ko ulit yung classroom ko at nang nahanap ko na at pumasok ako. May kakaibang presensya ang naramdaman ko. Na para may papatay sakin na walang oras? Hayz goodluck self!

"Good Morning maam" sabay abot sa papel na bigay sakin ni Ms. Dela Cruz. Nang natapos tingnan ni maam yung papel ay pinakilala nya ako sa klase at pinaupo sa may likod.

Nang pasisimula na sana yung klase ay may biglang pumasok na lalaki. Unfortunately the ungas leader kanina sa may hallway. Mapagaligatan ka sana ungas.

"Good morning Mr. Madrigal" sabi ni maam dun kay ungas.

"Good morning too Ms. Vargas." sabi nya habang yung kamay nya nasa likod ng batok nya.

"Why are you late?" tanong ni maam.

"Galing pa po ako sa office ni papa bago ako pumasok sorry po maam." paliwanag ng ungas.

Hindi na nagtanong ulit si Ms. Vargas at nag simula na sa klase. She was our advisor, teaching biology na subject. Matangkad, maganda at postorang postora kung tumayo. Kung di lang siya teacher namin? akakalain mo talaga na siya ay model.

"sshh!! May extra ballpen ka miss?" tanong nitong ungas na to na di ko namalayang katabi ko na pala. Siya ay naka eye glasses at ang sobrang gwapo na niya. He looks like a decent man. Yung tipong mabait.

"Uy! Miss... Gwapo ba? Hahaha." sabi niya.

"Oo eto oh.." sabi ko at dahan dahang inabot yung ballpen ko sa kanya.

"Thank you." sabi nya at sabay wink.

Sa ilang minuto kung pagtitig sa kanya ay naramadaman kung biglang uminit yung pisngi ko habang nakatingin parin sa kanya na seryosong nagbabasa sa kanyang libro. Nagising nalang ako sa katotohanan na siya parin yung ungas kanina sa hallway..

The Forbidden BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon