Chapter 2

9 0 0
                                    

Maylen POV

Pangalawang araw, na kung saan ay nagdadalawang isip na papasok sa paaralan upang mag-aral. Dahil sa unang araw palang ng pasokan ay nakagawa ka na agad ng napakamalaking kasalanan. Yung kasalanan na magdadalawang isip kanang pumasok o hindi. Ayaw ko namang umalis nalang dito kasi kakapasok ko nga.

Kakaba-kaba, kanginig-nginig, at naka tingin sa ibaba upang umiwas sa mga matang nakadungaw sakin. Yung tipong, may magtatangka sayo na parang kakainin ka. Diyos ko po! huwag naman sana.

Papunta pala ako sa guidance office kung saan ako'y pinapatawag ulit ni Ms. Dela Cruz.

Nung naglalakad na ako sa hallway na kung saan ay itong daan lamang ang nag iisang daan papunta sa hallway. Tumigil ako ng bigla kung nakita ang isang babaeng nakadungaw sa mag gilid.
Isang babaeng weirdo, na kung makatingin ay parang papatayin ako. Yung isang paa nya ang nasa ding-ding at naka-crossarm yung position niya. Mala-bad girl yung peg. Black lipstick,  ripped jeans, black sweater, black earings and black shoes. Nung nakita niya ako na nakatitig sa kanya ay binigyan niya ako ng isang nakakamatay ng ngisi at unti-unting naglaho na sa hallway.

"Ms.."

Nagulat ako ng biglang may tumapik sa akin. Dahil sa biglaan ay napasigaw ako. Puta!

"A-ano y-yun?" nanginginig na pagkakatanong ko.

"Mag-ingat ka sa kanya Ms. Saldana. Huwag na huwag kang gumawa ng ikakasama niya baka kasi malapa ka!" sabi niya na pabulong.

Ano raw? Death threat ba iyon? Dapat na siguro akong umalis rito at humanap nalang ng ibang paaralan. This is freaking me out. This is just my second and yet I already have a threat. Tinapik ulit ako nung lalaki at sabay tawa.

"Joke lang miss!" sabi nung lalaki sabay tapik ulit sa balikat ko.

"Putang ino mo rin ano? alam mo bang, takot na takot ako sa pagkakasabi mong iyon?" tanong ko sa lalaki.

"HAHAHAHA... joke nga lang. Ano kaba naman, hindi ka naman mabiro eh" sabi niya at tawang tawa parin itong gagong ito.

"Sino ka ba? bakit mo pala ako kilala?" tanong ko ulit sa kanya kasi di ko talaga lubos maisip na may nakakakilala na sakin.

"It's me Mike. Yung kaibigan ni Brian at kaklase mo rin ako." sabi niya sabay wink sakin.

"Aahh!! okay." sabi ko sa kanya bago ako umalis. Isa rin pala siya sa mga ungas.

Dali-daling ako'y naglakad papunta sa guidance office at iniwan na yung isang bata-bata ng leader ng mga ungas na si Brian.

"Good Morning, Ms. Dela Cruz. Ba't niyo po pala ako pinatawag?" tanong ko sa kanya kahit may ginagawa pa siya.

Hinila niya ang drawer sa may kanan ng kanyang lamisa bago tumingin sakin at inabot ang isang susi.

"Para sa'n po to?" tanong  ko ulit sa kanya.

"That's your key sa iyong locker. Alam naman siguro mo kung para san ang locker diba?" sabi niya at tumango ako bilang tugon sa kanyang tanong. "okay, then you can go back to your class kasi mag uumpisa na yung klase."

Yun na nga, tumalikod na ako at umalis sa office ni maam.

Nang biglang napa-sigaw ako ng nakita ko ulit yung babae kanina sa hallway na nakatitig sakin. Isang metro lang yung layo niya sakin. Di ako makagalaw dahil sa sobrang takot na naramdaman ko sa kanya.

Ilang sandali lang ay tumunog na yung bell at umalis na siya. Pero bago siya tuloyang naglaho ay iniwan parin niya ako ng isang nakakamatay ng ngisi sa kanyang mga labi. My life is save.

"Okay ka lang Miss?" tanong ng lalaki na nasa likod ko.

"I'm okay." sabi ko.

Nang pagkalingon ko ay nakita ko si Brian at ngayon ay napadapa na talaga ako sa takot. Yung takot parang humihiwalay na yung kaluluwa mo sa katawan.

"Uy miss okay ka lang?" tanong ulit ni Brian.

Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa classroom. Umupo agar ako kasi wala pa yung teacher namin. Ibig sabihin nun ay di pa ako late.

Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko mula sa may pintuan ang pag pasok ni ungas, Brian. Tumingin siya sakin na ramdam ko ang pagka-alala niya sakin. Ngumiti siya at ngumiti na rin ako, nang umupo na siya ay sinuot niya yung salamin niya bago tumingin sakin.

"Miss? okay ka lang ba talaga?" tanong niya.

Nang hindi ako sumagot ay hinawakan niya yung kamay ko at sabay sabing "Yung kahapon? let's forget about it miss. okay?"

"Aahhmm.. okay?" sabi ko.

"By the way. Magpapakila nga pala ako. I'm Brian Madrigal, the Student Campus President and you?"

"hhmm.. I-I'm Maylen Saldana" sabi ko.

Inabot niya yung kamay niya at ganun din naman yung sakin. Sana okay nato. For world peace. Hahaha.

"So we're friends?" tanong niya.

"I guess." sabi ko sabay tango.

Ngumiti na muna siya bago niya tinanggal yung pagkakahawak niya sakin. Bumalik na din siya sa kanyang ginawa at ako naman ay di makapaniwalang nagkabati kami habang ako'y halatang-halata na nakatitig sa kanya.

Biglang may naramandaman akong init, na para bang may galit na galit kung maka tingin sakin. Lumingon-lingon ako sa classroom at hinanap kung sang banda kaya yun nang galing. Subalit hindi ko mahanap at napagdesisyonan ko nalang na baliwalain nalang. Kasi simula kahapon ko pa to naramdaman. Na parang may papatay sakin ng walang oras rito.

---

Tumunog na din yun bell. It means? Uwian na din sa wakas.

"Okay class, don't forget to bring the requirements next meeting. Class dismissed." Sabi ng professor.

At ayun na nga, nagsi-uwian na ang lahat maliban sakin na kung saan kinakailangan ko pang pumunta sa locker para ilagay ang mga gamit ko. 

Nang nakarating na ako sa locker ay naramdaman ko na naman yung presensya.

Putik! Bakit lage nalang?

Tumingin-tingin ako sa paligid pero walang tao. Binilisan ko na yung paglalagay ko ng gamit ko sa locker at isinara iyon. Lumakad ako ng mabilis papalabas ng skwelahan ngunit may nararamdaman akong may sumusunod sakin. Huminto ako at tumingin sa likod.

Nang wala akong makita ay lumakad ako ulit. Hanggang may nakita akong sulok sa galid. Napagdesisyonan ko na magtago dun upang maiwasan yung sumusunod.

Sa sulok na ito ang may nakita akong pintuan na pwede kung mapagtaguan. Binuksan ko iyon at pumasok. I turn on my flashlight sa cellphone ko at hinalugad ang lumang room na ito.

Ito ay parang isang lumang silid paaralan na pinag-iimbakan ng mga sirang upuan at ano pa. Paikot-ikot ako hanggang nadupuan ng ilaw na nagmumula sa cellphone ko ang isang kahon.

"Ang ganda." Sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko yung box at umalis na. Kasi sa tingin ko wala na yung sumusunod sakin. Binuksan ko yung pintuan at pasulyap-sulyap sa paligid kung meron pang tao. At nang nakauwi na ako ay agad akong pumunta sa kwarto ko at tiningnan yung box na nakuha ko.

Dahan dahan kung bunoksan ko yung box at nagulat ako sa mga nakita ko. Mga larawan ni Brian Madrigal. Ito ay lahat stolen pictures. So ibig sabihin nito, ang may ari nito ay isang stalker ni Brian.

Kinuha ko lahat ng mga litrato. May mga tula na patungkol kay ungas este Brian kasi friend na kami. Hahaha. Nakita ko rin na may mga litrato ng mga babaeng naka markang pulang "X". Kakatakot na to ah! This is something like in an action movie. Na kung saan, ang lahat ng namarkahan ay mga namatay na. Katakot. Itinigil ko yung paghahalungkat dahil sa takot.

Ano kaya ibig sabihin nito?

X?

Bakit?

Sino kaya ang may ari nito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forbidden BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon