Sa Tamang Panahon

9 0 0
                                    




Isang araw, nag bakasyon ako sa cellphone ko dahil wala akong magawa sa bahay. Search ako ng search sa app store ng mga apps na pwede kung malibangan. Nakita ko ang HOLLA isang app kung saan pwede kang makipag-videocall sa kung sino man around the world. Hindi ko alam pero in-install ko agad 'yun. Pagkatapos ay clinick ang START. Naka-ilang swipe ako ako nun at sa di inaasahang pagkakataon may natagpuan akong Pilipino at ikaw 'yun.

Kulay gray ang suot ko nun na turtleneck habang ikaw naman ay walang suot pang-itaas. Sa una akala ko may bastos kang ginagawa sa harap ng cam pero noong ngumiti ka ay napangiti din ako. Binati mo ako at ganun din ako sa'yo. Natawa mo ako dahil nag 'po' ka sakin na alam ko namang mas matanda ka pa sakin.

JOHN. 'Yan ang nakalagay mong pangalan. Tinanong mo ako kung taga san ako, sa una nag d-dalawang isip ako kung sasabihin ko bang taga-Mindanao ako baka kasi sabihin mong terorista ako kasi ganyan palagi ang sinasabi ng karamihan. Pero nagkamali ako. Tinanong mo kung saan sa Mindanao at sinabi kung sa Butuan. Nag tanong ka pa ulit kung malapit lang ba 'yun sa Surigao, sinabi kung oo at napaisip ako na baka taga-Surigao 'to.

Napahaba pa ang pag-uusap natin at tinawag mo ako sa pangalang dalawang taon ko na walong buwan ko ng iniiwasang marinig. Oo walong buwan na kaming hiwalay ng unang minahal ko ng magkakilala tayo at sa sarili ko alam kung wala ng natitirang pagmamahal dito sa puso ko para sa nakaraan ko. Tinanong mo na naman ako at tungkol iyon sa edad ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang kinse anyos pa lang ako pero nag lakas loob ako at sinabi ko ang totoo.

Ngumiti ka lang at sinabi din ang iyon edad. Apat na taon. Oo. Apat na taon ang tanda mo sa akin. Pero hindi ito naging hadlang sa ating usapan at mas pinatuloy pa ang ating nasimulan. Hinarana mo ako sa videocall at palaging pinapangiti. Hanggang sa hiningi mo na ang phone number ko. Hindi na ako nagpabebe at binigay ko agad. Sa unang tawag mo si mama ang nakasagot at nataranta agad ako kung anong palusot ang sasabihin ko. Sinabi ko nalang na isang kapitbahay namin noon.

Natawa ako at humingi ng paumanhin dahil si mama ang nakasagot pero tumawa ka lang rin at sinabing okay lang. Simula nun napadalas na ang pag-uusap natin sa cellphone. Videocalls, phonecalls, at texts. Ganyan ang komunikasyon natin. Tinanong kita kung may facebook account ka para ma-add kita at hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi mo na "Hindi na muna ako magpapakita sa'yo sa facebook."

Simula nun naghinala na ako sayo na baka may nobya 'to. Pero anong magagawa ko? Unti-unti na akong nahuhulog sa sa'yo. Oo sinabi niyang liligawan niya ako at sa chat pa lang namin dun sa HOLLA naging sweet na siya sa akin. Baka pinagt-tripan lang ako nito. Hinayaan ko nalang at ipinagpatuloy ang ating komunikasyon. Hindi ko alam pero talagang may kakaiba sa iyo na wala sa dalawang lalaking dati ay minahal ko.

Isang araw nalaman ng aking mga magulang ang ating komunikasyon at sinabing itigil na ito. Sinabi nilang sobrang bata ko pa para sa mga ganyan, na baka daw masamang tao ka at nagpapanggap lang para biktimahin ako, at higit sa lahat isa akong SAKSI NI JEHOVAH. Pero hindi ako nakinig sa kanila. Mas sinunod ko ang puso't isipan ko at 'yun ay ang ipagpatuloy ang pakikipag-komunikasyon sa'yo. Gusto kung umiyak nun kasi kinuha nila ang dalawang cellphones ko na naging tulay sa ating pag-uusap.

Tumawag agad ako sa'yo at sinabi ang lahat. Humanap tayo pareho ng paraan at wala ng iba kundi ang FACEBOOK. Binigay ko sa'yo ang isang dummy account ko at doon pinag patuloy natin ang ating kumonikasyon. Tumulong ang isa kung matalik na kaibigan sa ating pag-uusap at habang buhay ko siyang papasalamatan dun. Jason, salamat. Araw-araw kang tumatawaga at nag te-text sakin kahit ako'y nasa klase.

Ilang araw na tayong nag-uusap at may isang bagay kang pinag tapat sakin. "Kakahiwalay lang talaga namin ng gf ko at mas pinili kita." Hinding-hindi ko 'yan makakalimutan. Sinabi mo sakin ang lahat pati ang 'yong totoong pangalan at edad pati narin ang sa dating mong nobya. Sinearch ko 'yun at nakita ko na ang katotohanan. Nag hinala ako, ba't hindi pa nabubura ng dating nobya mo ang mga litrato niyo pati sayo? Sagot mo "Ang hina kasi ng connection pero hiwalay na talaga kami." Napaniwala mo agad ako kasi napamahal na ako sa'yo.

Nilinaw natin ang lahat at inayos. Tayo'y nagkaayos at pinagpatuloy ang nasimulan natin. Ikaw-13 ng Setyembre sinagot kita. Sobrang saya mo nun at nasa trabaho ka pa habang ako nasa paaralan. Sinabi ko sa sarili ko "Pag ako itong relasyong 'to mabigo, isang SAKSI NI JEHOVAH na ang mamahalin ko."

Sa IKADALAWANG buwan ng ating pagmamahalan doon sumuko ang tadhana. Sa mismong kaarawan ko at sa ikadalawang buwan ng ating pagmamahalan umamin ka na ako'y iyong niloko. Nag hiwalay na kayo sa isa mong nobya dahil sabi mo mas pinili mo ako. Pero hindi ako naniwala. Ayokong maniwala. Sobrang nasaktan ako nun. Sobrang nagalit sa'yo at nakalimutang kailangan kung maging masaya kasi kaarawan ko nun pero lahat naiba dahil sa inamin mo.

Noong gabing 'yung oras 11:23 PM nagising ulit ako at tinignan ang facebook ko. Nag comment ang isang nobya mo ng mga nakaka-insultong mga salita tungkol sakin na hindi naman totoo. Malandi daw ako, kabit, higad at kung anu-ano pa. Gusto kung maiyak nun pero nagpakatatag ako kasi hindi ka karapat-dapat iyakan. Nag paliwanag ako sa babae pero ang tanga ko dapat pala hindi ko 'yun ginawa. Sa kanyang pang-iinsulto nabuhay ang galit ko.

Ininsulto ko siya pabalik at pinagtawanan kahit labag sa kalooban ko. Sinabihan ko ang isa mong nobya ng mga nakaka-insultong bagay na ikaw na mismo ang nag sabi sakin noon. Nabasa ko rin ang message mo na parang sinaksak ang puso ko sa sinabi mo sa message na 'yun. Sinabi mo dun na lalayo ka muna sakin at aayusin mo muna ang buhay mo diyan sa inyo. Sabi mong babalik ka sakin kapag matino kana at pinagsisihan mo na lahat. Sabi mong hahanapin mo ako sa Enero dahil pupunta ako diyan pero hindi ikaw ang rason ng pag punta ko diyan.

Ilang araw ang makalipas humingi ka ng tawad sakin pero hindi sapat 'yung ganun lang. Niloko mo ako sa una't-una palang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Tamang Panahon (One-Shot)Where stories live. Discover now