P R O L O G U E
+++
Isa, dalawa, tatlo
Dadanak ang dugo niyo.
Apat, lima, anim
..na saksak ang aking itatanim.
Pito, walo, siyam
pangalan ko'y nasa liham.
Sampu,
alamin mo kung sino ako.
Dilim kapalit ng langit
Buhay kapalit ng buhay
Ang inyong mga dugo
Ay siyang iaaalay.
Dilim kapalit ng langit
Buhay kapalit ng buhay
Ako ang dilim at ang langit
At kukunin ko ang 'yong buhay.
Palakas ng palakas ang ulan at walang maririnig na kahit na anong ingay sa madilim na lugar ng San Roque kundi ito lamang. Wala ni isang sasakyan ang dumadaan o kahit taong naglalakad maliban sa isang babaeng naka-uniporme. Paika-ika itong naglakad sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, pilit na iniinda ang sakit mula sa mga sugat na tamo.
"Tulong. Tulungan niyo' ko... P-Parang awa niyo na.. T-Tulong."
Tuluyan ng bumagsak sa lupa ang estudyanteng babae sa panghihina. Sa isang madilim na lugar, pilit niyang pinapatatag ang loob ngunit unti-unti na ding nandidilim ang kaniyang paningin. Sinubukan niyang gumapang kahit na namamanhid na ang kaniyang ulo at dumudugo.
"T-Tulong... M-Maawa ka... yo..."
Bigla siyang natigilan nang mapansin ang pares ng sapatos sa kaniyang harapan. Dahan-dahan siyang napaangat ng tingin para makita ang isang lalaking may hawak na kutsilyo at nakamaskara.
"S-Sino ka?!"
---
Isang estudyante ng Carmel University na nagngangalang Skylienne Fontanilla ang naireport na nawawala simula noong Biyernes, ika-20 ng Oktubre. Nabalitaang huling nakasama ng estudyante ang nakatatandang kapatid nito at nagkaroon ng kaunting di-pagkakaintindihan bago ito nawala. Samantala, nakunan naman sa isang CCTV footage sa Baranggay ng San Roque ang imahe ng estudyante na tila humihingi ng tulong habang umuulan ng malakas hanggang sa tuluyan na nga itong mawala sa kadiliman. Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng otoridad ang nangyari. Kristine Sindac, MS News.
Napangiti ako nang matapos ibalita ang tungkol sa pagkawala ni Skylienne Fontanilla.
Wag kayong mag-alala, iisa-isahin ko kayo. Ngayon pa lang magsisimula ang lahat.
Lumaki ang ngisi ko habang nililinis ang kutsilyong hawak ko.
Tumakbo na kayo. Magsisimula na ang habulan.
Lalo ka na
Reishel Fontanilla.
+++