Pana ng Pag-ibig

283 2 0
                                    

"Dahil nanaman ba sa love yan, Lanie?" bulyaw ko

"Meron pala siyang iba, hindi man lang sinabi sa akin!" aba't! Shonga din 'to ah

"Tanga ka ba talaga o tanga ka talaga? Kapag nagloko ka sasabihin pa sa'yo? Edi pareho na kayong tanga nung lalaki na yon!"

"Eh kasi naman Lara, sabi niya mahal niya ako! Tapos makikita ko na lang na may nakakalong na higad sa kanya. Langyang unggoy na yon!" at patuloy pa rin siya sa kakangawa

"Kita mo 'tong babaeng 'to! Dati sabi mo "Bes, siya na yata! Ang gwapo niya, grabe!" (panggagaya ko sa kanya) Tapos ngayon unggoy na tawag mo. Baliw ka talaga!"

"Ano ba yan! Imbes na patahanin mo ako, sinisigawan mo pa ako. Salamat, bespren ha!" sarkastikong sabi niya

"Nyemas na yan Lanie, pang-ilang pagpapatahan ko na ba sayo 'to? Pang sampu o pangbente? WAG KA NA KASING MAGMAHAL NG MGA MANLOLOKO! Awang awa na ako sa mata mong walang tigil kung umiyak." sigaw ko ulit sa kanya

"Ewan ko sayo! Hindi naman kasi napipigilan ang pagmamahal, Lara. Kapag naramdaman mo yun, wala nang kawalaan. Hindi mo na mapipigilan. Pag natamaan ka ng pana ni kupido, wala nang iwasan pa." seryosong seryosong sabi niya

"Baliw! Ano yun, di ako nakikita ni kupido? Bakit di ko pa nararamdaman yung pana niya? Mga kahibangan mo Lanie, tigil tigilan mo ako. Bukas na lang ako babalik dito, okay? Dapat bukas hindi ka na ngumangawa diyan at baka tusukin talaga kita ng pana diyan." sabi ko habang inaayos ang gamit ko at ready to go na

"Bahala ka! Sige na, babayu!" sabay wave niya sa akin

Habang nasa tricycle ako, napapaisip ako sa sinabi kanina ni Lanie. "Hindi naman kasi napipigilan ang pagmamahal, Lara. Kapag naramdaman mo yun, wala nang kawalaan. Hindi mo na mapipigilan. Pag natamaan ka ng pana ni kupido, wala nang iwasan pa." Pero bakit ako, naiwasan ko? Nakaya kong labanan? Bakit?

"Iha, bayad mo. Nandito na tayo." singit ni manong

"Ay sorry. Eto po oh!"

  Pagkabigay ko kay manong ng bayad, pumasok na ako sa bahay namin.

"Hi ate!" salubong sa akin ng nag-iisa kong kapatid

"Oh Larry, kamusta si Tatay?" sabay yakap at halik ko sa kanya

"Ay ate, tulog na po siya. Kakainom lang po ng gamot niya."

"Mabuti naman. Kumain na ba kayo? Dapat kumain muna si tatay bago uminom ng gamot ah."

"Kumain na po siya, ate. Kaso ako, hindi pa kasi hinihintay pa kita eh." sabay pacute ng walong taong gulang na si Larry

"Asus, ang sweet naman ng kapatid kong gwapo. Tara kain na tayo! Pinadalhan ako ng ate Lanie mo ng pagkain." sabay hain ko ng adobo na pinabaon sa akin ni Lanie bago ako umalis sa bahay nila

Kinabukasan...

"Oh Larry, ikaw na ang bahala kay tatay ha. Yung gamot niya wag kakalimutan ha. Kumain kayo, may pagkain dyan sa lamesa para mamayang tanghali tapos sa gabi aagahan ko na lang ang uwi para makakain agad kayo."

"Ok po, ate. Ay ate! Yung gamot po pala ni tatay mauubos na po. Baka bukas wala na po siyang mainom." malungkot na sabi ni Larry

"Ganon ba? Sige, makukuha ko naman yung sweldo ko mamaya. Bibili na ako." sabi ko habang hinihimas ang ulo niya

"Salamat, ate. Mag-iingat ka po ah."

Pagkalabas ko sa bahay, parang may nakita akong tao dun sa labas ng bakod namin. Kaso umalis agad eh. Ah baka may hinahanap lang.

Pana ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon