"SABRINAAAA!"
"Oh? Bakit ba yun?"tanong ko kay Cassie na kanina pa sigaw ng sigaw.
Tumakbo sya papunta sa upuan ko.
"KA-KASI NANDYAN NA YUNG GRUPO NILA IVAN!"pasigaw nyang sabi.
"ARAY! Bakit ka ba sumisigaw? Magkalapit lang po tayo inday."
"Keshe debe elem me nemen ne cresh ke se Ivan."
Hanudaw?
"Ikaw Cassie tigil tigilan mo yan ha!"
"What?! I just admire him."
"At bakit?"tanong ko.
"kasi ang wafuuuu nya,hahahahaha!"
Aba't tumawa pa talaga.
"Bahala ka nga pag ikaw nasaktan ulit ah! Wag na wag mo akong iiyak iyakan humanda ka talaga sakin."pagbabanta ko.
"Luh! Grabe ka inday crush pa lang nag speech kana agad."pagdedepensa nya.
"Hays! Wala na nga talaga akong magagawa sayo lokaret ka."Pagdradrama ko.
"Halika na baba na lang tayo sa canteen, my treat!"Sabi nya.
Nabuhayan ako ito talaga gusto ko eh.
yung libre charottt lang.Napangiti ako dun ah.
"Yeah naman narinig lang yung salitang libre nabuhayan."natatawang sabi ni Cassie.
"Syempre naman hahahaha!"
Pababa na kami ni Cassie ng marinig naman yung mga babaeng nagtitilian.
"Shete! ano ba yun?"tanong ko kay Cassie habang tinatakpan hung tenga ko.
Nagkibit balikat lang sya.
"Just wait me here."sabi nya bago bumitaw sa kamay ko.
Makikiusyoso nanaman yun.
Bumalik naman sya agad.
"I told you!"sigaw nyang sabi na parang kinikilig kilig pa.
"Ano? Sino?"Tanong ko.
"The group of ivan."malambing nyang sabi."Sabi sayo famous sila tignan mo pinagkakaguluhan sila ng girls."excited nyang sabi.
"So what? Tara nagugutom na ko eh."
"Okay wait lang! Look at me. Do I look haggard?"
"Nope."sagot ko.
"Ok let's go!"
Pumasok na kami sa canteen ng mapansin ko nga yung limang lalaki na
nakaupo sa gitnang mesa."Kaya naman pala center of attraction eh may mga mukha sila."bulong ko kay Cassie na katabi kong nakapila.
"Ano ka ba?"sabay hampas nya.
"Aray ha!"pagmamaktol ko.
"Ikaw na omorder ng akin parehas na lang tayo."sabi ni Cassie ako iniwan para umupo malapit dun sa crush nya.
How nice!
"Uhm...2 black forest cake and 2 carbonara yung drinks kuya ano na lang dalawang coke and 2 water."I smile bago ibalik yung menu dito sa canteen.
Pumunta na ko sa table na napili ni cassie dala yung foods.
"ok let's eat na!" masigla kong sabi.
"baket ang dami mong inorder?" tanong nya habang kinukuha yung tubig.
"kasi sabi mo parehas tayo kaya tig dalawa tayo."nagtataka kong sagot.