Prologue

26 5 3
                                    



"What the hell is this?!" Sigaw ng isang babae.

"Let me expla--"

"Explain what? Na nangbababae ka? Ang galing mo din no? Sa dinami dami na pwedeng landiin ay kapatid ko pa!" Puno ng galit ang kanyang mga mata ng tignan niya ang kanyang bunsong kapatid.

"At ikaw! Malandi ka talaga, I've never thought na kaya mo gawin yan sa akin!" Binitawan niya ang maliit ng kamay na hawak niya sa kaniyang palad at ang hawak niyang mga pagkain.

Lumapit siya sa kaniyang kapatid at kinaladkad ito palabas ng office.

"Ouch! Stop it, Ate!" Pagpupumiglas niya. Lahat ng tao sa floor na yun ay nakatingin lamang sakanila. Uminggay ang buong floor dahil sa bulungan ng mga tao.

"Dito mo ngayon ipakita ang kalandian mo!" Binitawan na niya ito at tinulak sa sahig.

"Ha! Kaya ka siguro pinagtaksilan ni Mike dahil hindi mo mabi--" Hindi natapos ang kanyang sasabihin dahil nakakuha siya ng isang malakas na sampal.

"Don't you dare talk to me like that or else." Ito ay nanginginig sa galit.

"Or else what? Didn't you know na may anak na kami ni Mike at magpapa-anullment na? Pirma mo na lang ang kulang." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, Her heart was falling into pieces. She wanted to cry but not now, she have to show her that she's not affected.

"Really? Sige, Ipadala mo sa bahay ko at pipirmahan ko 'to." She gave the most fake smile that she can give. Bumalik na siya sa office at binuhat na niya ang anak niya. She looked at her bastard husband na nakaupo ngayon sa office chair.

"You better come home early." Malamig na sabi niya at umalis na sa building, Buhat buhat ang kaniyang nag-iisang anak na babae, 6 years old na 'to. Tinawagan na niya ang kanilang driver.

Agad naman niya nakita ang itim na kotse at sumakay ito doon.

"Ma'am, Hindi naman po sa nangingiealam pero ba't parang ang aga niyo po?" Tanong ng driver.

"Nasa meeting po siya." Pagsisinungalin nito at tinitigan ang kanyang anak.

Nawala ang katahimikan ng biglang magsalita ang kanyang anak.

"Mwommy? Why are you crying?" Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya, Buti na lang nagtanong ang anak niya.

"I'm not crying, Baby. Napuwing lang ako." Ngumiti ito at hinalikan ito sa ulo.

"I love you, baby. I'll always be here to protect you." Niyakap niya ang anak..

***

Kasalukuyan niyang hinihintay ang magaling niyang asawa. Ng marinig niya ang kotse nito, Agad ito bumaba.

Hindi niya alam kung paano ito haharapin parang sinasaksak ang kaniyang puso tuwing naaalala niya ang mga sinabi ng kaniyang kapatid.

"May anak na kami ni Mike"

"Magpapaanullment na"

"Pirma mo nalang ang kulang."

Anullment..

Anullment..

Gusto man niyang tanggalin sa isip niya ngunit parang ito'y itak na tinitirikan ang kanyang utak.

Nang makita niya ang kanyang asawa, Tinitigan niya lamang ito.

Hindi siya makapaniwala na ang pinakamahal niyang asawa ay sasaktan siya.

Naisip niya. "Eto ba ang pinakasalan ko? Ang daming nagbago sa kanya. Hindi ko na siya kilala."

"Diane." Lumapit ang kanyang asawa.

"Totoo ba ang sinabi niya?Michael?" Natigilan si Michael.

"Hon.."

"Totoo ba yun? Sumagot ka."

"Oo, I'm sorry.."

Napapikit na lamang siya sa sobrang sakit, Kung kanina ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig ay ngayon naman ay parang nilunod na siya.

Suminghap siya ng malalim. Ang sinabi ang mga salita na hinding hindi  pumasok sa kanyang isip na sasabihin niya pala ito balang araw.

"Umalis ka na. Kunin mo na lahat ng gamit mo." At umalis na ito. Pumunta siya sa kwarto ng kanyang anak.

Lumapit ito sa natutulog na anghel. Hinawi niya ang mga buhok na humaharang sa magandang mukha nito.

"Eto ba ang gusto nila? Ang hindi ka magkaroon ng buo at masayang pamilya? Pwes hindi maaari, Gagawin ko ang lahat para sayo, Anak. Mahal na mahal kita." Pumatak ang kanyang mga luha sabay sa pagbagsak ng ulan.

- END OF PROLOGUE -

Destroying HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon