Kath's POV:
"GROUP HUG!" sabay naming sabi ng barkada except Seth! Nag group hug naman kami.
Napansin ko na yung braso ni DJ ay pumunta sa likod ko. Napa 'tss' nalang ako. Alangan naman pagtabuyan ko diba? Hahaha! Group hug nga diba? Lol.
Minsan magka-away kami ni DJ. Minsan naman magkabati. Ewan ko nalang kung ano talaga kami. I mean, kung Friends ba kami or Enemies. Hahaha! I don't care kung ano talaga kami. Uh, I guess, we're loveteam. Tama!
Loveteam in oncam, enemies in off-cam. Mwahahaha!
Pero seryoso. Sa lahat ng girls na kabarkada ni DJ, kami lang yung SUPER CLOSE. Promise. Palibhasa, kami kasi yung palaging pinag-tatambal sa tv e. Kami daw yung loveteam.
Yup. We're loveteam. KathNiel loveteam, they say. Hindi masyadong halata noh? Hahaha!
Teka, bakit ba si DJ pinag-uusapan natin? Psh! By the way, I'm Kathryn Chandria Bernardo. Famous teen Queen. I'm an actress. Sabi nila, I'M SUCH AN PERFECT GIRL. Ewan ko kung totoo ba yun. Totoo ba guys? Hihihi :)) 18 years of age. Student in Padilla university. Sa school mismo nila DJ ako nag-aaral. KathNiel fans says that we're meant to be kasi nga daw sa school ako ni DJ nag-aaral. Hayys! Issue forever!
Well, pagkatapos naming mag group hug, bumalik kami sa upuan namin. Hayy. Sobrang mamimiss namin si Niks. Lalong lalo na si Seth.
"Niks, mag-ingat ka dun ah?" sabi ko kay Niks.
"Oo naman. I promise, pag bumalik ako dito, buong buo parin ako. I'm still the Annika." sabi niya kaya napa smile naman kaming mga girls. Yung boys naman, behave lang. Ang laking HIMALA. Hahaha! Ang bad ko.
"Dapat lang" sabay na sabi ni Ingrid, Julia, Miles, Daezen, Shannen, Michelle and Gabby. Grabe ah! Kailangan sabay?
"Kailangan sabay?" oh shoot! Sabay sabi naming dalawa ni DJ. Tumawa naman sila. Sus! If I know, kinikilig to e. Binigyan ko lang sila ng isang lovely smile. Chos!
"Bakit? Kami lang ba sabay?" tanong ni Julia sabay ngiti ng nakakaloka.
"Oo nga. Kayo rin naman ah?" sabi naman ni Diego. Nakita kong inirapan ni DJ si Diego. Hahaha! Buti nga.
Narinig naming tumunog yung phone ni DJ.
"Sino yan brad?" tanong ni Pat.
"Manager namin ni Kath. Teka lang. Sagutin ko lang ah?" tumango naman kaming lahat.
Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik na si DJ.
"Ano sabi niya DJ?" tanong ko sakanya. Napakamot nalang siya ng ulo.
"Pinapupunta niya tayo sa Hongkong!" ahh yun la--- WAIT!!
"ANOOOOO?" sabay sabi naming mga barkada. Si DJ lang hindi.
"Ang sabi niya, pumunta daw tayo bukas ng 5:00 am sa Hongkong. For 3 days daw. May taping daw sa isang movie e. Kailangan daw tayo as a extra. Tsk." sabi ni DJ. Grabe lang. For extra lang pala tapos, 3 days? Ugh! Bukas pa naman flight ni Niks papuntang London.
BINABASA MO ANG
I'm just his FAKE GIRLFRIEND! (KathNiel)
Teen Fiction"I'm just his FAKE GIRLFRIEND. Wala akong karapatang mag selos kung mayroon siyang ibang babaeng kasama. Wala akong karapatan sa kanya. May karapatan lang ako sa kanya pag nasa harapan namin ang babaeng, mahal niya at ang babaeng gusto niyang makuha...