Prologue

10 0 0
                                    

Sa pag-ibig pag tinamaan ka wala ka nang magagawa. Kahit sabihin ng kaibigan mo na "Ang panget. Di naman ganyan type mo ah?"

Maganda/Panget man yan wala kang pakealam,mahal mo eh. 

Mabait/Masungit man yan wala kang pakealam,mahal mo eh. Kahit na sungitan ka o di man lang pansinin mahal mo pa din.

Mataba/Mapayat man yan wala kang pake kahit maubos yung pera mo dahil kakabili mo ng pagkain nya kaya nga mataba diba? o kaya naman wala kang magawa kung ayaw nyang kumain kasi diet sya. Maraming ganyang babae pero kahit nakakainis na mahal mo pa din.

Matangkad/Maliit man yan. Ano naman kung mas matangkad yung babae sa lalaki? o mas matangkad yung lalaki sa babae? Mahal mo eh.

Kahit nasasaktan ka na kakayanin mo kasi nga MAHAL MO. Pero kung niloloko ka na,harap harapan, aba Hiwalayan mo na. Ano? Tanga tangahan nalang forever?

May kasabihan tayo diba?

"Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo."

Pero ba't bakit sakin,hindi ko ma'apply yan? 

GUSTO ko siya pero SINUSUNGITAN nya lang ako.

Pero pinipilit ko parin yung sarili ko. Kakayanin ko. Kahit isang libong love letters gagawin ko mapansin nya lang ako. Sana bigyan nya ko ng chance para magustuhan nya din ako. Pero dahil isa syang masungit na nilalang hindi na ako nag-abala pang kausapin sya. Araw-araw akong naglalagay ng love letter sa locker nya palagi ko syang sinusundan non.

Pero simula nung naging kaibigan ko si Zander hindi ko na sya masyadong sinusundan. Eh pano ba naman palagi akong sinusundan ni drake! mamaya malaman nya na gusto ko yung kaibigan nya.

OO! Kaibigan nya si Ethan. magkateam sila sa basketball. Nung una iniisip ko parang gusto ko syang gamitin para mapalapit ako kay Ethan pero hindi ko kaya kasi mabait naman sya sakin palagi nga kaming nag-aasaran...

Asaran na baka mapunta sa pagmamahalan? Natatakot ako na baka magkagusto ako kay Zander.  Hindi naman kasi mahirap mahalin si Zander eh. Sikat sila ni Ethan sa school kasi magaling sila sa basketball at isa pa parehas silang gwapo. Hindi ko alam kasi parang iba yung dating nya, iba din naman yung kay Ethan. HINDI lang dahil gwapo sila kaya sila gustong gusto ng mga babae mabait sila at gentleman. Sinong hindi magkakagusto? si Ethan, masungit pero gentleman. si Zander mabait na gentle man pa. Ohah! 

Maraming beses na akong nasaktan. Sa tuwing nakikita kong kasama ni jayden yung girlfriend nya. Marami na syang naging girlfriend kaya maraming beses na din ako nasaktan pero sabi nila yung ibang babae jan nag-aasume lang na girlfriend kahit hindi naman.

Pero pag kasama ko si Zander napapasaya nya ako kahit na madami akong problema palagi nya akong dinadamayan. 

Pag niyayakap ako ni Zander bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa nayayakap ni Ethan pero pagnaririnig ko syang kumanta bumibilis din ang tibok ng puso ko.

Nakakabaliw. Naguguluhan na ako.

Crazy In Love by Agentyellowx

--------------------------------------------------------------------------------------------

Sana basahin nyo 'to. Hahaha lalo na sa kathniels jan! hihi. Sana magustuhan nyo :* 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

crazy in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon