A/N: Side story ni Xander Paul Lee ng SMGL (She's My Goddess of Love) One Shot lang siya at sana magustuhan niyo ^_^
Hindi niyo po kailangang basahin yung SMGL. Pero kung gusto niyong basahin, punta kayo sa profile ko at hanapin niyo na lang po siya. Tapos na 'yun. By the way, enjoy reading ^_____^
-Janel <3
********************************************************************
Let Her Go
Written by SassygirlJanel
Totoo pala na kapag pinakawalan mo na ang isang tao, saka mo na lang marerealize ang halaga niya sayo.
*****
"I dont like you Xander... sorry"
"Pero Louisse-----"
"I said I DONT LIKE YOU! Kaya please let me go Xander. Mahal ko pa siya at mahal pa rin niya ako."
Pagkasabi niya sa akin 'nun ay saka siya tumakbo palayo sa akin kasabay ng pagpatak ng butil ng tubig sa braso ko mula sa kalangitan.
Palakas ng palakas at pabilis ng pabilis ang pagpatak ng tubig sa katawan ko kasabay ng puso kong unti-unting nadudurog.
2 years? 2 YEARS ko siyang niligawan at ito lang ang mapapala ko? Sakit? Sakit na halos mamatay na ako. Alam kong OA pero 'yun talaga ang nararamdaman ko.
Ano ba ang pagkukulang ko sa pagmamahal ko sa kanya? Eh halos lahat binigay ko na sa kanya ng buong-buo.
Ganito ba talaga ang pag ibig? Masaya nung una pero masakit sa huli? Eh G*GO ka palang pag ibig ka eh! Bakit kelangan ka pang maramdaman kung idudulot mo lang pala eh sakit?
Maya-maya ay naramdaman ko na wala ng pumapatak na ulan sa katawan ko kaya tumingin ako sa kalangitan pero isang kulay asul na payong lang ang nakita ko.
"Mukhang kailangan mo ng karamay ah," sabi niya habang nakangiti.
I hate this girl. Bakit ba siya laging nakasunod sa akin? 'Di ko naman siya kilala.
"I dont talk to stranger." malamig na sabi ko saka tumakbo papalayo sa kanya.
Ako si Xander at ito ang istorya ko. Minsan na naging tanga sa pag ibig at ayoko ng mag pauto pa ulit sa g*gong pag ibig na yan.
--------------------------------------------------
Halley's POV
Naiwan ako dito mag-isa habang pinagmamasdan ko siyang tumatakbo papalayo sa akin.
Ang hirap talagang magmahal lalo na kung yung taong minamahal mo eh laging lumalayo sa'yo. Mahal ko siya pero may mahal siyang iba pero 'yung mahal niya eh may mahal din na iba. Buhay nga naman.
Lagi kong sinasabi sa kanya na hindi siya mahal 'nun pero ayaw niyang makinig kasi hindi daw niya ako kilala. Kaya ayan, nasasaktan siya ngayon dahil umasa siya sa wala. Alam kong hindi ako maganda at mas MAGANDA siya sa akin pero kung pag-ibig ang pag uusapan, mas lamang ako pero bakit ganun? Bakit hindi niya ako gusto?
Tumingin ako sa langit na patuloy paring bumubuhos ng ulan. Kahit pala ang langit eh nakikiramay sa akin. Buti pa siya, naiintindihan ako.
****
"Halley! Nakapag-review ka ba sa physics? Pakopya naman mamaya. Nag away kasi ang mga magulang ko kahapon kaya ayan, hindi nanaman ako nakapagreview dahil sa ingay nila." sabi ni Lily, couzin/bestfriend ko. Masyadong kumplikado ang buhay. Buti na lang andyan 'yung boyfriend niyang laging nasa likod niya. Katulad ngayon, nasa likod nanaman namin ang boyfriend/bestfriend din niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/16010592-288-k417102.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Her Go (One Shot)
Teen FictionYou only know you love her when you let her go... She's My Goddess of Love (SMGL) Side story Story of Xander Paul Lee