Nantes, Pays de la Loire, France.
"What? NO!" I exclaimed when I heard what Dad has to say. "Kung alam ko lang na 'yan na naman ang pag-uusapan natin hindi na lang sana ako umuwi dito." Padabog akong naupo sa sofa at kinuha ang cellphone ko sa bulsa.
"For goodness sake, Amanda! Hindi mo ba talaga kayang magsakripisyo para sa pamilyang ito?" my Dad fired back.
Hinablot niya sa tenga ko ang ear phones na isinuot ko upang hindi ko na marinig pa ang boses niya.
"Matagal na kitang pinagbibigyan sa lahat ng mga kapritso mo! Halos mamatay na kami ng Mommy mo sa pagta-trabaho para lang maibigay sa inyo ang magandang buhay. Tapos isang bagay lang ang hinihingi ko sa iyo hindi mo pa magawa?!" nanggagalaiting sigaw sa akin ng tatay ko.
Napangiwi ako ngunit pinili ko na lang na huwag ng sumagot. Ayokong mag away kami ni Dad. Inalis ko ang mga sapatos sa paa at namaluktot ako sa sofa.
"Ervin, paabot ng remote" ngunit bago pa man maiabot ng kapatid ko sa akin ang remote ay agad na itong kinuha ni Daddy at inutusan si Ervin na pumasok sa kwarto naming dalawa.
Yep, my brother and I still shares a room. Like what the actual fudge diba? Ang tanda na namin pero share pa rin kami ng kwarto!
"Dad, I didn't came here for this. Kaya pwede po ba, gusto ko ng magpahinga" tatayo na sana ako ng marinig kong magsalita si Mommy na kanina pa tahimik lang na nakikinig sa pagtatalo namin ni Dad.
"Mandy, can you really not consider it?" mahinahon ngunit may diing tanong niya sa akin.
My mother, Elizabeth Bernilla - Hernandez is such a calm person lalo na pagdating sa mga usaping pamilya. Minsan ko lang siyang narinig na sumigaw dahil sa galit, ito ay noong muntik na akong mabungo ng sasakyan ni Dad ng papasok siya sa garage noong bata pa ako. Mom was so terrified that she had to put away Dad's car for a week. Other than that incident, hindi ko na maalalang sumigaw o nagalit si Mommy sa akin or kahit sa sino man sa amin.
"Mom, we're in the 21st century. You can't just tell me to marry someone who happens to be a complete stranger! Please naman!" nilamukos ko ang aking mukha sa sobrang inis.
Like, nakakainis talaga! Ang korny-korny nila. Bakit kailangan ko magpakasal sa isang tao na hindi ko kilala? Hindi naman kami mayaman kaya hindi uso sa amin yung merging-merging nila. Ano namang imi-merge namin? Yung balikbayan shop ng tatay ko? Kainis ha.
"I hate to say this, but guys, act your age! Mga magulang ko po kayo hindi niyo dapat ibinebenta ang anak niyo!" that's it, agad akong pumikit ng maramdaman ko ang luhang nagbabadyang pumatak sa aking mga mata.
At the corner of my eyes, I saw Mom na napayuko and tumalikod naman si Daddy. I know I've got them. They felt guilty now.
"Sabi niyo nagpapakahirap kayo para sa future namin ni Ervin?! Ganun din naman kami eh. We are trying our best with our studies, lalo na ako, I'm almost done with my MA degree, and we have good grades. And so far okay naman po lahat. Bakit ko kailangan pakasalan ang lalakeng hindi ko po lubos na kilala? For what? Para sa pera? What the heck!"
"It is just not for money's sake, Amanda." medyo kalmado nang wika ni Daddy.
"Then what is it, Daddy?" nilapitan ko siya at tinabihan. Sa totoo lang ng tawagan niya ako kahapon at pauwiin ay natuwa ako.
Halos limang buwan ko na kasi silang hindi nakikita. I am studying and working at the same time kasi sa Paris samantalang ang mga magulang ko at ang nag-iisa kong kapatid ay nakabase sa Nantes, Pays de la Loire, isa sa mga probinsiyang matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng bansang France.
Ipinanganak ako sa Pilipinas ngunit noong two years old ako ay lumipat ang mga magulang ko sa Paris. Nakakuha kasi si Daddy ng magandang offer sa isang kompanya doon kaya nagdesisyon sila ni Mom na doon na lang kami manirahan. Nang makapag ipon ng kunti ay pinasok ni Daddy ang shipping industry noong five years old ako kaya kami napilitang manirahan sa Nantes dahil sa mas malapit ito sa Bay of Biscay na siyang sentro ng kalakalan sa lugar.
Moving here from Paris was the best decision Dad has ever made. Dahil sa paglipat namin ay sunod-sunod na ang mga swerteng dumating sa aming buhay.
Sa Nantes na din ipinanganak ang kapatid kong si Ervin. Bale five years ang tanda ko sa kanya at kasalukuyan siyang third year college sa isang university sa Nantes. Nagtagumpay ang negosyong itinayo ni Daddy at unti-unti na ring nakikilala sa Nantes ang maliit na kompanyang itinayo ng tatay ko.
"Bigger than money matters, Honey. Your Lolo Marcus is a good friend of the King and they have this crazy pact fifteen years ago." Hinawakan ni Daddy ang batok niya at pinisil-pisil iyon. Isa iyon sa mga inclination na namu-mroblema siya.
Alam ko na yung tinutukoy niyang kasunduan, naikwento na ito sa akin ni Lolo noong umuwi kami ng Pilipinas two years ago. Ayon sa kanya, matalik niyang kaibigan ang Hari ng Pilipinas at nagkasundo itong ipakasal ang unang apong lalaki ng Hari sa unang apong babae ng Lolo ko na minalas namang ako.
Classic. Right? Pwe! Walang originality. I really don't get older people.
"Dad, the King passed away two years ago and we might as well consider the pact dead." Hindi ko talaga maunawaan kung bakit pinipilit pa ng mga magulang ko ang bagay na ito.
Nakakatawa lang isipin na nakatira kami sa isang bansang malayong malayo na sa makalumang paniniwala ngunit heto at nagtatalo kami sa isang walang kwentang kasunduan.
"Oh, Mandy how I wish we can actually do that," ani Mommy na lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko.
Sumiksik ako sa kanya at nakakunot ko siyang tinangala. "Why can't we, Mom?"
"Okay. We might as well be honest with you," bumaling si Daddy sa akin. "Before the King died he told his wife about the pact and made her promise that whatever happens she will look for you to marry their grandson, which is the Crown Prince."
"Na pwede ko namang hindi gawin." Ibinuka ko pa ang aking mga braso na parang sinasabi sa kanilang napakadali lang namang solusyunan ang problemang ito!
"Na dapat mong gawin dahil kung hindi ay mapupunta sa asset ng gobyerno ang lahat ng pinaghirapan ko, nang lolo mo at ng buong angkan natin." Dad look at me intently in the eyes "at ikukulong nila sa Papa."
"They can't do that!" mula sa pagkakabuka ng aking mga braso ay naihampas ko ang aking kamay sa mesa at napatayo.
"Yes they can. It is part of the pact which were signed by your crazy grandfather!" nakangiwing bumaling si Mommy kay Daddy ng marealized niya siguro ang ginamit na adjective patungkol kay Lolo,
"Sorry for the term, Sweetheart."
x

BINABASA MO ANG
The Royal Couple
General FictionWhen Amanda found out about the pact made by her grandfather and the late King, she immediately went back to the Philippines to confront him. But instead of changing her grandfather's mind it turned out changing hers'. She decided to push through w...