Saturday ngayon at nandito si Sophia sa bahay para turuan ako kung paano ang tamang lakad sa pageant. Hindi naman talaga ako sanay sa mga ganito eh.
"Huwag kang yuyuko, Ava. Okay?" sabi niya pa tapos inangat niya pa ang chin ko. Ugh ang taas ng heels ko! Ayoko na!
"Kailangan ba talaga akong mag heels?" sabi ko sa kaniya at kumunot bigla ang noo niya. Alam ko ang stupid ng tanong ko pero baka pwede namang huwag na lang huhuhu.
"Tanga ka ba? Ano? Gusto mong mag tsinelas ka na lang?" sabi niya tapos nakahawak pa siya sa hips niya. Ugh!
"Hay Ava! Kailangan mong tiisin lahat ng ito anak. Dapat manalo ang department niyo" sabi naman ni mommy habang nilagay niya sa table ang juice at sandwich. Nagugutom na talaga ako.
"Sige, break muna tayo" sabi ni Sophia at umupo na kami sa sofa. Agad ko namang hinubad ang heels ko dahil ang sakit na ng paa ko at namumula na rin ito.
Nabigla kami ng mayroong nagdoorbell sa labas. Agad namang tumayo si Sophia para tingnan kung sino ang nasa labas.
"Anong ginagawa niyo dito?" narinig ko'ng sabi niya. Tumayo na rin ako at pinilit ang sarili kong maglakad papunta sa labas.
Napanganga naman ako ng bumungad sa akin sila Jacob, William, at Ethan. WHAT?! Anong ginagawa nila dito?
"Hi Ava! Gusto ka lang naming panoorin!" sabi ni William. Sus! Palusot pa siya, gusto niya lang siguro makita si Sophia.
Napatingin naman ako kanila Ethan at Jacob. Nakatingin rin sila sa akin at tinaasan ko sila ng kilay. Naghihintay ako sa rason nila.
"Papasukin mo ba kami o hindi?" sabi naman ni Jacob. Wow! Sungit ah!
"Sige na nga! Basta huwag kayong makulit!" sabi ko sa kanila at agad naman silang pumasok.
Nakita sila ni mommy at pinaghandaan rin sila ng miryenda. May dala naman silang mga pizza. Pinagbawalan naman ako ni Sophia na kumain dahil baka tumaba daw ako. Gosh! Parang iiyak na ako!
"Anong nangyari sa paa mo?" nagulat ako ng tanungin ako ni Jacob. Napatingin naman ako sa paa ko na namumula na.
"Nagprapractice kasi kami eh kaya namula yung paa ko" sabi ko at may binulong rin siya pero hindi ko iyon maintindihan.
"Anong sabi mo?" dagdag ko pa.
"W-Wala" sabi niya at umiwas siya ng tingin sa akin. Topakin talaga!
Nagstart na kami ulit ni Sophia magpractice. Hindi naman ako makapractice ng maayos dahil halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Lalo na si Jacob. Bawat galaw ko ay pinagmamasdan niya. Ano bang problema nito?
"Huy Ava! Nakikinig ka ba sa akin?" sabi ni Sophia. Agad naman akong natauhan. Bakit ba palagi akong nadidistract kay Jacob?
"Ah oo" sabi ko kahit hindi ko alam ang sinabi niya sa akin. Bigla naman akong tinaasan ng kilay ni Sophia at hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kami.
"Anong nangyayari sayo?" sabi niya. Huh? Ano ba ang nangyayari?
"Wala ah. Pagod lang ako" sabi ko sa kaniya pero napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Tiningnan niya ako sa mga mata ko.
"Sa Friday na ang pageant. I mean hindi ko naman pinupush na manalo ka kasi alam ko na bibigay mo ang lahat. Ang ikinababahala ko lang ay ang nararamdaman mo para kay Jacob." sabi niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"A-Anong ibig mong sabihin?" sabi ko sa kaniya.
"Alam kong may nararamdaman ka na para sa kaniya, Ava. Hindi ko sinasabi na mali yan pero paano kung malaman niya ang totoo? Alam ko rin na hindi tama ang oras na to para pag-usapan natin ang tungkol dito pero habang maaga pa, pigilan mo na ang sarili mo" sabi niya at ngumiti siya sa akin. Umalis na siya at pumasok sa loob.
Hindi ko alam pero parang biglang kumirot ang puso ko sa sinabi ni Sophia. Alam kong kaibigan ko siya kaya gusto niya na mapabuti ako. Hindi ko naman kayang pigilan ang nararamdaman ko eh.
Pumasok na lang ako sa loob at hindi ko tiningnan si Jacob. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagpractice. Pero kahit hindi ko siya tinitingnan alam ko na pinagmamasdan niya ako.
Habang naglalakad ako hindi mawala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sophia. Sa sobrang lutang ko bigla akong nawalan ng balance. Buti na lang at nasalo kaagad ako ni Jacob.
Ang lapit ng mukha namin at hinahawakan niya ako ng mahigpit. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga dahil iba ang nararamdaman ko.
"O-okay ka lang?" nauutal niyang tanong sa akin. Hindi naman ako kaagad makasagot dahil ang lapit pa rin ng mukha namin.
Agad naman akong tumayo ng maayos at tiningnan ko na lang siya.
"Oo. Thank you" sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa akin. Bumilis naman ulit ang bilis ng tibok ng puso ko dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko.
"Oh? Practice na tayo?" sabi naman ni Sophia at tumango lang ako sa kaniya. Alam kong alam niya kung ano ang naramdaman ko kanina. Hays! Puso umayos-ayos ka nga diyan!
Natapos na rin ang practice namin ni Sophia. Pinagusapan na rin namin ang gagawin ko sa talent at kung ano pa. Nag-offer rin sila William na magback-up daw pero sabi ko huwag na dahil magkaiba ang department namin. Feeling ko nga mas sinusuportahan pa nila ako kaysa kay Olivia eh.
"Thank you guys ha! Lalo ka na Sophia, kung wala ka feel ko mapapahiya ako sa darating na pageant" sabi ko sa kaniya at lumapit naman siya sa akin.
"Alam kong mananalo ka, Ava. Sus! Ikaw pa ba?" sabi niya sabay yakap sa akin. Napangiti naman ako dahil malaki ang tiwala niya sa akin.
"Alis na kami, Ava. Good luck ha!" sabi ni Ethan at umalis na silang lahat. Papasok na sana ako kaso narinig ko ang isang pamilyar na boses. Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Ava..."
Nilingin ko siya at iba ang titig niya sa akin ngayon. Hindi ko alam ang ibig sabihin pero may kung ano sa mga titig niya.
"Ano yun?" sabi ko naman sa kaniya. Lumapit siya sa akin. Naghuhuramentado ulit ang puso ko.
"Huwag na huwag mo akong iiwasan" sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng sinabi niya.
"Huh? Hindi kita maintindihan" sabi ko sa kaniya at humakbang siya palapit sa akin pero napaatras naman ako. Naramdaman ko na bumangga na ang likod ko sa gate. What the hell?!!!
"Sabi ko huwag mo akong iwasan. Eh bakit lumalayo ka?" sabi niya at tumaas pa ang kilay niya. Nilapit niya rin ang mukha niya sa akin. Bumilis na talaga ang tibok ng puso ko.
"J-Jacob k-kasi..." hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko kasi parang sasabog na ang puso ko.
"Ano, Ava?" sabi niya. Bakit ang seryoso niya ngayon?! Di ako sanay!!!!
"Pwede ba umuwi ka na!" sabi ko sabay tulak sa kaniya. Pumasok kaagad ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag ako ni mommy pero ang bilis ng tibok ng puso ko ang nangingibabaw sa lahat.
Ang hirap iwasan ang isang taong bawat segundo ay nakikita mo at hinahanap mo. Ang hirap iwasan ang taong nagpapasaya sayo. Kahit alam mo na dapat hindi mo magawa dahil siya lang ang hinahanap ng puso mo.
BINABASA MO ANG
Little White Lies
Romance"How can I trust you when you already lied to me!" "I lied because I love you" Little White Lies x.