Paano Mag Move ON

459 9 3
                                    


Paano mag move on?

May mga yugto tayo sa buhay na masasabi nating napamahal tayo ng sobra. At nagkakataon pang kung kailan tayo nag seryoso ay tsaka tayo gagaguhin, alam ko na ikinukumpara yan eh. Yung tipong kung gano mo siya kamahal. Eh ganun ka din masasaktan. Ang masama lang dito ang ratio is 1:3 sa bawat patak ng pagmamahal na ginagawa mo. Katumbas ng Tatlong sakit na kapalit nito.

Pero hindi bat parte nga ito ng buhay na makakapagpalakas satin. Parte ng buhay natin na matututo tayo. Parte ng buhay na mag mamature. Ang boring siguro ng buhay mo kung hindi mo naranasang umiyak dahil nagmahal ka. Normal yun. Ako nga kalalakeng tao. May araw na hindi ko kinaya. Tinawag ko papa ko at sa kanya ako umiyak e. Parang bata ano? Ikaw ba naman mawalan ng tatlong taong relasyon. Pero tatlong taon na rin akong single ngayon. So 6 years na rin halos ang nagdaan. Kasama ang araw na may relasyon at araw na walang karelasyon.

So paano nga ba mag move on?

1. Iiyak mo lang - HUMAGULGOL KA!!! OO!! IIYAK MO PA!! SIGE PA!! HINDI NAUUBOS YAN!! Dahil automatic ang luha pag may masakit na nararamdaman na hindi na kaya ng bugso ng damdamin.

2. Maglibang (make use of your time) - Ahm enjoyin mo sarili mo! Maglaro ka ng kahit ano. Pumili ka ng hobby. Mga bagay na pag kakaabalahan, Kung babae ka gumawa ka ng scrapbook. Kung lalake ka madami ka pwedeng gawin. Mag basketball, mg volleyball , mg bike , mg airsoft , or mag kulong sa banyo at makipaglaro kay junjun. (biro lang). Marami pwedeng gawin. Sayo mag uumpisa lahat yan. Sa sarili mo. Hindi ka matutulugan ng ibang tao kundi ikaw muna talaga.

3. Have faith in God - Bago mo mahalin ang ibang tao. Bakit hindi mo muna mahalin ang tao sa likod ng ito? Ang nag bigay ng mundo. Gumawa ng puso. Gumawa ng nararamdaman. Bat hindi ka muna magdasal? Magdasal kang makaya mo sana ang mga binibigay niyang trials sayo. At maniwala ka sa kasabihang. Hindi ka bibigyan nang saradong pinto ni God. Na walang susi. Nasayo ang susi. Ikaw ang gagawa. Ikaw ang huhulma. Kaya wag maging bitter ok? Mahal ka niya. Kaya ikaw ang napili niya.

4. Pagiging Desidido - maging consistent ka. Huwag kang aanga anga diyan. Iniwan ka na nga diba? Kung babalik yun. Maari niya ulit gawin yun. Maging desidido ka sa sarili mong iiwan mo na talaga siya. Aalisin sa alaala. May araw na oo masaya ka sasabihin mong naka move on ka na pero sa isang araw naman ulit malungkot ka na ulet. "Love when your ready. Not when your lonely".

5. Mahalin ang sarili - paano ka mag mamahal ng isang tao? Kung sarili mo mismo hindi mo mahal. Hindi porket nawala siya eh wala ka nang pakialam sa sarili mo. Hindi mo naman siya kilala dati ah? Binuhay ka ng magulang mong wala siya. Wag kang tanga. Hindi bat maganda kung lalo kang mag papaganda/papagwapo? sa babae mag pa facial. Mag exercise! Naku ewan ko na lang kung hindi ka pa ulit makita nung taong yun. At mas lalapit sayo ang maraming lalake. Sa mga kalalkihan naman aba tol! Mag gym! Watch diet! Wag pabayaan ang sarili. Gusto ng maraming kababaihan ngayon eh medyo hunky. Tska pag nalaman nilang hunky ka eh alam nilang may disiplina ka sa sarili mo. Dahil hindi lahat ng oras mo nakatutok ka sa computer at may oras ka pa para mag gym. At ikaw ay my healthy lifestyle. Ikaw din naman ang mag bebenefit niyan.

6. Mag aral ng kakaiba - mag paturo nang ibat ibang bagay. Humanap ka ng bagong sports mo. Yung never mo pa nasusubukan. Mag ice skating sa MOA. Mag tennis. Mag aral ng gitara kung hindi pa marunong. Kumanta! Malay mo ikaw ang next youtube sensation. Hay naku ate/kuya. Kaya natin yan! May sasalo sayo promise! :)

Please pakiusap ko lang. Wag tayong mag hahanap ng panakip butas. Ikaw ang mapapasama. Ang imahe mo at makakasakit ka pa ng tao. Alisin mo na lang ang lungkot at wag ka nang mag mukmok. Oras na para ikaw ay lumigaya. Haha parang kanta lang o! Ayun. Sana may natutunan kayo sakin.

"Magmahal kung kelan ka na handa. Wag mag hanap dahil naiingit ka lang sa kanila."

Tapos na ang turn mo. Sila naman. Tapos tamang hintay lang. Ikaw na ulit yan :)

Salamat!

--+---+-++--+++
(A/N: So I hope may nalalaman kayo sa first lesson natin 😃)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano Mag Move ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon