WE -8-

87 9 4
                                    


 

 "Don't be afraid to take chances"

 

Khiana POV

Katatapos lang ng klase at wala akong balak magpractice para na din makaiwas kay Seyfert.

I just found myself heading to the garden where there is peacefulness. Malayo sa lahat ng gulo.

Umupo ako sa damuhan at dinadama ang hampas ng hangin. Kasabay nito ang amoy ng mga damo at ng halo-halong bango ng bulaklak. Kung titignan mo ang mga ulap, napaka kalmado nila at tila'y sumasayaw. Sana naging ibon nalang ako para malaya din akong nakakalipad sa himpapawid.

"Sana naging ibon nalang ako para nakikita ko ang magagandang tanawin na nakikita nila sa taas."  Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nanlaki ang mata ko ng makita si Seyfert na nakangiti at may video cam na nakatutok sakin.

How can it be such a coincidence na pareho naming ninanais na maging isang ibon. *I smirked in my head.

"Anjan ka pala. Diba dapat nagpa-practice ka?" Sabi ko

"Wala ka naman dun. Walang sense ang practice kugn wala ang Juliet ko" I rolled my eyes not because I'm annoyed but I don't like it everytime he talked that way. Kaya tumayo na ko. Kailangan ko siyang iwasan.

"Oh bakit ka tumayo? May dala akong sandwich. Tara kain tayo." Sabi niya habang hawak padin ang video cam.

"No, thank you I have to go."  dinampot ko na ang mga libro at sketch pad ko.

"Iniiwasan mo nanaman ba ako?" napahinto ako at tinignan siya.

"Oo!" sigaw ko sa kaniya tsaka tumalikod

"Akala ko ba okay na tayo? Napatawa na kita diba? So anong problema?" napasarado ko ang kamao ko at huminga muna ng malalim tsaka siya hinarap.

"Joke time lang yun! Nagpauto ka naman. Wag ka na kasing umasa na papasukin kita sa buhay ko, dahil hindi mangyayari iyon! Naiintindihan mo idiot?! Tss." Tumalikod akong muli at nagsimula ng maglakad. Sa bawat sambit ng salita ay may kahalong lungkot akong nadarama.

Minsan na akong nagpadala sa damdamin ko at hindi ko na uulitin yon.

"Khiana! Don't be afraid to take chances! That's rule no.2!" napahinto ako at pinakinggan lang siya. Gusto kong harapin siya at huwag nalang umalis pero parang nasemento ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo lang dun.

"Hindi ka magiging masaya kung pilit mo iniiwasan ang lahat. Aasa padin ako! I'll never give up!"  *facepalm!  Then I turned around and walked back. Sinapok ko siya sa noo at ngumiti

"Stupid ka na idiot ka pa! Upo!" I commanded and he followed. Then I sit as well beside him.

"Ewan ko ba bakit ang kulit kulit mo. Akin na nga yung sandwich na dala mo, nakakagutom ka idiot!" he smiled and wiggled in astonishment as he handed me the sandwich.

"Ikaw na pinaka-weird!" I rolled my eyes and say 'Whatever" 

Sabay nalang kami kumain ng tahimik nung sandwich na dala niya.

Habang pinagmamasdan ko siyang kumakain, I can't help but to smile. Napakahirap pigilan ang sarili kung isang katulad ni Seyfert ang kailangan mong iwasan. Ang hirap manindigan at higit sa lahat mahirap kalabanin ang emosyon. Nagpatalo na ko kung nagpatalo, but it made me feeling a winner to have Seyfert beside me.

His rules made me changed my mind.

 

**

You and I is W.ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon