Chapter 1

24 0 0
                                    

Mundo niya ba ay mababago sa bago niyang magiging buhay kasama ang mga taong bago din niyang makakasama sa pagharap sa panibagong bukas?

.
.
.
.
.
She's smart...
.
She's beautiful..
.
She's basagulera I think hahaha..
.
She's cold.......

SHALLEM Pov's

Wala na tong atrasan. Aalis na talaga ako dito. Iiwanan ko na sila.. Siguro naguguluhan kayo kung ano ang nangyayari.? Nagiimpake kasi ako ng mga gamit ko ngayon, sinusundo na ako ni kuya Rafa short for his name Rafael pinsan ko siya. Noon pa nila balak ako kunin sa magaling kong Mama na walang ginawa kundi ang manlalaki at magsugal tss. Pero hindi lang yan ang dahilan kung bakit nila ako kukuhanin dahil gusto nila aq ilayo sa mundong kinagisnan ko kasama ang mama ko at ang eskwelahang pinapasukan ko. Bangungot para sa akin ang pagpasok sa eskwelahan na yon. Tama na tong pagbalik sa mga nangyari naiinis lang ako pero takot ang nananaig..

Tapos ka na ba mag impake Angel? (Nakatayo na pala sa may pintuan si kuya rafa at seryosong nakatingin sa akin na may pagaalala sa mukha.)

Sa tingin ko Oo tapos na ako. (Walang ngiti na tugon ko)

Halika na at baka gabihin pa tayo sa daan.
For sure mamaya pa mama mo, atleast naipagpaalam na kita. (Pagkasabi niya nun kinuha niya sa ibabaw ng kama ko ang aking maleta at derideristo papunta sa may pintuan para mauna nang lumabas.)

Nang tuluyan nang lumabas si kuya Rafa, inikot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko, Mamimiss ko tong kwarto na to. Naglilinga din ako at baka may nakakalimutan akong dalhin na gamit ko. Napatingin ako sa study table ko at nahagip ng mata ko ang isang panyo na kulay blue, dali dali akong lumapit doon at kinuha ito. Bigay kasi sa akin to ni papa bago siya maglaho na parang bula.. Nakaburda dito ang pangalan ko at sa huli ng pangalan ko my initials na JC. Sa tingin ko wala na akong nakalimutan kaya naman lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na sa hagdan. Derideritso lang ako walang lingon lingon hanggang sa makarating ako sa may pintuan. Napatigil ako saglit, kapag lumabas na ako ng pintuang ito kailanman ay hindi na ako muling babalik pa dito, tuluyan ko nang iniiwan ang mundong kinagisnan ko...

Fast forward....

Kasalukuyang sakay na kami sa sasakyan. Habang nagmamaneho si Kuya Rafa alam kong pinakikiramdaman niya ako. I Know him a lot dahil madalas ko siyang nakakasama. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana ng sasakyan pinapanuod ang bawat nadadaanan.Ano bang oras na 4:30 na pala ng hapon. Ilang oras na din pala kaming bumabiyahe Tss. Ayoko na hindi ko na kaya ang ganitong katahimikan.

Kung may sasabihin ka sabihin mo na kuya rafa? ( bigla na lang siya tumawa ng mahina)

Kilalang kilala mo na talaga ako angel. (nakangiti siya habang umiiling iling pa)  by the way marami tayo paguusapan pagdating natin sa bahay. At sana matagalan mo ang isa mong pinsan si a--

Alisha(pagpuputol ko sa sasabihin niya, inis na inis talaga ako sa bruhang yun ang arte kasi tss)

Yeah. Siya nga. Alam mo naman kung anong ugali meron yun. (Yeah I know.)

Alam na alam ko. Pero pasensya na agad kuya Rafa if I can't stop myself na hindi siya patulan.(nagbuntong hininga siya.)

Okay lang Angel naiintindihan ko. Ganyang ganyan din si aj sa kanya.

Hindi na ako umimik. Nanamihik na lang ako buong biyahe. By the way kanina pa ako nagdadrama dito pero hindi pa ako nagpapakilala ng pormal. Ako nga pala si Maria Angelikka shallem Norris. You can call me shallem. Closed friends lang at family ang tumatawag sa akin ng Riakka (riyaka) nakuha ang ria sa panglan kong maria at kka sa angellika. and si kuya Rafa lang tumatawag sa akin ng angel kapag kami lang dalawa nag uusap, mas gusto niya daw yun dahil mas bagay daw sa akin at para mahalata naman daw na babae ako tss baliw talaga yon.

Huminto kami sa Isang malaking bahay hindi lang malaki kundi malaking malaki talaga. Bigla na lang bumukas ang gate at pinaandar ulit ni Kuya Rafa ang kotse at ipinasok sa garahe. Nang tumigil na ulit, tinanggal niya ang seatbealt niya at akmang lalabas na ng kotse pero napalingon siya sa akin.

Bumaba ka na diyan angel. Kanina pa tayo inaantay nina mama at papa, ni aj at alisha.... and also ni lola. (Tumango na  lang ako bilang tugon. Andito si lola? Miss ko na siya)

Nang tuluyan na kaming makalabas ng sasakyan. Kinuha na ni kuya Rafa ang maleta ko sa likod at binuhat papasok sa loob. Nang buksan namin ang pintuan ng bahay bumungad sa amin ang kanina pa sigurong nagaantay sa amin lalo na sa akin si tita alyanna, tito gian, aj, alisha and higit sa lahat ang pinakamamahal kong lola, Lola athenna.

----TDS_(the different Section)

Author-----

Pag pasensyahan niyo na po kung may mga error diyan haha nababaliw lang si author.

The Different SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon