Chapter 2

32 0 0
                                    


SHALLEM Pov's

Nakangiting niyakap ako ni tita alyanna lalo na ni tito gian... Lumapit din sa akin si Aj, mas close ako sa kanya at kay kuya Rafa. Niyakap niya ako ng sobrang higpit na animo'y antagal naming hindi nagkita. Napatingin ako kay alisha na palapit din sa akin, hindi siya ngumiti pero yumakap din siya sa akin. Sumunod si lola na yumakap, na kanina ko pa kita na nanggigilid ang luha.)

Apo ko. Namiss kita. ( sabay yakap ulit ng mahigpit tapos kumalas na ng yakap) Kamusta ka? (Tumingin ako sa kanya ng matagal bago sumagot.)

Ayos lang naman lola. (tiningnan niya lang ako na parang sinusuri niya ako.)

Iha halika ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo (sabi ni tita alyanna) Aj dalahin mo ang maleta ni riakka.

Okay ma. (Sabay kuha niya ng maleta ko malapit sa kinatatayuan ni kuya Rafa.)

Mauna muna po aq sa inyo lola, tito, kuya rafa at alisha. (Tumango lamang sila. Nakakapagtaka tahimik ang bruha. For sure mamaya yan babanat ng kabruhahan.)

Umalis na kami at umakyat papunta sa magiging kwarto ko daw. Pagakyat namin sa taas may unang pinto.

Iha, itong kwarto na ito ay kwarto namin ng tito mo. Tapos itong dalawang kwarto sa kanan ay kay Aj at Alisha ( tumango lang ako, tapos lumiko si tita pakaliwa at sa tabi nito may pintuan ulit) ito naman ay kwarto ng Kuya Rafa mo. (Dumiretso ulit si tita at sa tabi nun ay ang huling pintuan) yan dito ang kwarto mo riakka( ngumiti si tita alyanna kaya ngumiti rin ako) yan dapat ngumingiti ka, ang ganda mo kasi kapag nakangiti ka.( narinig kong tumawa si aj)

Anong nakakatawa aj? ( taas kilay ko pa sa kanya habang nagsasalita)

Wa-Wala. (Halatang nagpipigil ng tawa)

Aj tumigil ka nga dyan. ( sambit ni tita alyanna tapos tumalikod na si tita sa amin at binuksan ang pintuan ng kwarto, wow ang laki naman, my study table din haha yun agad napansin ko ano? Ipinasok na ni aj ang maleta at inilagay sa isang gilid)

Ang laki naman tita alyanna, sigurado po ba kayo na ito ang magiging kwarto ko? (Ngumiti siya bigla sa inasta ko)

Oo naman iha. Nagustuhan mo ba? (Tumango lamang ako.) Kung ganun, sige maiwan ka muna namin ng pinsan mo para makapagbihis ka at para na din makapagayos ka ng gamit mo. Lumabas ka na lang kapag tapos ka na O kaya magpahinga ka muna. (Akmang tatalikod na sila)

Tita alyanna, thank you po sa pagpapatira ninyo dito sa akin. (Ngumiti siya sa akin)

Wala yun riakka. Kahit kailan ay hindi ka iba sa akin, sa amin. (Natutuwa ako dahil kahit ano mangyari andyan pa rin sila.)

Okay po tita. (Sabay ngiti ko)

O siya sige na at mag-ayos ka na ng sarili mo. (Pagkasabi ni tita alyanna nun lumabas na sila ng kwarto pero bumalik si aj, at bigla na lang akong niyakap ng sobrang higpit)

Na-miss kita baby riakka, totoo at walang halong biro. (kumalas na siya sa yakap at bigla na lang tumakbo palabas ng kwarto. Anyare dun haha, pero na-appreciate ko yun, wag kayo magtaka sadyang baby riakka ang tawag niya sa akin. Sweet kasi yang kumag na yan.)

Pagkalabas niya nilock ko agad ang pintuan. Sisimulan ko na ang ritwals ko sa paglilinis ng katawan ko para maayos ko na ang mga gamit ko. Wow ang laki naman ng Cr, bongga at sliding door ito. May shower, may Bath thub. Pagkatapos ko magayos ng sarili ito at inaayos ko na ang mga damit ko, ang laki ng walk in closet ko. Sobrang dami pala ng damit ko atleast kasya pa sa akin. Yan tapos na makababa na nga hindi rin naman ako makakapagpahinga dahil ang isip ko ay lumilipad hahaha may pakpak kasi ang isip ko haha joke.Pagbukas ko ng pintuan rinig na rinig ko ang boses ni kuya rafa, at sa tono pa lang ng boses niya masasabi kong naiinis siya. Tuluyan na akong bumaba at lahat sila ay nakatingin sa akin, sinusuri nila ako sa titig nila, kung narinig ko ba ang mga pinaguusapan nila.

The Different SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon