Isa

6 0 0
                                        

Madilim ang kalangitan, tanging ang buwan lang ang mistulang nagpapaliwanag sa paligid. Napasinghap ako ng lumakas ang hangin tsaka humiha sa damuhan upang panuodin ang mga bituwin.

"Disidido kana ba talaga sa gagawin mo Nathalia?" Tanong ng kaibigan ko na si Zach. Nagbuntong hininga ako ng sumagi nanaman sa isip ko ang plano kong pagpasok sa Rabble Academy.

"Kelangan e, kung hindi ko gagawin yun hindi ko malalaman kung sino ang pumatay sa tatay ko." Agad kong pinigilan ang nagbabayang luhang lalabas sa aking mga mata. Isang linggo na ang nakakaraan simula ng iwan ako ng aking ama pero hanggang ngayon ang sakit parin. Naalala ko nanaman ang pagpatay sa aking ama.

Flashback

"O anak pupunta lang ako sa gubat upang kumuha ng kahoy na pang gagatong natin ha?" Agad akong tumingin sa kanya at kumaway.

"Sige tay, mag iingat ka po ha?" Sabi ko at nginitian siya ng pagka tamis tamis.

"Lagi mong tandaan na mahal na mahal kita anak ha?" Lumapit siya sakin at agad hinalikan ang aking noo.

"Mahal na mahal di po kita itay" sabay yakap ng mahigpit sa kanya.Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. Para bang may mangyayaring masama. Pero hinayaan ko lang dahil siguro ito sa kapeng ininum ko kanina.

Lumabas na ang itay sa bahay at naiwan akong mag isa. Sanggol palamang daw ako ng iniwan kami ng aking ina. Ang sabi ni itay e nagpaalam lamang siya na pupunta sa kabilang bayan, hanggang sa hindi na ito bumalik at nagpakita pang muli. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil ina ko parin siya, siya parin ang nagsilang sa akin pero nasasaktan ako dahil hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Araw araw nakikita ako ang aking ama na lumuluha habang hawak hawak ang litrato nila ni inay. Awang awa ako dahil wala aking magawa. Mahal na mahal ni itay ang inay pero bakit ganun bakit nagawa niya paring iwan ang itay?

Simula ng nagkaroon ako ng muang kitang kita kong ang paghihirap niyang kumayod araw araw upang may makain lang kami. Siya na ang tumayong ama at ina sa akin kaya ang laki ng pasasalamat ko dahil siya ang naging tatay ko. Kahit mahirap lang kami ay kuntento nako basta sa ang kasama ko.

Kasalukuyan akong nag gagayak ng kasangkapan para sa lulutuin ko sa hapunan ng may biglang kumatok.

"Nathalia! Nathalia!" Agad agad kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin si Zach, ang matalik kong kaibigan.

"O Zach, naparito ka?" Nagpahinga muna siya saglit dahil bakas sa itsura niya ang pagod sa pagtakbo.

"Si Mang Anton" agad akong kinabahan ng marinig ko ang pangalan ng aking itay.

"Anong nangyari?" Sana hindi tama ang hinala ko, sana walang masamang nangyari sa kanya.

"Nakita nila sa may kakahuyan si Mang Anton na nakahandusay at naliligo sa sarili niyang dugo" agad akong napa upo sa narinig ko. Para akong nabingi, hindi ko alam ang gagawin ako.

"Hindi totoo yan!!" Agad king tinakbo ang kagubatan upang makita ang itay. Napatigil ako dahil sa mga nagkukumpulan na tao. Hinawi ki ito at tumambad sakin ang walang malay na lalaking punong puno ng dugo sa katawan. "ITAAAAAAAAAAAY!" Sigaw ko at agad siyang pinuntahan upang mayakap. "Gumising kana tay! Parang awa mo na, ikaw nalang ang natitira sa buhay ko." Pilit kumakawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayaw kasi ng itay na makita aking umiiyak. "Tayyy!!" Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Pilit kong tinatatagan ang sarili ko pero hindi ko pa kaya dahil ansakit sakit.

"Nathalia tama na" pilit na pigil ni Zack sa akin.

"Hindi Zack e, bakit naman ganto? Ang sabi niya lang sakin kanina e kukuha lang siya ng kahoy pero bakit naman ganto yung kinalabasan? Sino namang mga walang kwenta ang gagawa nito!?" Wala akong kilalang kagalit ang itay dahil pala kaibigan ito at hindi mahilig sa away.

"May nakitang pendant sa kamay ni Mang Anton" binigay sa akin ni Zack ang pendant na sinasabi niya. Para itong star na may bilog na malaki sa labas. Parang nakita ko na to pero hindi ko matandaan kung saan.

"Ang sabi ni itay sakin e, ang mga mayroong ganyang pendant ay ang mga alumni o hindi kaya mag aaral ng Rabble Academy"

"Kung sino man sila, hahanapin ko sila. Hindi nila alam kung gaano kasakit mawalan ng ama" hindi ko namalayan na may luha nanaman palang lumalabas. "Gaganti ako"

End of flashback

"Hindi mo naman kelangan gawin to. Mahirap na, delikado." Nag aalalang tugon niya sakin.

"Alam kong mahirap , pero kakayanin ko para kay itay." Kahit buhay ko ibubuwis ko makamit ko lang ang katarungan para sa ama ko.

"Hindi na ba kita mapipigilan?" Tinignan ko sa mata si Zach at bakas sa kanyang mata ang kalungkutan.

"Zacharious, alam mo namang si tatay nalang ang natitirang pamilya ko, kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya kahit na ikapahamak ko pa"

"Ako? Hindi mo ba ko pamilya? Kami nila nanay at tatay? Paano naman kaming natitirang nagmamahal sayo?" Napatigil ako sa kanyang sinabi.

"Buo na ang desisyon ko Zach. Bukas na bukas rin ay ipapadala nako ng tiyuhin ko sa Rabble" Ganun ako kadaling nakapasok sa Rabble dahil sa tiyuhin ko, kapatid ng aking ina. Nagpakita siya sakin nung huling gabi ng burol ni itay. Alam kong siya lang ang makakatulong sakin dahil may kaya siya.

"Mag iingat ka dun Nathalia ha? Ipangako mo sakin na babalik ka." Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka ako niyakap ng mahigpit. "Tara na, ihahatid na kita sa inyo" tinayo niya ko at tiyaka kami naglakad patungo sa bahay. "Paano? Maiwan na kita dito ha? Kung may kelangan ka kumatok ka lang sa bahay" sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Salamat Zach, sa lahat ng tulong niyo. Tatanawin ko na utang na loob lahat lahat ng iyon" Ngiti lang ang kanyang sukli sa aking sinabi at tsaka nagpatuloy sa paglakad.

Sinara ko na ang pintuan at tumungo na sa aking kwarto. Nagpalit muna ako ng pantulog bago ako mahiga.

Alam kong hindi madali ang pinasok ko, pero kakayanin ko para sa kanya.

Bukas, haharaapin ko ang balakid.

Sana kayanin ko.

-------------------------------

AN: Whaaaaaaaa!! I dunno kung maganda or pangit ang kunalabasan netong chapter one pero I do trust myself!! Huhuhuhu!! Guyyys I need your suggestion.

Hindi ko alam kung kelan ang mext update dahil umpisa na ng 2nd sem. Huhuhu.

Hope u guys liked this chapter.

Heyoulaine

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rabble Academy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon