Amazing Grace: ang sermon ni Daddy God

563 26 5
                                    

Father: naboboring ka na ba sa Akin

Child: ahmmmm

Father: yeah, alam ko naman yun anak, minsan talaga nakakaboring na akong kasama, alam ko naman ng dahil sa akin nawala yung mga kaibigan mo kasi ayaw nila sa ginagawa mo, alam ko naman na iniisip mo na dahil sa akin ang dami mong pinag dadaanan, now gusto ko sagutin mo ako, mahal mo pa ba ako, gaya ng dati, na sabi mo ako lang ang buhay mo

Child: Lord, mahal pa rin naman Kita eh

Father: pero hindi na katulad ng dati, yung sa kin ka lang humihingi ng tulong, yung pinagmamalaki mo ako sa mga kaibigan mo, yung lagi kang nagbabasa ng Bible, yung lagi kang kumakanta ng mga praise songs, yung shine-share mo sa iba't ibang tao ang gospel, yung sa akin ka lang nagtitiwala, ngayon ang tanong ko sa'yo ay, ano nangyari sa'yo? ayaw mo na ba sa akin?

Child: gusto ko pa po sa Inyo, hindi ko po alam ang nangyari sa akin kasi lahat po ng kaibigan ko inayawan ako, hindi na nila ako sinasama sa mga lakad nila, sorry po nasanay lang po ako sa kanila

Father: di ba sabi mo sa akin dati na, kukunin ko ang lahat sa'yo wag lang Akong mawala sa tabi mo?

Child: ahmmmm

Father: oh ano nangyari? nag-promise ka sa akin na kahit anong mangyari, patuloy mo akong pag sisilbihan?

Child: sorry po

Father: I know my child, hindi naman talaga ganun kadali para maging taga sunod ko, pero ang gusto ko lang naman eh ang isuko mo na ng buo ang sarili mo sa akin, Ako, kahit lumayo ang loob mo sa akin, mahal pa rin kita, kasi I never hate you because you are my child, at kahit anong mangyari mahal na mahal pa rin kita, naiintindihan mo ba?

Child: opo

Father: ngayon ang gusto ko lang mangyari ay ang bumalik ka sa akin, tanggap na tanggap kita, gawin mo yung mga lagi mong ginagawa para sa Akin, ipakalat mo pa ang gospel, i-glorify mo pa ang name Ko, 

Child: opo Daddy God, gagawin ko po basta po i-control mo ako, God mahal na mahal po talaga kita ayaw ko na po kayong talikuran ulit, sorry po talaga

Father: napatawad na kita, ipangako mo lang na hindi mo na ako iiwan, kasi ako kahit tinalikuran mo, hindi kita iniwan, wag kang makinig sa boses ni satanas anak

Child: opo, kayo lang po ang papakinggan ko, pangako po hindi ko na ulit kayo iiwan

Father: o sige na, ipakalat mo na ang gospel at gagabayan kita

Child: okay po Daddy God

**********************************************************************************************************

Amazing Grace: ang sermon ni Daddy GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon