Chapter 2

142 3 0
                                    

Elisabeth's POV



Nag uusap si Victoria at Aaron kaya naman hindi na ako nag dalawang isip na kausapin si Cloud.



"Ah Clo---" Sabi ko.



"Eli----" Sabi niya.



Ano bayan. Nagkasabay pa tuloy kaming mag salita. -.-



"Sige ikaw na mauna" Sabay na naman naming salita.



"Ladies first" Sabi niya habang nakangiti.



"Hindi ikaw na. Lalaki na muna para maiba naman" Sagot ko naman sabay tawa.



"Sige na nga" At piningot ilong ko. "May boyfriend kana?" Tanong niya.



"Bakit manliligaw ka?" Pabalik na tanong ko sa kanya.



"Oo sana kung wala" Sabay lagok ng beer niya.



"Pano na yan eh wala nga. So manliligaw ka nga?" Tanong ko ulit.



"Pwede ba?" Ano ba naman to. Pwedeng pwede basta ikaw. Sabi ng isipan ko.



"Ah Oo?" Omg bakit patanong? Lupa lamunin mo ako.



"Di ka sure? Bakit patanong?" He asked again.



Ininom ko muna yung beer bago sumagot.



"Sure ako. Pwedeng pwede basta ikaw hehehe" Medyo lasing na ata ako pero nasa katinuan pa naman ako. Kanina pa kasi kami umiinom.



"Salamat binigyan mo ako ng chance" Nakangiti niyang sabi.



Hindi ko namalayan nasa bewang ko na pala ang isang kamay niya. Medyo nahihilo na kasi ako kaya hinawakan niya ako baka kasi bigla akong matuwad.



"Vic, medyo lasing na kasi si Elisa di pa ba kayo uuwi?" Rinig kong tanong niya sa bestfriend ko.



"Maya-maya pa kami uuwi ni Aaron. Ihatid mo nalang siya. Ay hala gamitin mo nalang kotse ni Elisa, balikan mo nalang ulit kotse mo" Sagot naman ni Vic sabay inom ko ulit ng beer.



"Saan kaba nakatira?" I heard Victoria asked again.



"Sa Bethany Condominium. Kakalipat ko lang kahapon graduation gift sakin ni Mommy." Sagot naman ni Cloud.



"Perfect! Dun din nakatira si Elisa. Wag mo nalang balikan kotse mo. Kay Aaron mo nalang muna ipadrive kunin mo nalang sa kanya bukas."



"Beshy! Ang shalino mo naman" Hilong hilong sagot ko. Lasing na nga talaga ako.



"Mana sayo beshy!" She said. Sabay lagok ko ulit ng beer.



"Ah sige. Elisa, tama na yan" inagaw niya yung baso pero naubos ko na nung nakuha niya ha hehehe



I pouted. Parang tinitingan niya lips ko pero agad siyang umiiwas.



"Tara na hatid na kita. Victoria, Aaron mauna na kami" Sabi niya.



Inalalayan niya ako sa paglalakad palabas at pinagbuksan ng pinto at isinakay sa shotgun seat. Dali dali siyang sumakay sa driver's seat at siya na mismo nag seat belt sakin. Ay taray gentleman. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.



Love At First Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon