Naglalakad akong lutang sa corridor ng school. Parang timang. Who wouldn't?! Nakakaloka!
"Ahm, excuse me miss. Ikaw po si Sim Aquino, diba po?"
"Ah, yeah. Why?" tanong sa babaeng estudyante na lumapit sakin.
"May nagpapabigay po." sabay takbo nya. Napamaang ako. "Wait.." wala na sya."...Bawal tumakbo sa corridor..." wika ko sa sarili ng di na sya makita.
Idiotic Simon! Tinanong mo sana kanino galing. Aish!
Napadako ang tingin ko sa letter na hawak ko. Red paper saying 'SAY YES!'. Wtf is this?! Napailing nalang ako at inipit ito sa librong dala dala ko sa aking braso.
CLASSROOM
"Bes, someone gave this to me. Ibigay ko daw sayo." then she gave me a red rose.
"Kanino galing?"
"From a mere student out there. Di ko kilala. May nagpapabigay daw sayo. Ikaw ahh. Sino yan?" tukso nya.
"Aba malay ko." sabay irap ko sa kanya.
"Mean." then she stick out her tongue.
Tongue-galin ko yan e.
Ok. Ok. Korniks.Ang creepy na talaga ng stalker ko ah.
*Rinnnng!*
Lunch time~~
Naglalakad kami ni Cine papuntang Caf.
"Nga pala Sim. Sabay daw tayo kila Migs ngayon ah." with puppy eyes.
"And why is that?"
"Bes naman e, minsan lang ang chance na makakasabay ko si boyfie. Alam mo namang laging busy yon sa a-"
"Alright.Alright. so noisy."
"Thank you, bessy. The best ka talaga!" Sabay akap sa braso ko.
*Cafeteria*
Nandito kami sa Table mila Migs at Clyde.
"Alam mo babe, may nagpapadala ng letter kay Sim." sabay subo na sabi ni Cine.
"Really?" amuse na sabi ni Migs sabay tingin kay Clyde.
"Yeah. Ang daming admirer nitong bruhang to e. Flowers sa bint-" sinubuan ko ng Hotdog ang daldal .
"Nyor nyow min chaloga." she commented.
"Don't speak, Cine."
"So anong sabi ng letter?" tanong ni Clyde ng hindi tumitingin sakin.
"I don't know. I haven't open it." I lied.
"Ok." sagot nya.
-
"Mauna na ako guys. May ipapasa pa kong manuscript kay Ma'am Teodora." Paalam ko sa kanila.
"At oo nga pala bes. Sige na, deadline pa naman ngayon."
"Bye." sabay tayo ko.
"Wait." sabay lahad nya ng isang papel sakin.
Kunot noo ko syang tinignan.
"It's my number. Save it. Call me if you have a problem."
"Uhmmmm. O-kay?" Aah. What for? Are we close?
I heard a giggle. Cine!
"Sige na bes, gora na ikaw at baka mapagalitan ka pa ni madam." tumatawa pa nyang sabi. With taboy effect pa ng kamay na akala mo nagbubugaw ng aso. Lagot sakin to mamaya.
"K bye." sabay talikod ko.
Pag labas ko ng hallway..
"Ms. Simonette?"
"Ah. Yes?" tanong ko sa babe sa harap ko.
"May nagpapabigay po." sabay about ng kulay red na envelope.
"Sino nagbigay?" di ko po kilala e.
"Ok, thanks."
Habang naglalakad binuksan ko ang envelope na galing sa pesteng-bwisit-maligno-abnormal Kong stalker. Tss.
Meet me at the back of AD building after class
"Ano to hilo?" asar kong bulong sabay ipit ng letter sa books ko. Asa naman sya. Utusan nya ba ko? Tss.
5:30 pm...
"Ate, magsasara na ang library. Uwi na daw po kayo sabi ng librarian." sabi ng student assistant.
"Ok." sabay tayo at kuha ng mga kalat ko references books, notes, laptop at bag.
Bumaba ako ng second floor. Nakaupo sa gilid ng hallway sa tabi ng saksakan. Malolobat na kasi ang laptop ko.
Bwisit talaga yang si Ma'am Teodora. Tapos na last subject namin pero ako nandito pa sa school narerevise! Ayaw nyang tanggapin yung manuscript ko kanina, kesyo may kamukha daw sa kabilang section, nabasa na nya sa ibang libro (kaya nga nilagyan ko ng source eh!),etc.6:12 pm...
Sheet. Hanggang 6 lang daw si madam dito bala umalis na yon! Mabilis akong umakyat ng second floor, sa office nila ma'am.
Napabuga nalang ako ng hangin paglabas KO ng office. Aba'y mabait din pala talaga si ma'am Teodora, Hindi lang halata. Hinintay talaga nya ko sa office kahit late ako ng konti. Nasermonan nga lang din ng bahagya.
Uwian na shems. Dadaan ako ng convenient store. Eto ang panahon ng pagdiriwang! Haha. Tapos ang manuscript! Walang maingay! Habang naglalakad ako may nalaglag galing sa mga libro ko. The letter. Hindi naman siguro masama kung sisilip ako. Malay mo naman wala na sya dun. Kanina pa kaya tapos mga klase ng mga pang umaga. Kanina pang 5 tapos ng klase ko.
Back of AD Building...
Nanlaki ang mata ko. May lalaki dun, nakatalikod sa gawi ko. At ang ma's kinagulat ko pa ang mga salitang nakatatak sa likuran nya...
-
Hi guys! Sorry sa update na late. Tatry kong magupdate ng mabilis. BTW. Love lots! Ingat!
Vote?
-Hera Belle
BINABASA MO ANG
Knocks and Roses ❤
Romance"Mag one year na yang creepy admirer mo , di ba?" "Yeah."sabay hugot ng notebook ko sa bag . "Baka wala ng balak magpakita sayo yan , bes. Naku, sabi ko sayo mumu yan e. Just think of it." ??? How can you define an admirer? Ito ba yung nagla...