one

9 1 0
                                    

Nagmamadaling bumaba sa hagdan
Para makapunta agad sa canteen
Para lamang ika'y masilayan
Kahit ako'y hindi mo napapansin.
Walang oras na di ka iniisip
Kahit sa pagtulog ikaw ang panaginip
Naghahangad na sana ako'y mahalin
Kahit bilang isang matalik na kaibigan.
Lumipas ang mga araw na di ko namalayan
Na ako palay nahuhulog sayo
Na mahal ang aking kaibigan
Masakit man pero dapat tanggapin.
Kaya ngayon isusulat ko nalang ang aking nararamdaman
Para naman mabawasan ang aking kalungkutan
Na alam ko di ko dapat nararamdaman
Sapagkat ikaw at ako ay di naman mag kakatuluyan.

RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon