[ 14 ] Ang Katotohanan Sa Kasinungalingan

19 2 1
                                    

-------♕-------

"Wala kang karapatan para insultuhin ako ng ganito." Pasigaw niyang winika. "Prinsesa ka lang at ako ay isang hari. Magkaiba tayo ng tinutuntungan na posisyon." Sinabi niya na puno ng suklam sa kanyang tinig.
"Ikaw ang unang ng insulto sa kin, mahal na hari. At para lang rin sa kaalaman mo, hinde lang ako basta isang prinsesa lang na tinatapak tapakan mo. Isa akong taktiko at estratehiyo ni ama sa gera. Kaya may karapatan ako na magsimula ng gera kung gugustuhin ko."

Nanlaki ang kanyang mata sa aking sinabi. Di na ko nagtaka, wala pang nakatala sa mga alamat at historiya na may babaeng naging taktiko o estratehiyo.

"Nagsisinungaling ka. Imposibleng maging isa kang taktiko at estra-" huminto siya sa kanyang pagsasalita at parang may naalala siyang isang bagay. At alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
"Parang nagulat ka sa mga sarili mong salita, mahal na hari. O baka naman may naalala kang tao sa nakaraan mo na may alam tungkol estratehiyo."

Lumingon siya sa kin nang sinabi ko ang mga makahulugang salitang iyon, na para bang tumama ito sa kanya.

Si Leanne palang ako ay interesado na ko sa mga bagay na may kinalaman sa gera. Si haring Clause na aking ama noong nakaraan kong buhay ay pinipigilan ako sa mga interes ko tungkol dito dahil isa daw akong prinsesa. Ang prinsesa daw ay dapat na matuto ng mga gawaing pang-babae katulad ng pag-buburda, pag-gagantsilyo at iba pa. Kaya di niya ko sinuportahan sa bagay na gusto kong gawin.

Dahil doon laging si Everard ang nakakausap ko tungkol dito. Sa kanya ko sinasabi lahat ng mga estratehiya na aking plinano at pinag-isipan.

At sigurado ako na ginamit niya ang aking plano. Kaya lagi siyang nanalo sa mga kalaban. Maliban na lang sa isang kaharian na kahit kailan ay di niya magawang mapasok at masira.

"Si Leanne di ba? Nabasa ko ang kanyang talaarawan at alam ko kung gaano siya kagaling sa mga bagay na may kinalaman sa pag-papaplano. Naalala mo na naman ba siya sa akin?" Nakita kong naging matamlay ang kanyang mata. Yung kalungkutan niya ay kinakain na siya at di na niya kayang labanan yun.

Pero ayaw kong magpatalo sa kanya, ayaw kong mag-pakatanga ulit dahil sa kanya.

"Tama nga ako sa iniisip ko." Singhal ko ng mahina dahil sa naisip ko. "Baka pwedeng tumigil ka na sa pagkukumpara sa aming dalawa. At tumigil ka na din sa kabaliwan mo kasi wala na siya sa mundong to."

Nakita ko ang galit sa mata niya at hinde ko nagawang makakilos agad. Hinatak ako ni Travis ng mabilis para di ako masaktan ni Everard. Kung hinde niya ko hinatak ay baka nasampal na ko sa mukha.

Mahigpit ang pagkakayakap sa kin ni Travis na parang hinde niya gusto na masaktan ako. Bibitaw sana ako sa pagkakayakap sa kanya pero ayaw niya kong pakawalan. Ginantihan ko siya ng yakap at doon lumuwang ang pagkakahawak niya sa kin. Kumawala ako sa kanya at tinignan ko siya sa mata, kita ko pa rin ang galit sa kanyang asul na mata.

Nagpasalamat ako sa kanyang ginawa at binigyan niya ako ng tipid na tango. Lumingon ako kay ama at kita kong galit na galit na siya. At ngayon ay sumabog na yung pasensiya na.

"Anong karapatan mong sampalin ang aking anak sa teritoryo ko! Hinde kita mapapatawad sa ginawa mo!" Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Travis at lumapit kay ama para pakalmahin siya.
"Ayos lang ako ama. Kaya wag ka ng magalala." Binigyan ko lang ng tipid na ngiti si ama, na nagkakahulugan na ' ayos na ko '. Lumingon ako ulit kay Travis at hinawakan ang kanyang kamay na binitawan ko kanina para makalapit kay ama. "Maraming salamat uli, Travis." Mas kalmado na siya ngayon kaysa kanina at binigyan niya ko ng isang tango.

Hinde sa kalayuan nakita ko si Martin na patakbo sa lugar namin. Huminto siya at tumingin sa aming tatlo. May pagtataka sa kanyang mukha pero binigyan pa rin niya kami ng isang paggalang na pagyuko. At ganun din ang ginawa niya kay Everard.

Bakas sa mukha ni Martin ang pagtataka kung bakit ganoon ang reaksyon ni Everard. Galit na galit at mukhang kaya niyang makapatay kung gugustuhin niya.

"Haring Everard, ayos ka lang ba?" Tanong niya sa kanya.
"Hinde, hinde ako ayos. Yang prinsesa na yan." Panunuro niya sa kin. "Kanina pa inuubos ang pasensiya ko." Habang nagaapoy ang kanyang mata sa galit. "Lagi niyang binabanggit at dinadamay ang pangalan ni Leanne sa bawat paguusap namin." Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Martin.
"Anong sabi niya tungkol kay prinsesa Leanne." Tanong niya na walang kainteres interes.

Bakit ganito ang reaksyon niya sa harapan ng kanyang tinuturing na panginoon. Parang wala siyang pakialam sa hinaing nito.

"Lagi niyang binabanggit ang mga nakasulat sa talaarawan ni Leanne. Yung talaarawan na yun na gusto kong sunugin at ibaon sa limot."

Tumango si Martin sa mga kanyang sinabi pero may iba akong pakiramdam sa kanyang reaksyon. Ang reaksyon na binibigay niya kasi ngayon ay hinde katulad ng isang pagaalala. Alam ko yun dahil nakita ko na ang reaksyong ito, lalo na pag may nangaaway sa akin nung bata pa lang kami.

Ang nakikita kong reaksyon sa kanya ngayon ay galit.

Hinde ko alam kung bakit ganyang reaksyon ang linalabas niya. Hinde siya yung galit kung saan nakikita ito sa mukha pero ito yung galit na kalmado at kinikimkim lang.

"Bakit ka nagagalit kay, binibining Zelene? Sa aking nakikita ay sinasabi lang niya ang katotohanan." Nagulat ako sa paraan ng kanyang pagsasalita. Puno ito ng diin kung saan may pinapamukha at pinaiintindi siya kay Everard.

At di ko yun mawari.

"Martin!" Babala niyang tawag sa pangalan nito.
"Apektado ka lang sa sinasabi ng binibining ito. Dahil alam mo sa sarili mo na lahat ng nakasulat sa talaarawan ni Leanne ay mga masasakit na katotohanan. Katotohanan na kung sa-"

Nabigla ako sa ginawa ni Everard. Sinuntok niya ang huli at dumugo ang gilid ng labi nito. Napasinghap ako ng malakas sa ginawa niya.

Naawa ako sa kinahinatnan ni Travis, kahit may galit ako sa kanya ay naging kaibigan ko pa rin siya noon. Tumakbo ako kay Martin para tignan ang lagay niya. Nakita ko din ang pagbuo ng galit sa kanyang mata habang nakatingin kay Everard.

"Pinagtaksilan ko ang prinsesa dahil sa pangako ko sa kanyang magulang na ililigtas siya sa abot ng aking makakaya. Hinde ko inisip kung masasaktan siya sa ginawa ko basta ang iniisip ko noon ay mabuhay siya pero hinde yun nangyari! Kasalanan mo ang lahat, kasalanan mo kung bakit siya namatay. Hinde mo nga siya pinatay sa pisikal na aspeto pero pinatay mo ang kanyang pang emosyonal na pakiramdam. Kaya lang naman ako nanatili sa kahariang iyon dahil nandoon ang puntod ni prinsesa Leanne. Wala ng ibang dahilan."

Akala ko ay pinagtaksilan ako ng matalik kong kaibigan pero hinde pala. Ginawa lang pala niya ang lahat ng iyon para sa kaligtasan ko. Para mabuhay ako.

Ano ang mga pinangako niya sa dati kong mga magulang? Ano ang mga pinag-usapan nila? Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong malaman ang lahat ng katotohanan sa kasinungalingan niya.

Zelene [ ONHOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon