Sorry pero Hindi ako yung tinutukoy mo. Alam kung naguguluhan ka pero Hindi ako yung Aly na nakasama mo sa loob ng dalawang buwan ako c Aly ang totoong Aly Hernandez ang kakambal ni Ara Hernandez. Pasensya na kung Hindi sinabi sayo ni Ara ang totoo pero mahal ka niya.Patuloy lang akong nanahimik at pinapakinggan ang mga sasabihin niya. Hindi parin mag sink in sa utak ko ang sinabi niyang Hindi siya c Aly na palagi kung kasama nung dalawang buwan pero ang totoo siya talaga yung Aly naguguluhan ako.
Alam mo bang nag request sa akin c Ara na magpalit muna kami dahil gusto niyang makita ang taong nagpapasaya sa kanya at ang taong mahal na mahal niya . Nag away pa kami dahil Hindi ko siya pinayagan pero sa huli siya parin ang nanalo sumuko ako at pinayagan siyang lumabas at magpalit kami. Ako c Aly naging Ara at siya na c Ara naging Aly haha nakakatawa ang mga araw na yun dahil Hindi man lang nalaman ng mga nurse na ang kasama nila sa loob ng hospital ay Hindi ang totoong may sakit kundi ako.
Nung mga araw na yun subrang saya niya nakita niya kasi yung lalaking mahal niya. Dati Hindi siya umiinom ng gamot niya pero habang umuuwe siya galing sa school umiinom na siya at masayang nag kwekwento tungkol sayo Franz. Masaya siya kasi napansin mo daw siya araw araw siyang lumalabas sa hospital sabi niya may date siya. Niyaya mo daw kasi siya mag date kaya pinayagan ko nagulat nga ako dahil pag dating niya dito namamaga na yung mata niya sinabi ko nga na pinaiyak kaba nung lalaking yun pero ang tanging sabi lang niya " Aly kaya ako umiiyak dahil sa saya at kahit saktan man ako ni Franz Hindi parin magbabago ang pagtingin ko sa kanya " nakakatawa isipin na kaya namamaga ang mata niya dahil sa saya na ibinigay mo. Dalawang buwan siyang nasa labas kasama mo isang gabi nga Hindi siya natulog dito nag alala ako sa mga araw nayun pero ang sabi niya nakatulog daw siya sa kaibigan niya dahil sa pagod sa paggawa ng project nila. Haha nakakatuwa ang kakambal ko kahit na may sakit siya nagagawa niya paring ayusin ang pag aaral niya para lang sa taong matagal niya ng gusto.
