Azure PoV
Napagusapan na naming magtransfer upang hindi kami mahalata at para mabantayan narin namin Ang ibang imperishable tribes na nag-aaral, wala pa kasi kaming clue kung nasaan Ang ibang imperishable tribes na nasa matataas na rango.
"Sa Thesaurus University na tayo magenrol dahil nasabi ni chairman na Marami daw imperishable tribes ang nagaaral don, baka makakuha tayo ng lead na magtuturo kung nasaan Ang ibang matataas na rango" biglang nagsalita si Saxe sa kalagitnaan ng katahimikan namin
Si Saxe Madrid Ang pinakaclose ko saming apat dahil siguro sya ang ko sa dorm namin.
"Bukas na bukas mageenrol na tayo. 18 palang tayo kaya sa Grade 12 palang tayo" sagot naman sa kanya ni Minzy
Si Minzy Benz ang nagiisang babae samin, mabait at pala kaibigan pero minsan ko lang sya makausap dahil hindi naman ako madaldal -_-
"Bakit hindi pa tayo ngayon magenrol? Para makapag Simula agad tayo?" Suggest naman ni Zaire
Si Zaire Martins naman ay parang kagaya ko, hindi sya pala salita pero mabait naman yan
"Osige ngayon na tayo magenrol para Hindi na hassle bukas, tara na" sagot ko sa kanila sabay tayo para mag enrol.
Sumunod naman sila sakin.Bigla pumasok sa isip ko ang huling sinabi ni chairman Bago ako lumabas ng opisina nya, pati Kaya sila Saxe Sinabihan nya ng ganon or ako lang? Pero ano naman ang ibig nyang Sabihin? Eh mission lang naman ang laging nasa isip ko. Hayy yung matandang yon talaga Kung ano anong sinasabi!
Korine PoV
"Uy korine! May bagong transfer daw sa Stem Department sa Grade 12 apat daw sila at balita ko gwapo yung tatlo kasi yung isa babae eh, Ang swerte naman nung babae diba Ablate?" Pagtichismis ni Ablaze pagpasok sa classroom namin, wala kasi kaming klase ngayon nasa meeting yung teacher Namin sa GenMath, kaya free cut kami ngayon.
Nakipagdaldalan naman na si Ablaze sa kambal nya Kaya lumabas ako ng room para sana magpunta sa cafeteria para bumili ng pagkain at tumambay don, kami lang kasi Ang free cut ngayon kaya walang masyadong Tao don.
Pagpasok ko sa loob Bigla akong nabunggo Kaya nakatingin ako sa nabunggo ko, lalaki na may kasama pang dalawang lalaki at isang babae
"Sorry po" hinging paumanhin ko sa nabunggo ko
"Tsk tanga Kasi" rinig kong sabi ng lalaking nabunggo ko.
Abat bwiset to ah!
"Hoy manong! Hindi ako tanga ah! Nabunggo mo ako Kaya it means tanga ka rin! Kapal Nito! Kapag ganitong gutom ako wag Kang ano dyan ah!"
Halatang gulat sila sa pagsigaw ko, aba pati nga ako gulat din eh, hindi ko akalaing makakasigaw ako ng ganon, hindi naman kasi ako palaaway eh.
Ng mapatingin ako sa kanya parang nag iiba ang kulay ng mata nya, nagiging manula-mula o baka naman nagugutom lang ako? Ay ewan!
Sasagot pa sana si epal pero hinawakan na sya sa balikat ni kuyang kasama nya kaya hindi nalang sya nagsalita at tinignan nalang ako ng masama."Pasensya kana miss dito sa kaibigan namin ah, medyo mainit ang ulo nito eh. Sige miss sensya na" nakangiti namang sabi nung tumapik sa balikat si epal
"Sige" sagot ko saka tumalikod, napagtanto kong lahat ng tao sa cafeteria nakatingin ng masama samin or.... Sakin? Hmp whatever
Bumili na ako ng pagkain sa counter at naupo sa bakanteng mesa, nawala na Din Ang masamang tingin ng ibang Tao Dito sa cafeteria
Azure PoV
Bwiset! Bwiset! Bwiset!! Bwiset na panget na babae na yon! Lakas ng loob na sigawan ako, Kung wala lang tao don malamang abo na sya ngayon! Bwiset! Hanggang ngayon bad trip pa rin ako sa babaeng yon! Mabuti nalang wala kaming klase ngayon.
"Az, easy bro tinawag mo Kasing tanga Kaya ka na sigawan eh Hahahaha" asar ni Saxe sakin
"Oo nga naman kasi azure hahaha, I like her she's brave enough para sigawan ka sa harap namin at ng ibang Tao hahaha. I hope to see her next time" -Minzy
Napangisi nalang si Zaire sakin at mukang gusto rin tumawa.
Tsk mga bwiset -___-
Tumayo nalang ako para magpahangin. Lalo namang lumakas ang tawanan ni Minzy at Saxe. Tsk
--------
Oemji! Hahaha naloloka ko ang hirap magisip gawd T_T
anyway enjoy reading ^_^
-BinibiningKie
YOU ARE READING
Choose Between The Two: Power or Love
FantasyKahit naman sino maghihirap sa pagpili diba? Kahit nga sa simpleng bagay hirap tayong magdecide kung ano talaga. Halimbawa nalang sa dalawang mabigat na bagay, Pagmamahal? O Ang Kapangyarihan? Hirap tayong pumili diba? Pero alam kong Love Ang mas ma...