Halos kabagin na si Jenelle dahil sa sobrang kakabahan. Ito lang naman kasi ang unang araw niyang makatungtong sa opisina ng pinapangarap niyang lalaki na dati'y tinitignan niya lang sa magasine.
Shet totoo na ba talaga to? Totoo bang andito na ako sa harap ng sarili niyang kompanya? May pag-asa na ba akong makita siya sa personal?. Mygosh!. Kapagkuwan ay sinampal pa nito ang sarili dahil hindi ito makapaniwala at nilabas pa ang isa sa mga magasine kung saan makikita ang kanyang pinapangarap na lalaki.
"Wait mo lang ako baby boy dito na me, diyan lang u!." Nagtatatalon talon nitong sabi habang yakap yakap pa ang magasine. Di naman maiwasan ng mga taong dumadaan ang maweirduhan sakanya ngunit wala siyang pakialam at dirediretsong pumasok sa loob ng kompanya.
-
Kung anong kina excite ni Jenelle sa labas ay siya naman sobrang kaba niya pagpasok sa naturang building. Dala ng pagiging bago at kaba, nagkandaligaw-ligaw pa siya bago makarating sa mismong interview site kaya naman pagdating niya dito ay sobra na ang haba ng pila.
Makaraan ang halos isa't kalahating oras ng pagkakatayo, Dalawa na lang sila Jenelle at ang kasama nito na si Clary, na nakausap niya habang nakapila ang natira.
"Next!." Rinig nilang pagtawag ng kanina pang aburido na assistant.
"Paano ba yan? Mauna nako. Chat nalang tayo sa FB. Goodluck sa iyo bebe at syempre goodluck din saakin. Woooh dasal lang kay Lord." Pamamaalam nito sa dalaga. Agad naman silang nagkatawanan at pumasok na nga sa loob ang naturang bagong kaibigan.
Napakapit naman ng mahigpit si Jenelle sa kanyang bag dahil pagkatapos ni Clary ay siya na ang susunod, kaya naman di niya din mapigilang mapadasal ng maluwalhati katulad ng suwestiyon kanina ng bagong kaibigan.
"Next!. Hay salamat natapos na din." Ng walang tumutugon ay napatingin ang nasabing assistant kay Jenelle na kasalukuyan namang nagdadasal ng maitimtim. Hindi ata nito namamalayan na nauusal na nito ang kanyang dinadasal kaya naman halos matawa na ang assistant sa naturang dalaga.
"Dyusko lord kayo na pong bahala saakin dyusko sana po maipasa to lord huhuhuhu gusto ko po talaga siya makita sa personal Lord. Kung di naman po papalarin ay pwe--." Halos mapasigaw si Jenelle ng kalabitin siya ng assistant.
"Oy miss bingi ka ba? Next na diba? Kanina pa kita tinatawag diyan." Mataray nitong pagkakasabi.
"A-ako na? Agad-agad? Pwede time-pers?." Seryosong seryosong sabi ng dalaga na halos himatayin na sa kinalalagyan niya. Di naman napagilan ng Assistant ang tuluyan ng matawa.
"Dyusko ka teh nakakaloka ka!. Hahahaha infairness sayo napa joker mo! Saan ka nakikita ng job interview na time-pers? Hahaha ano laro lang?. Pumasok ka na nga sa loob naloloka ako sayo!." Tawa ng tawa nitong sambit.
Tumungo naman ang dalaga at tuluyan na ngang pumasok sa loob.
-
Pagkapasok na pagkapasok ni Jenelle ay panay ang bati niya ng good afternoon sa lahat ng madaan niya. Palibhasa'y mabait ang naturang dalaga ay likas na sakanya ang pagbati sa mga taong nakapaligid sakanya.Kinakabahan siyang umupo sa upuan kung saan siya ay tatanungin ng ilan sa mga matataas na rango ng kompanya.
"So goodafternoon Ms.Salvation." Nakangiti sa kanyang bati nung isang matandang babae na sa palagay niya ay nasa mid-forties nito.
"A-AH hala, goodafternoon din po." Kinakabahan naman niyang pagbati pabalik sabay bow pa. Narinig naman niyang natawa ng mahina ang matanda.
"So Ms.Salvation. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa...." Napatingin naman ang dalaga sa gawi ng lalaking nagsalita na ng mga panahong iyon ay nakatungo at tila may binabasa sa kanyang form na ipinasa.
Ang boses na yun. Nagiimagine nanaman ba ako?.Pero hindi ako pwedeng magkamali!. Turan ng dalaga sa kanyang sarili.
Para namang nag slow-mo ang paligid ni Jenelle ng iangat ng binata ang kanyang ulo. Halos malaglag pa siya sa kanyang kinauupuan dahil sa sobrang pagkagulat.
For the first time sa buong buhay niya, Nakita na din niya sa wakas ang lalaking pinapangarap niya. Kinatuwa naman niya ang kaisipang halos abot kamay niya na ito.
"Kita ko naman na maganda ang record mo at kakatapos mo lang ng taong ito. Isa kang Cumlaude. Bakit dito mo naisipang magtrabaho?." Seryosong tanong ng binata at mataman siyang tinignan habang nilalaro nito sa kamay ang ballpen na hawak hawak niya.
"Kasi andito ka." Palibhasa'y nadala ng sobrang kagalakan, wala sa sarili ito ang nasagot ng dalaga.
Nabalik naman ito sa ulirat ng marinig na napa-fake cough yung isang lalaki na asa tabi ng binata. Halata pang nagpipigil ito ng tawa.
"Kasi andito ako?." Halos ipag diinan ng binata ang salitang "Ako" na para bang ito na ang pinakanakakatawang sagot na narinig nito mula sa kung sino.
Oo kasi nandito ka. Kasi ikaw ang nagmamay-ari nitong kompanyang to. Kasi ikaw yung matagal ko ng pinapangarap na lalaki na naging inspirasyon ko. Kasi, Kasi ikaw ang halos naging malaking parte ng buhay ko.
"Nagpapatawa ka ba?." Mula sa pagkakangiti ay dumilim ang mukha ng binata. Unti-unti namang nabasag ang puso ni Jenelle.
"Totoo po na yung ang dahilan." Sinubukan ng dalaga na huwag magpatinag sa mapaniil na titig sakanya ng binata.
"Na-naririnig ko din kasi na isa ang kompanya niyo sa isa-, sa isa sa pinakakilalang kompanya sa buong mundo. At isa pa ay....." Napatigil ang dalaga saglit at nagdalawang isip pa ito kung ipagpapatuloy ang kanyang sasabihin.
Nilakasan ng dalaga ang kanyang luob at buong lakas na sinalubong ang tingin ng binata. "Ito na ang pinangarap kong pasukan na kompanya. Mula noong nag aaral pa ako hanggang ngayon na tapos na ako. Ito ding kompanyang ito ang naging inspirasyon ko para mas pursigihin ang pag aaral ko. Kung tatanggapin niyo ako dito ay ipinapangako kong pagiigihin ko ang aking pagtratrabaho at paglilingkuran ko ho kayo ng buong tapat at buong puso. Yun lang po at maraming salamat." Matapos nitong masabi ang huling kataga ay agad agad itong yumuko at pilit na itinago ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
"Okay. Tatawagan ka nalang namin kung sakaling tanggap ka na." Huling turan ng binata ng hindi man lang nagpapasalamat. Mas lalo naman humigpit ang hawak ng dalaga sa kanyang palda na tila may iniindang sakit. Sakit sa puso, Marahil.
"Ay salamat hija. Ingat sa pag-uwi." Ang matandang babae nalang ang nagwika.
Nagpasalamat naman dito pabalik ang dalaga at agad agad na nagpaalam at mabilis na umalis dala dala ang pagkawalan ng pag-asa.
Zechariah Ezekiel Ticson POV.
"Hay sayang ang talino ng babaeng yun. She look stupid, sound stupid and even move like stupid." Napahilot ng sintido ang binata at inalala ang babaeng nagpa-init ng kanyang ulo.
"Easy there, Kiel." Pagpapakalma naman ng aunty nito sakanya.
"Sa katunayan nga ay napakabuti ng babaeng iyon. Iba siya sa kesa dun sa mga nauna nating initerview. No sé lo que está dentro de ella, pero yo encontrar su diferentes." (I don't know what's into her, But I find her different.) Seryoso pa nitong turan na tila may inaalala.
"Tía yo sé que perdió a su hija hace poco, pero eso no significa que debe interferir con nuestro negocio importa." (Aunty I know that you lost your daughter recently, But that doesn't mean it should interfere with our business matter.) Mataman namang saad ng binata.
Tila nagulat ang aunty niya sakanyang sinabi.
"Pakinggan mo ngang mabuti yang sinasabi mo Kiel." Bakas sa boses nito ang pagka-disgursto."Tila lumalayo ka ng masyado sa reyalidad.Ang puso ang ginagamit sa pakikinig at hindi ang utak. Pag-isip mong mabuti hijo. Maiwan muna kita." Makahulugan nitong saad bago tuluyang umalis.
Naiwan naman siyang mag-isa at buong magdamag na inalala ang sinabi ng kanyang aunty habang hawak hawak ang papel ng babaeng dahilan ng pagkagulo ng kanyang isipan.
"Mariah Janelle Salvation." Nilaro laro nito muli ang kanyang ballpen. "Let's see." Kapagkuwan ay pikit-matang kinuha niya ang stamp at tinatakan ang papel ng nasabing dalaga.
YOU ARE READING
Way to His Heart
General FictionBata palang si Jenelle ay lagi niya nang tinitignan ang isang childhood star na kilala sa achievements nito bilang isa sa pinakamagaling na pianist na nagrepresent ng kanilang bansa. At ngayon, ang binatang ito ay kilala na bilang isa sa mga hot ba...