Chapter 1 : Door

0 0 0
                                    




"Once again,I'm Megan Assuncion! I am willing to win the crown and be the Campus Queen. Thank you!" Kumaway pa ako bago mag-punta sa hilera naming mga candidates. Ako ang huling nagpa-kilala kaya after ko,nagpunta na kami ng backstage para mag-ayos.



After kasi naming mag-ayos,ay may isang intermission number ang dance troupe.Then,i-aannounce na ang magiging Campus Queen.

Pumasok ako sa dressing room ko. Nag-paalam muna ako para pumunta ng CR.

Kanina pa akong ihing-ihi dahil sa kaba. Buti na lang at nakaya kong pigilan.

After kong umihi,lumabas ako ng cubicle tapos naghugas ng kamay.









Biglang nanlaki ang mata ko sa aking nakikita sa reflection ng salamin. UMIILAW YUNG PINTO!!!



"Ahhhhh! Anong nangyayari?!" Tili ko. Shit,anong gagawin ko?

"Ate Shan! Help me!" Sigaw ko at nagbabakasaling marinig nila.

Naka-rinig ako ng mga malalakas na katok sa pinto at bigla iyong bumukas. Nawala ang liwanag na nakita ko kanina.

"Megan? Anong nangyari?!" Tarantang tanong ni Ate Shan nang maka-pasok.Iginala niya ang kaniyang paningin.

Sasabihin ko ba? Aish!Wag na,iisipin pa niyang baliw ako.

"A-Ate S-Shan! May dalawang lumilipad na ipis!" Umiiyak na sabi ko. Lumapit siya sa akin at yumakap.

"Okay ka na ba?" Alalang tanong niya sa akin habang nakayakap.

"Yes, Ate." Tanging sagot ko.

Nagtataka siguro kayo kung bakit sobrang nag-aalala si Ate Shan sa akin? Well,ganito kasi yan. I was bullied before,siguro Grade 3 na ako noon. Wala pang kamuwang-muwang sa panloloko ng kapwa.

"Hi,Megan! Sali ka sa amin,maglalaro tayo!" Masayang aya sa akin ni Kesha kasama ang mga malditang kaibigan niya,nagulat pa nga ako kasi matagal ko nang gustong makipaglaro sa kanila pero natatakot ako na baka ayawan nila ako.

"Sige, Kesha! Anong lalaruin natin?" Masiglang tanong ko.

"Tagu-taguan!" Sabi nung isa.

Masaya akong tumango. Since,bago daw ako,ako ang taya.

Tinakpan ko ang mata ko,nagbilang hanggang sampu tapos hinanap sila.

Sobrang tahimik noon,wala na kasi ang ibang estudyante kasi maggagabi na. Nag-aantay lang naman ako ng service eh nang lumapit sila sa akin.

Hanap ako ng hanap sa kanila,kahit medyo madilim na. Ayoko namang iwan sila kahit nandito na ang service ko, sila na nga 'tong nag-aya sa akin tapos iiwan ko? Ang sama naman nun.

Gabi na talaga at wala na akong makita,patay na din kasi ang mga ilaw dito sa school. Nilapitan na din ako ng driver ko.

"Ma'am,hindi pa po ba tayo uuwi? Baka po naka-uwi na yung mga hinahanap niyo." Sabi nung driver namin.

I realized one thing. Kesha is scared of the dark.

"Sige po, uwi na tayo." Pagod kong sabi.

Sumakay na ako ng kotse tapos nag-drive na yung driver namin papunta ng bahay.



Gagawa na lang ako ng assignments.

Pag-bukas ko nang bag ko...

"AHHH! MOMMY HELP!" Tili ko.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko tapos tumakbo si Mommy papalapit sa akin.

"Why baby?!" Tarantang tanong niya.

"MOMMY! There's a cockroaches
in my bag!" Umiiyak na sabi ko.

Nahirapan akong huminga and then everything went black.

~~~

Simula ng araw na iyon,umiiwas na ako sa kanila. Alam kong sila ang may gawa noon dahil nalaman kong may galit sila sa akin. I am the top one of the class,madaming nagsasabi na maganda ako,matalino,mabait tapos mayaman pa.

Nakikita ko din silang mag-smirk sa akin noon kaya umiwas na lang ako,dahil galit ako sa kanila at takot na maulit ang nangyari.

And starting that day,nagka-phobia ako sa ipis and naging hate ko na ang larong tagu-taguan. I even hate Kesha and her friends.

"Meg,naalala mo na naman ba?" Tanong ni Ate Shan nang makalabas kami ng CR.

Napansin pala niyang tulala ako.

"O-Oo,Ate." Pagpapanggap ko.

"Kalimutan mo na yun,Meg. Dapat nga yung contest ang iniisip mo ngayon eh." Sabi niya,tumango lang ako.

Inayusan na nila ako,kasama kasi niya ang beki niyang kaibigan.Hanggang sa ini-announce na ang nanalo.

Si Megan Assuncion--- WAIT?! I WON?!



***



Pumasok ako ng kwarto ko.Binuksan ang ilaw,umupo sa kama,tinanggal ang korona,tumayo ulit,itinago ang korona at sash.

Mabilis akong nag-shower at nagbihis. Tapos humiga sa kama.

Nag-open ako ng Facebook account ko.

Sa isang gabi lang nagbago ang social life ko,ang daming friend requests,notifications and messages.

Una kong binuksan ang messages.

"Hi,crush! Congrats!"

"Ate Ganda! Congratulations!"

"Congrats!"

"Crush! Notice me!"

"Ang ganda mo po kanina!"

"Hello! I'm a fan!"

"Eww, campus queen? Tch."


Yung last na nabasa ko ang naka-kuha ng attention ko. Reply-an ko nga.

Megan: Hi! May problem?
Anonymous: Oo,ikaw.

Aba,lakas!

Megan: Problema mo sa akin?
Anonymous: Malaki.
Megan: Diretsahin mo na ako,pakilala ka.
Anonymous: Soon.

Tss. May pa-soon soon pang nalalaman?!

Nagpost muna ako bago mag-log out.

Megan Carley Assuncion

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nanood at sumuporta sa akin kanina. Tsaka po,sa mga nag-congratulate sa akin,maraming salamat po! :*

Like | Comment | Share

Nag-log out na ako.



Nang isara ko ang laptop ko,nanlaki ang mata ko sa aking nakikita.



UMIILAW ULIT YUNG PINTO!



"Stay calm! Stay calm!" Sabi ko sa sarili.

Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko.

"Ano bang meron sa mga pinto ngayong araw?" Tanong ko sa sarili.

Hinawakan ko ang door knob at dahang-dahan kong inikot iyon at nagulat ako nang buksan ko iyon.



WATDAHEL?!!!!!



ANO 'TO?!



Napasara ako ng pinto tapos tumakbo ako papunta sa kama ko at nag-talukbong ako ng comforter.



Ano 'yon?!!!



















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Different WorldsWhere stories live. Discover now