CHAPTER 11

35.4K 884 141
                                    

Ito ay replay of the scenes using DJ's POV para maliwanagan na yung iba. 

This chapter is lame? Yeah I know. You've been warned. Hahaha :)) Enjoy <3

BRING THE COLLABORATIONS ON! Ehem @whenitcomestolove <3

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I do remember everything now. Hindi ako umarte na amnesia ko. Hindi ko akalain na matinding pagseselos lang pala ang magiging paraan para makaalala ako.

=D’s POV=

.FLASHBACK. (beach scene)

Habang naglalakad ako, may natatanaw akong couple, ang sweet nila, nagtatawanan pa. Inggit ako. </3

Pero nung papalapit na sakin yung couple, medyo kumulo ang dugo ko sa nakikita ko. Hindi ako nagkakamali.

“Don’t worry sasama ako sayo sa Manila, ako na mismo bubugbugin ko yun. Hindi ko hahayaang umiiyak ang girlfriend ko noh.” Umakbay pa yung lalaki at napinch pa pisngi ng Kath ko. Wait what!? Girlfriend!? Baka naman hindi si Kath ang tinutukoy.

“Naks naman. Ang sweet naman ng boyfriend ko.” Kath habang todo makangiti. Boyfriend!? Girlfriend!?

“Kath..” Pare-parehas kaming napatigil sa paglalakad at nagkakatitigan lang.

“Let’s go…” Hila ni Kath dun sa lalaki at nilagpasan lang ako. Familiar yung lalaki, di ko lang maalala.

“Kath… Usap tayo..” Nahawakan ko pa ang kamay niya at muli siyang napatigil sa paglalakad. Humarap siya sakin with her sad face.

“Ayaw mo na kong maalala diba? Edi simula ngayon, hindi na tayo magkakilala.” Tinalikuran niya ako naglakad ulit sila.

“Kath, wait up!” Humabol ako sa kanila at tumigil sa harap nila. Pero humarang sa harap ni Kath yung lalaking kasama niya at umaktong pigilan ako yung kamay niya humarang sakin.

“Dude, back off. Ayaw ka ng makausap diba? AND…”

BOOOOGGGGSSH!

Next thing I knew, napaupo na ako sa buhanginan dahil sa suntok nung lalaki.

“That’s for making my girlfriend cry. Kath let’s go..” Hindi na ako gumanti pa dahil alam kong deserve ko yung suntok na yun. Hinila na niya si Kath paalis. Nakatingin lang ako sa kanila at nakita kong napasulyap sakin si Kath na may sakit sa mga mata niya.

Hindi ko napansin na tumulo na rin pala ang luha ko, ewan ko pero ang sakit ng nararamdaman ko. Sila na ba talaga? Huli na ba talaga ako? Hindi ko alam kung san ako pupunta. Hindi ko kasi maalala kung san yung papunta sa bahay naming dito kaya sinundan ko na lang sila Kath.

Naglalakad lang sila ni… Hindi ko maalala, pero pamilyar talaga siya. Nakaakbay lang siya kay Kath at mukhang pinapaatahan niya si Kath na mukhang kanina pa umiiyak. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko kasi sila marinig dahil nakadistansya ako sa kanila.

SHE'S WHAT!? (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon