CHAPTER 7: JOIN US

1 1 0
                                    

~2 week's passed~


*KRIESHA'S POV*

2 week's had passed,after naming makilala ang isa't isa always na kaming nagsasama samang tatlo.

Mas naging close kami,parang magkakapatid na rin ang turing namin sa isa't isa,si Gray ang Kuya,pangalawa si Erica at ako yong bunso,walang kokontra. Cute kasi ako,hehe.

Papunta ako ngayong canteen,mag ccr joke,syempre bibili ng foods at don din kami magkikita kita ng mga bff ko.

Pagpasok nandon na pala sila. Kaya umorder na ako ng pagkain ko at pumunta na sa kanila. Pina-pagitnaan namin si Gray,hehe. One of the Girls.

"May school feast daw sa next week Gray,totoo?"tanong ni Erica kay Gray.

Oo nga noh! Magkaka school feast na dito. Wahhhhh!!! Excited na ako,I'm sure masaya yon. Minsan lang kasi mangyari yon dito sa school,nong last year kasi wala.

Maraming Booth's panigurado,hindi si booths na kasama ni dora! Unggoy naman yon,event yong sinasabi ko.

"Yes,but pagiisipan pa nila kung next week nga gaganapin."sabi ni Gray.

Ay,bakit naman? Pero ok lang basta merong School feast,huwag lang paasa. Nong last year kasi paasa,sabi next week na daw,pero walang school feast na nagyari. Hanggang matapos yong school year.

"But why?"tanong ni Erica.

English strikes na naman. Haisttt di na naman nakainom ng maintenance tong babae na toh. Hindi naman daw siya galing amerika or di naman siya half. Sadyang ganyan lang talaga siya. May sayad,pero love ko yan.

(Parang ikaw wala ah-M.A.)

Ewan ko sayo M.A.

"I don't know,asked them not me"mataray na sagot ni Gray sabay subo. Tsk.

"Sungit naman netoh,nagtatanong lang yong tao"sabi ko sabay subo.

"I'm not Google"sabi ni Gray sabay subo.

"Eh wala naman akong sinabi na ikaw si Google ah! Aisssh!"sigaw ko sa kanya.

"Meron kaya,kakasabi mo nga lang"sabi niya sabay smirk.

Arghh! Nakakainis na siya. Bakla!!

"Bakla!!"sigaw ko sa kanya,kaya napatigil siya. Haha,huli!!

"What did you say?"tanong niya.

" Hay naku,BAKLA NA NGA BINGI PA!"sabi ko. Haha epic ng mukha niya.

"Ako bakla??!! Who told you??!!"sigaw niya sakin.

"Ako!"sabi ko sabay taas ng kamay.

"Tsk. How did you know?"tanong niya.

"Edi tama ako,bakla ka nga"sabi ko.

Hahaha para siyang natatae na ewan. Hahaa galit na yong lolo niyo.

"Hindi nga ako bakla"pagpupumilit niya.

"Then prove it!"sigaw ni Erica.

Tama siya,he must prove it. Para maniwala kami. Pero mukhang hindi niya kaya.

"Tsk. Magsama kayo"sabi niya.

"Hahaha bakla"sabay naming sabi ni Erica.

"What?!"iritang tanong niya.

Para siyang bakla na naiinis.

"Wala!!"sigaw namin ni Erica.

"Pasalamat ka—"pinutol ko agad yong sinabi niya.

"Edi THANK YOU!!"sigaw ko.

Haha banas na naman siya. Ang daling mapikon nitong lolo niyo. San kaya pinaglihi tong lalaki na toh. Parang may dalaw ah,pero wala namang dumalaw sa kanya kanina ah. Hay naku.

"Hahahahahaha!!"sabay naming tawa ni Erica.

"Good Kriesha"sabi sakin ni Erica na tumatawa pa rin.













"Can I join you?"

Napatigil kami ng may nagsalita.
Tiningnan namin kung sino.
Si EX-CRUSH (Joshua) ko pala. Namiss ko siya,yieee mas lalo siyang gumwapo.

May dala siyang tray na puno ng pagkain. Hindi ba pinakain tong tao na to,bakit ang daming lamang ng tray na pagkain.

"Can I?"tanong niya ulit.

Nagtinginan naman kaming tatlo. Alam ko kung ano inisip nila,pare pareho kami nang iniisip.  Haha may plano kami.

"May iba pa namang upuan don ah"mataray na sabi ko sabay turo sa mga bakanteng upuan.

"Oo nga,bakit dito pa?"tanong naman ni Erica sabay taray. Hahaha.

"Pwede naman don sa iba ka umupo"sabi ni Gray.

"Hmmm,sige,if that's what you want"sabi niya na parang iiyak na sa pangtataboy namin sa kanya.

Nagtinginan naman kaming tatlo sabay ngiti ng nakakaloko. Haha. Syempre pinigilan na namin siya.

"Joke lang,etoh di mabiro"sabi ko. Kaya bigla siyang tumingin samin agad. Na nakakunot yong noo.

Di namin napigilang tumawa. Hahaha nakakatawa talaga siya. Mas lalong kumunot yong noo niya.

"Hahaha ang epic ng mukha mo Mr. President, hahahaha"sabi ni Erica habang tumatawa.

"Umupo ka na,baka magbago pa isip namin"sabi ni Gray kaya umupo naman siya agad at ngumiti. Isip bata.

"Thank you"sabi niya sabay ngiti samin.

Haha,may bagong salta sa friendship namin. Nagkwentuhan na lang kami hanggang natapos kumain at nagsibalikan na sa kanya kanyang room. Tapos sabay sabay na umuwi. Ang saya ng araw ko ngayon hindi dahil nakasama ko si crush kundi nakasama ko yong mga taong mahahalaga sakin. Di ko makakalimutan ang araw na toh. Sana hindi matapos ang araw na toh kaso natatapos eh. No choice.










DO YOU LEAVE MEWhere stories live. Discover now