Hi! Ako nga po pala si Tee.. Hindi po ako lalaki ha kasi babae ako.. maliwanag? xD
Pakikilala ko nga po pala sa inyo ang aking long time crush na hindi makahalata... si Troy..
Mula grade three ko siya crush.. o' di ba, ang bata-bata ko pa kumerengkeng agad ako.. xD
At ngayon 18 years old na ako.. di pa rin nya ako napapansin.. kaklase ko siya mula elementary hanggang ngayon pero shunga ata sya ehh.. ano ako utot? pag lang bumaho tsaka lang mapapansin?
Tss..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kalalabas ko lang ng school este university.. as usual, walang nangyari..
Wala naman ako masyadong gagawin kaya nagfacebook na muna ako..
At ayun! on line si Troy at tsaka si chingu (korean word means friend)..
May nakaibigan ako sa facebook na koreana.. siya si Shin Hye.. Park Shin Hye..
Ka-edad ko sya.. naging close kami sa chat.. marunong naman syang mag-english kaya nagkakaintindihan kami.. kaso bago ko pa matapos ang sasabihin ko sa kanya, umaagos na ang dugo ko mula sa ilong dahil sa ka-e-english.. nosebleeder siya..
Siya ang palagi kong pinagsasabihan ng problema ko..Pati nga 'yung kay Troy alam nya ehh..
Nagkakilala kami dahil sa kaadikan ko sa korean dramas..
Naghanap ako sa facebook ng korean at in-add.. kasali dun si Shin Hye..
Minsan nag-aaral din akong mag-korean... baka sakaling makapunta ako ng korea at makita sina Kim Bum, Jang Geun Suk, Lee Min Ho, Lee Hong Ki at 'yung iba ko pang papa.. xD
Ito ang mga alam kong Korean words.. Mga basic..
EnglishHangulPronunciationYes. 네. Ne. No. 아니요. Aniyo. Thank you. 감사합니다. (F) Kamsahamnida. (F) I am sorry. 미안합니다. (F) Mianhamnida/ Mianheyo(F)
I love you ------------------------ Saranghae/saranghamnida
I like you ------------------------ Chowayo
Congrats ----------------------- Chukahae
Hey! ------------------------- Ya!
Wife = A-ne, Cho Husband = Nam-pyon Daughter = Tal Son = Adul Mother = O-mo-ni Father = A-bo-ji Friend = Chin-gu
Haay nako.. naadik na naman ako..
Pero hindi ako nakakaintindi ng Korean ha..
>> Back to story <<
Ka-skype ko ngayon si Shin Hye.. grabe ang ganda nya..
Nagkumustahan kami.. tapos nagtanong siya kung napansin na ba ako.. nag-chikahan... ENGLISH HA!
tapos maya-maya.. bigla syang umirit at sinabi sa aking
"I'm going there! I'm going there!!"
"Huh? What did you said?" -- I asked
"I'm going there in the Philippines!!!"
"Jeongmal (korean word means really) ?!! " -- I said..
"Yes!! Tomorrow is my flight!"
"Talaga?!! Sige kakaunin kita sa airport!!!"