BREAK-UP:PAKI-EXPLAIN NGA!?

57 0 0
                                    

BREAK-UP...

     Para sa akin,eto yung panahong araw-araw ang magiging penetensya mo.Yung tipong gabi-gabi kang iiyak at mababaliw sa kakaisip kung bakit ka ba niya iniwan.dito,paulit-ulit mong itatanong kung saan ka nagkamali ?san ka nagkulang ? at san ka pupulutin ngayong hindi na kayo..

     To make things clear,ang break-up ay ang paghihiwalay ng dalawang taong hindi na nagkasundo o nagdesisyong hindi nga sila ang para sa isat-isa.

Mahirap maging brokenhearted.Magiging bitter ka.At napakasakit rin sa tenga na marinig ang salitang yon.Pero sino nga naman sila para husgahan ka?You have the rights to show your feelings off.Hindi ka bato at mas lalong hindi ka santo.

BITTER ang tawag sa mga taong hindi matanggap na iniwan na sila ng taong mahal nila.Term din yun para sa mga taong handang pumatay sa mga naniniwala sa true love.Kasama na rin yung mga taong aloof sa opposite sex at yung mga may Pistantrophobia o yung may phobia na magtiwala ulit sa isang tao matapos silang maloko noon.iyon ang perfect term sayo kung hindi ka pa nakaka recover.B-I-T-T-E-R.

Pero kahit nasa stage ka pa ng pagmu move on.Hindi mo dapat patigilin ang mundo mo nang dahil lang sa isang tao.Wag na wag mong sasabihin na hindi mo kayang mabuhay ng wala sya dahil mababatukan talaga kita.Isipin mo:ipinanganak ka at natutong maglakad nang hindi sya kasama.Kaya katangahang sabihing hindi ka na mabubuhay dahil wala na siya.

Paano ka nga ba makakamove on at makakalimot?narito ang ilan sa mga paraan:

     Itapon ang dapat itapon;burahin ang dapat burahin.

Hindi madali maging malaya at bitter free person.Kaya bilang paunang step ,Itapon mo ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa ex mo.For example niregaluhan ka niya noon ng mamahaling necklace.Wag manghihinayang.Idonate  mo na lang  yan .Kung may mga stuff toys ka sa kwarto mo na galing sa kanya.Ipamigay mo na lang yon sa mga bata sa kalye .Basta ilayo mo yon sa paningin mo.Makakatulong yon nang malaki para hindi mo sya masyadong maisip.

         Burahin mo na rin ang number nya sa cellphone mo.Ano naman kung saulo mo ?hindi magtatagal at makakalimutan mo na rin yun.Hindi ka kalahi ni einstein para hindi ka makalimot kahit isang digit lang.Pati mga pictures nyo Wag mo na paglipasan.Delete them,kesa naman nakatitig ka don na parang ewan sa gabi habang nag-uunahang tumulo ang sipon at luha mo.Kung ngayon pa lang eh nahihirapan ka na,mas lalo kang mahihirapan in the future kung hindi mo magagawang alisin ang mga alaala niya sayo.






May natutunan ka ba?kung wala diko na yun problema..thank you for reading pls vote and comment labbbyoo all

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY ADVICEWhere stories live. Discover now