Dear Drake,
Alam ko habang binabasa mo ang sulat nato ay wala na ako. Gusto kong malaman mo kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita Drake. Hindi mo alam kung gaano kita iniisip paggising ko sa umaga at bago ako matulog sa gabi. Ginawa ko ang lahat para mapansin mo ako. Nagpaganda ako at ginalingan pa ang pag-aaral ko, umaasa na sa pamamagitan noon ay mapansin mo rin ako. Minsan niloloko ko na lang ang sarili ko at iniisip na gusto mo din ako, na may chance maging tayo. Alam mo habang iniisip kong magkakatuluyan tayo, napapangiti ako. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napapasaya habang naiisip kita. Baka sinasabi mong nagsisinungaling ako, pero sinasabi ko sayo na nagsasabi ng totoo itong puso ko, dahil hindi ko naman ata makakayanang magsinungaling sa taong mahal na mahal ko.
Siguro huli na para sabihing mahal kita, pero gusto kong malaman mo na palagi kitang mamahalin. Ang puso ko’y naging sayo at para sa’yo lamang.
Sana maisip mo din ako paminsan-minsan…Palagi mo sanang tatandaan na ang mahalin ka ay isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko.
Minamahal ka,
Belle
(*^*)/(*^*)/(*^*)/(*^*)/(*^*)/(*^*)/(*^*)/
A/N:
Billet-doux /ˌbɪleɪ ˈdu/
-French word for ‘A love letter’
-A letter expressing your love for someone.
It’s according to dictionary.

BINABASA MO ANG
Billet-doux (A Love Letter)
RomanceIt all starts when they both lose one of the most essentials in their life. Belle Sobre have an unclear break-up from her boyfriend, while Drake Letterman has a string attached to his bestfriend. Then there’s this single event that lead him dislik...