BD 2: Bespren

7 0 0
                                        

Chapter 2

“Can you explain what happened?” naiiritang tanong ni Drake kay Belle.

Nakatitig si Belle at hawak-hawak niya parin ang sulat na ipinakita nito. “Hi-hindi, nagkakamali ka.” Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang lahat ng nangyari. Nahihiya siyang aminin na naging tanga siya at nagkamali sa pagbibigay ng sulat. Pagkatapos ng banggaan nila’y agad niyang ibinigay dito ang nahulog nito kahit hindi niya sigurado kung talagang kay Drake nga iyon. Natataranta na kasi siya ng oras na iyon at nakalimutang basahin bago ibigay.

“So ibig mong sabihin ako pa ang mali ngayon?” Tiningnan siya nito ng masama.

“N-no. Hindi naman sa ganun.” Iniwas niya ang tingin mula rito. “Ganito kasi ang nangyari...” And she explained to him all the happenings.

“What?! So you’re telling me that my letter’s now on your ex-boyfriend?” galit na tanong nito pagkatapos niyang magkwento.

“Teka, ba’t ka naman agad nagagalit?”

“You don’t know that thing. May sentimental value yun sa’kin!” Medyo tumaas na ang boses nito at nakita niya na nagulat din yung babaeng kalalabas lang ng pintuan, employee siguro.

Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya. Kinakabahan na siya sa anumang pwedeng gawin nito sa kanya, lalo na nung sinabi nito na mahalaga yung sulat para dito. Kung nagagalit man ito sa harapan niya ngayon ay hindi niya naman ito masisi dahil alam niya na may kasalanan talaga siya.

 “S-sorry.” Humingi siya ng tawad sa malumanay na boses. “Sorry talaga Drake. Hindi ko talaga sinasadya.”

He smirked. “At yan lang ang alam mong sabihin ngayon? Sorry? How can you retrieve that eh break na kayo nung boyfriend mo?”

“H-hahanapan ng paraan.” Kahit nasabi niya yun ay hindi niya alam kung paano lulusutan ang pinasok niya.

Tinitigan siya nito ng tuwid sa mata. “Make sure of that. Dahil kung hindi, lagot ka sa’kin.” May awtoridad na sabi nito at agad naman itong tumalikod at naglakad palayo sa kanya.

Naiwan naman siyang tulala at hindi alam ang gagawin.

“Besh!” tawag sa kanya ni Nam at tinapik siya sa balikat. “Hoy!”

“Eh?”

“Ayos ka lang besh?” tanong ni Nam. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya.

Tahimik lang siyang naglakad at bumalik sa table nila. Umupo siya at dire-diretsong tinungga ang hindi naubos na milk tea niya.

“Oh napano ka?” tanong ni Sam sa kanya. “Nauna na palang umalis si Drake, nagpaalam sa’kin kanina.”

Dahil sa sinabi ni Sam ay napagtanto niyang wala na pala si Drake sa kanilang tabi.

“Mauna na ako.” Tumayo siya at mabilis na lumabas ng tea house.

“Teka besh!” Narinig niyang tawag ng bespren sa kanya.

(>_>)(>_>)(>_>)(>_>)(>_>)(>_>)(>_>)

Nagpaalam na kaagad si Drake kina Sam at Nam na uuwi pagkatapos ng engkwentro nila ni Belle. Inis na inis siya sa babaeng iyon. Pano ba naman kasi, sa sobrang katangahan ng babaeng iyon eh nagkapalitan sila ng sulat.

Hindi alam ng babaeng iyon kung gaano kaimportante ang sulat na iyon sa kanya.

Kasalukuyan siyang nakahiga ngayon sa kama niya at nakatitig sa kisame. Para itong malaking TV screen na nag play at bumalik sa alaala niya ang bestfriend niya…

Billet-doux (A Love Letter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon