I'm Sorry😞🙏

38 3 0
                                    

MINHYUK'S POV

Pumunta ako sa kwarto ni Narri, kakatok na sana ako nang marinig kong may kausap sya, mga kaibigan niya yata.

"Oh? Ba't ka umiiyak?" - (umiiyak si Narri? Bakit naman? Bakit siya iiyak? 😢)

"Hindi ka ba masaya na dinalhan ka niya ng pagkain?" - (Sinong nagdala ng pagkain sa kanya?)

"Masaya, pero kasi eh, nasasaktan ako😭 huhuhu, nasasaktan ako kasi may ibang gusto si Yonghwa. Mahal ko na talaga sguro sya kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon😢"

Nang marinig ko yun, umalis na ako. Si Yonghwa hyung pala ang gusto ni Narri-ssi😭 bakit ganun? Pwede namang ako nalang diba?😭

NARRI'S POV

Ginawang pagaanin ng barkada ko ang loob ko, pero kahit anong gawin nila, masakit parin eh. Natulog nalang ako, ayoko nang mag isip, sumasakit lang ang isip at puso ko.

Kinabukasan

Maaga akong gumising, kaya naman naghanda ako nang almusal namin. Maya maya, nagising na sina kuya Jonghyun at si Jungshin.

"Good morning mga kuya, kaon na tayo." - bati ko sa kanila

"Good morning din bunso. Anong nangyari sayo?" - sabi ni Kuya Jonghyun

Biglang dumating si Yonghwa at Minhyuk.

"Ha?"

"Ba't namumugto yang mata mo?" - tanong ni Jungshin

Sabay sabay silang napatingin sakin, at hinihintay yung sagot ko.

"Ah, wala, napuyat lang ako. Magdamag kasi kaming nag usap ng barkada ko." - paliwanag ko sa kanila.

"Ah ganun ba? Wag ka nang magpuyat bunso, baka pumanget ka nyan" - sabi ni kuya Jonghyun

Napatawa lang ako, "panget na nga eh" - sabi ko.

"Hindi ka kaya panget." - sabi naman ni Yonghwa, eto nanaman yung puso kong umiibig sayo💓🎶

"Kumain na nga lang tayo." - sabi ko, ayoko na kasing pahabain pa ang usapang ito, dahil nasasaktan lang ako.

Pagkatapos naming kumain, naghugas na ako nang pinggan, umalis si Yonghwa (saan kaya pupunta yun?😒 Baka sa babaeng nagugustuhan nya😞) Napansin ko ring parang ang cold ni Minhyuk sakin ngayon. May nagawa ba ako?

Hayssss. Maghapon lang akong nasa kwarto at magdamag na nakinig ng mga music. Paglabas ko, gabe na pala at tulog na yata silang lahat. Naisipan kong pumunta sa pool, nakita ko si Minhyuk, kaya lumapit ako sa kanya.

"Ba't gising kapa?" - tanong ko sa kanya.

"Ba't hindi nalang ako?😞" - tanong niya

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ba't hindi nalang ako yung mahalin mo? Ba't kailangan si Yonghwa hyung pa?😢" - sabi niya

"Hindi ko nga rin alam eh. Magmula kasi nun, sya na talaga yung nandito eh" - sabay turo sa puso ko. "Pero ang malas ko lang kasi may iba syang gusto😭" -dagdag ko

"Pwede namang ako nalang yung mahalin mo.😔" - Minhyuk

"Kung kaya ko lang sanang turuan yung puso ko, matagal ko nang ginawa, pero hindi talaga eh. Sorry Minhyuk-ssi, alam kong nasasaktan kta, pero siguro hindi lang talaga ako yung para sayo. May darating pang mas hihigit pa kaysa sakin, para lang talaga sayo."

Umiiyak na siya, at hindi na sya nagsalita, then umakyat na sya sa taas. (I'm sorry Minhyuk-ssi😢)

Author's Note
Kamsahamnida for reading😊🙏

You Were Just A DreamWhere stories live. Discover now