SWLCD ❤ Transfer Student

647 21 5
                                    


Slate POV

Ahhhh...What a nice day today...Sabay unat ko sa katawan...

"Good morning Mr. Sun" nakangiting bati ko sa araw ng buksan ko ang bintana.

Inayos ko naman ang kwarto ko bago maligo,,,,pagkatapos ko lahat, lahat ng gawain ko tuwing umaga agad akong bumaba para kumain ng agahan, nadatnan ko si Nanay Dores na nag luluto ng pagkain. Hindi ko siya Nanay na nanay ah...Yung tipong naglabas sayo sa mundong ito. Nanay ang tawag namin sa kanya kasi simula bata pa lang siya na ang nag-alaga sa amin ng kapatid ko.

"Good morning Nay" nakangiting bati ko sa kanya sabay akbay sa kanya.

"Good morning din 😃, mukhang maganda ang gising ng alaga ko ngayon ah.." sabi niya.

"Lage naman po ey.." Sagot ko 😄. Sabay upo ko sa harap ng mesa. Kukunin ko na sana ang hotdog ng palo-in niya ang kamay ko.

"Nanay naman" nakanguso kong sabi sa kanya.

"Maghugas ka muna ng kamay bago ka kumain" sabi niya sa akin.

"Nag-hugas naman po ako ng kamay Nay" sabay kuha ulit ng hotdog

"Kahapon jejeje" 😁 Dugtong ko..

"Ay...Kulit ng batang ito" napa-iling niyang sabi "Sige na maghugas ka na ng kamay baka mahuli ka pa sa klase." dugtong naman niya at dahil sa dakilang masunurin ako agad akong tumalima.

"Nay si Ate Sham-sham hindi pa po ba bumababa?" tanong ko sa kanya habang naghuhugas ng kamay.

"Bakit nakita mo na ba siya dito sa baba?" balik tanong niya.Napangiti naman ako dun.

"Nanay ah..May pa ganyan ka ng mga tirada ngayon ah.." I tease her. Sabay upo ulit sa harap ng mesa at sumandok ng fried rice, kumuha na rin ako ng hotdog at ham.

"Syempre bata pa ire" mayabang niyang sabi. Napa-tawa ako sa sinabi niya maging si Nanay.

"Anong kaguluhan ito?" tanong ng boses babae, Lumingon naman kami sa kanya..

"Good morning Ate" Masyang bati ko sa kanya, As usual she just pat my head ng makalapit na siya sa amin.

"Ang saya ng umaga ninyo ah...Anong kalokuhan na naman ang sinabi ng tukmol na to sayo Nay?" tanong niya sabay upo sa tabi ko. Napasimangot naman ako..

"Nay oh...tukmol daw ako?" pabirong sumbong ko kay Nanay na may kasama pang nguso. Napatawa naman si Nanay dun.

"Ang gwapo mo namang tukmol S" sabi ni Nanay.

"Yun! narinig mo yun Ate ah..Gwapo daw ako" mayabang kong sabi kay Ate.

"Gwapo? yung puwet mo siguro" smirk na sabi ni Ate sabay kuha ng hotdog at kagaya ng nangyari sa akin kanina pinalo ni Nanay ang kamay niya.

"Sham-sham maghugas ka muna ng kamay" Sabi ni Nanay sa kanya.

"Naghugas na po ako ng kamay Nay!" sagot ni Ate,,tsk gaya-gaya ey nuh...

"Kailan? kahapon?" tanong ni Nanay, alam na alam na talaga ang mga tirada ey...nuh..

"Hindi po ka gabe hehehe"😜 sagot ni Ate.

"Ay... Naku magkapatid nga talaga kayo ang kukulit,  Siya sige mag hugas ka na ng kamay dahil hindi ninyo ako madadala sa mga ganyang tirada" sabi ni Nanay sa kanya, Napakamot na lang si Ate sa ulo habang papunta sa lababo. jejeje...Hindi maka lusot.

"Ano S sasabay ka ba sa akin?"  tanong ni Ate sa akin pagkatapos namin kumain.

"Yes Ate" sagot ko sa kanya..Naiwan ko kasi ang motor ko sa school dahil sinundo niya ako kahapon.

See? 👀 What L💗ve Can DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon