Chapter 1

Sunflower Farm

"Cassey!" Sigaw sa akin ni Aling Nena dahil tumakas ako sa mansyon. Tawa lang ako ng tawa habang tumatakbo sa maraming sunflower

"Hahahahha yes! Nakatakas na rin sa wakas" sabi ko at tumigil sa malaking puno. Nahirapan ako tumakas dahil ang mansyon namin ay palaging nakaaligid ang mga guards.

Tumayo na ako pagkatapos kong magpahinga at lumakad patungo sa Kawa-Kawa hills.

Pagkatingin ko pa lang sa lalakarin ko ay agad akong nanlumo dahil sobrang haba ng dadaanan mo at paakyat pa. Nang nasa Gitna na ako ng kawa-kawa ay umarkila ako ng kabayo dahil namiss ko na ang mangabayo dahil pinagbabawalan ako ng Mommy ko dun.

"Hiya!"sigaw ko at hinampas ang kabayo ng latigo. Agad naman itong tumakbo hanggang sa malapit na kami sa pinakadulo at iyon na yung bangin. Pinatigil ko itong kabayo at itinali sa puno at umupo sa pinakaedge nito.

Humiga ako dun habang dinadama ko ang hangin at tiningnan ko ang langit. Nagtataka ako kung bakit pa ako nandito sa pilipinas at hinihintay pa siya. Inaalala ko rin kung paano kami unang nagkita. Nagalit ako agad sa kanya dahil nadapa lang naman ako sa harap ng mga kaklase ko.

"I Hate You!" Sigaw ko kay Kent at sinapak siya

"What the?! Ano ba ang ginawa ko!?" Tanong niya sa akin habang hawak niya ang kanang pisngi niya dahil ayun ang sinuntok ko

"Kulang pa nga yan eh! Dahil sayo may sugat na ang maganda kong ilong!" Sigaw ko sa kanya at susuntuking ko pa sana siya kaso inekis ang kamay niya sa harap ng pisngi niya.

"Ilong lang! Hindi Maganda"sabi niya sa akin at natatawa pa siya

"I really hate you to death! Rot in hell dude!" Sabi ko sa kanya at pinagpapalo siya

"O-Ouch! Oy Tigil na! Aray!" Sigaw niya sa akin hanggang sa may umawat na sa amin.

"Oy tama na yan! Bwisit kayong dalawa unang pasukan pa lang wala na kayong ginawang tama! Ba't di niyo na lang gayahin ako na anghel lang ang ugali" sigaw ng president namin habang nasa gitna siya sa amin ni Kent

"Eh tanungin mo kaya yang gagong kent na yan!"sigaw ko habang dinuduro duro si Kent

"Ano ba ang ginawa mo kent?!"

"I Don't Know Nagulat na lang ako nakahandusay na siya sa harap ko at sinapak niya ako"sabi niya habang nakatitig sa akin

"Ano ba talaga kasi ang nangyari Cassey?"

"Naglalakad kasi ako tapos nadapa ako dahil sa kanya kase yung paa niya nakaharang tapos yung maganda kong ilong nasugatan papanget na ako nito!" Sigaw ko

"Ilong lang! Hindi maganda!" Sabi ni Kent sa akin habang tumatawa

"Tamo!"sigaw at aambang lalapitan siya

"Oy tama na yan baka umabot na to sa office! Cassey halika na dun tayo sa clinic para magamot na yang sugat mo" sabay hatak sa akin ni Pat na kaibigan ko at sumunod naman sa amin si Jen na ang president namin at kaibigan namin.

Nang makarating kami sa clinic ay agad naman ginamutan ang aking sugat at medyo nacute ako sa design ng band aid dahil strawberry ang design niya at kulay red

Nang nakarating na kami sa canteen sumalubong agad sa amin si Kevin at Si Sean.

"My Gosh! Bes! Nagpaplastic surgery ka na ba ng ilong?" Tanong sa akin ni Kevin habang nag aacting na sobrang concern sa akin. Binatukan naman siya ni Sean

"Gaga! di yan nagpa plastic surgery! Eh kahit magpaplastic surgery yan panget pa rin siya" sabi niya at tumawa sila

"Ha ha ha tawa na ako niyan" sabi ko at pumunta sa bakanteng table at sumunod naman sila sa akin

"Pero sa totoo lang kahit ganyan si Cassey ganyan na talaga yan"sabi ni Sean at tumawa sila ng tumawa. Ang masasabi ko lang ay CORNY. mga mais sila!.

Ng nagbreak na ay bumalik na kami sa classcroom as usual ay tinatarayan ko pa rin si Kent tuwing tumitingin sa akin. Di ko alam kung bakit maraming naghuhumaling sa lalaking yan eh bakla naman yan. Porket Mayaman lang sila. Porket maganda lang ang mukha niya dahil sa clean cut niyang buhok na may pagka dark brown color , makapal na kilay na nakakurba na, dark brown niyang mga mata, Morenong Balat niya, Mapupulang labi at magandang pangangatawan in short sobrang gwapo halos lahat ng mga babae dito nagkakagusto sa kanya pero wag ako masyado akong loyal sa libro para magustuhan siya. It's So G R R R R!


Ng uwian na namin ay hindi muna ako dumeretso sa mansyon namin dahil pumunta muna ako sa sunflower farm at tumambay ako sa ilalim ng puno at kung saan malapit sa akin ang mga sunflowers.

"Bakit ka nandito?"

Napatalon agad ako dahil di ko alam na may kasama pala ako dito. Nagtataka ako kung nasaan yung nagtatanong sa akin dahil wala naman akong nakikita.

Nanginginig na ako dahil baka may masamang espiritu na umaaligid sa akin nang biglang may bumaba sa puno. Napasigaw ako dahil akala ko kung ano yun. Yun pala si Kent lang na pwede rin namang ituring na demonyo.

"SHIT! bakit ka ba nandito ha!?" Sigaw ko sakanya ng bumaba siya

"Bakimt pagmamay ari mo ba tong lugar na toh?"

"Oo!"

"Magkano?"tanong niya at ngumisi siya


"Arghhhh!i hate you!" Sabi at aalis na pero baga pa ako makahakbang ay hinatak niya na ako


"Sorry sa ginawa ko kanina kahit di ko alam kung ano ang ginawa ko sayo" sabi niya sa akin pero hindi niya binibitawan ang kamay ko


"Okay..."sabi ko at hinatak ko ang kamay ko pero mas hinigpit niya ang hawak niya dun

"Can we be friends?" Tanong niya


"E-Eh?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Way You LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon