CHAPTER TWO

286 6 1
                                    

BEA.

"Bea? Asan tayo? Sure ka bang may talyer dito?"-Madz.

"Uh...yeah, dito yung natatandaang route namin ni Ate Vic nung nagpasama akong magpagawa ng car ni Mom eh..."

"Baka naman sarado na yun Bea sayang effort mo,"-Madz.

"My effort won't be thrown in trash ok? And, ano naman kung sarado? Then we'll find another one."

"Eh gabi na kaya Bea baka maaga pa pasok mo nakakaabala pako...."-Madz.

"Don't think about it ok? Napaka ano nito" i giggled and pinched her cheeks playfully. Natawa naman ito.

"E kase naman e! Since we're small 'til naging kasing tangkad natin ang mga poste,"-Madz.

"Grabe sa poste Madz, hahaha we're not that tall naman haha"

"Hhaha pero seryoso Bea, simula bata pa tayo hanggang ngayon, sabihin ko man o hindi na kailangan ko ng tulong, para kang superhero na bigla nalang nasulpot sa harapan ko para tulungan ako...hehe"-Madz.

"That's what Friends are for, diba singkit?" I looked at her and smiled. ngumiti naman ito pero hindi ito nakatingin saken kundi naka yuko.

"Yeah, Friends."-Madz.

"Yeah, kaya ikaw kapreng singkit ka wag na wag ka ng mahihiya saken ok? Kahit kelan wag ka ng mahihiya, i'm always here to help you whatever it takes, whatever it cost,"

"Salamat Bea ah..."-Madz.

"Nahh...enough of this drama. Di tayo yung mga characters sa episode sa MMK. At di ikaw si Ma'am Charo hahaha,"

"Hahaha di ako Nagdradrama!"-Madz.

"Eh what are you doing right now?"

"Nagsasalita?"-Madz.

"Yeah, talking with the tone of drama hahahahaha"

"Tuwang tuwa ka naman! Hoy De Leon minsan lang ako magdrama no!"-Madz.

"Anong minsan? Drama mo kaya lalo na nung your Ex Lovey broke your heart!" I bitterly said.

"Hoy hoy hoy de leon itigil mo yan! Binabalik mo yung nakaraan!"-Madz.

"Hooooohhhhhh Alam mo yung feeling na di ko na alam kung totoo ba nya akong minahal o feelingera lang ang naging peg ko huhuhuhuhuhuh---" maddie covered my mouth and she was as red as tomatoes cause by so much embarrassment. Natatatawa ako ng sobra at sobra na din syang nahihiya.

"Isa kang malaking bad trip De Leon! Kainis ka!!! Third Year High School palang tayo nun  for freaking's sake wag mo nang ibalik!!!"-Madz.

Winigwig ko ang ulo ko para maalis yung kamay nya sa mouth and i luckily succeed.

"Whaat? Totoo naman diba? I don't know nga how on earth sa dinami-dami pa ng tao at student sa school sya pa pinili mo."

"Di ko nga rin alam bakit ko sinagot yung gagong yun e."-Madz.

Then the atmosphere between us became silent. It's not awkward naman. Maybe siguro napagod lang kami kakatawa at pang-aasar sa isat-isa. Lumiko nako papasok sa talyer na pinag-pagawan namin ni Ate Vic nung nakaraan.

"Nandito na tayo Bea?" Maddie ask at tumingin sa bintana.

"Yup," i said and stopped the engine.

Lumabas na kami ng kotse at lumapit na ako sa nagwawalis sa labas ng talyer na nakasara ang mga gate na naaalala kong alalay nung nag-gagawa.

Nung malapit na kami ng onti ay napansin nya ata kami kasi naka-headset sya at itinigil muna ang pag-wawalis, tinanggal ang head phones at umayos ng tayo.

"Ma'am ano pong maipaglilinkod ko sa inyo?" Tanong nito.

"Uh...mag-papagawa sana kami..." I said and maddie nodded naman.

"Ay sorry ma'am pero nakaalis napo yung taga-gawa, car wash lang po ang available ngayon.."

"Ah ganon ba....uhm sige, salamat nalang bro,"

"Sige po kuya"-Maddie.

Tumango naman ito at naglakad na ulit kami sa kotse ko.

"Sabi ko sayo masasayang effort mo e... Ano ba yan nakakahiya." Malungkot na sabi ni Maddie nung nakapasok na kami sa kotse at nag resume na ulit ako sa pagdridrive.

"Madz, i told you diba? We'll just find another one."

"Sige na nga."-Madz.

May natanaw naman akong 7/eleven kaya agad naman akong nag drive patungo doon.

"But before that, let's eat muna. I'm a bit hungry and I'm sure we're the same...kelan ka ba kase nabusog?" She gave me death glare.

"Di kaya ako matakaw!"-Madz.

"Ses. Deny pa singkit." I smirked.

"Napaka mo Kapre. Inaano ka ba?" She playfully said which made us laugh.

Nag-park naman ako sa tapat ng 7/eleven at agad na lumabas si Maddie sa kotse. Told yah. Matakaw.

Natawa nalang ako at papalabas na sana ako ng biglang magring ang phone ko.

Jho calling...

Dun lang biglang nagsink-in saken na it's our fucking aniversary at bwisit lang bigla nalang akong nakalimot dahil kay maddie pero di ko naman sinisisi si Madz.

Agad ko na itong sinagot.

"Hello?"

"....."

Tumingin ako sa loob ng store at tinanaw si Maddie na may hawak na tatlong hotdog sandwich at isang big gulp na slurpee at may kinukuha pang chupa chups sa may counter. I sigh.

"I'm sorry Love, pero...I'm with maddie tonight at nasiraan sya ng kotse at naghahanap pa kami ng talyer na gagawa sa car nya.....babe"

"....."

"Susunod ako love ok?"

"....."

"I promise. Ok, bye love"

Shooting StarsWhere stories live. Discover now