05.07.14

9 0 0
                                    

Iniisip din kaya ako ni A? I mean, yung possibility na maging kami? Grabe wala nga yatang possibility eh pero lol hahaha hindi ako makatulog kakaisip.

Oo, alam kong hindi na kami ganun kaclose katulad ng dati. I’m sure maraming makakarelate ditto. Yung mga childhood friends nyo na parang hindi nyo na kilala. Yung tipong hindi nagpapansinan, magngitian nga madalas hindi na rin eh. Like you’ve turned out to be a complete stranger to each other. Parang ‘di magkakilala, parang walang pinagsamahan.

Kasi kami ganun.

But honestly, aaminin ko, gusto kong bumalik yung closeness namin. Dati nagtataya-tayaan pa kami nyan. Tagu-taguan, bahay-bahayan, tumbang preso, at marami pang street games. Pero ngayon? Di na yata naming kayang tignan ang isa’t-isa. Haha nakakatawa lang kasi….miss ko na sya. Oo, miss ko na sya. Para naman kasing hindi kami naging magkaibigan dba? Duuuh. Pero hindi lang sya, halos lahat ng friends ko nung bata. Pero as long as kaya ko, nagrereach out naman ako. Yung tipong minsan binabara ko sila or jinojoke if given the chance na makausap sila, ganun.

Pero sa kanya lang talaga ko nahihiya.

Crush ko ba sya? Ewan ko. Ewan ko talaga. Pero dati, nilike nya yung DP ko once sa fb, sobrang saya ko nun. Shit lang hahaha pinrint screen ko pa yun sa laptop at phone ko, madaming screenshots, kasi hindi ako makapaniwala. Haha hindi naman sa wala kong tiwala sa mukha ko, pero kasi hindi nya naman talaga nilalike pictures ko eh. First time yun. Tapos naulit ulit. NILKE NIYA ULIT DP KO. Pero hanggang dun nalang. Hanggang dun lang sa pangalawang beses. Grabe, umasa kagad ako nun. Kala ko tuloy-tuloy na. Ha ha ha L

So bakit ko nga ba ‘to tinype? Wala lang, kasi hindi ako makatulog. Kasi iniisip ko sya. Kasi nakita ko sya kanina. Kasi parehas kami ng kulay ng shirt kanina. Kasi feeling ko soulmates kami. KASI FEELING KO MAY PAG-ASA……kahit na alam kong WALA. </3

I heard nagkabalikan na sila nung ex-girlfriend nya na sabi ginagamit lang sya, na may hidden agenda daw. O baka joke lang yung ginagamit na part at may HA pero totoo ‘yung nagkabalikan sila. Haha medyo masakit. Masakit ba? Bakit masakit? Eh di naman kami close. Ano ba dapat kong maramdaman? Bakit ba ko umaasa eh wala naming dapat asahan? Aaaaaaah ang hirap naman nito. Ah ah hindi ko na talaga alam.

Wala, siguro gusto ko lang ulit sya makaclose. Gusto ko ng guy bestfriend. Feeling ko qualified naman kasi sya given na na close kami dati. Haay A, please lang.

-P

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DIARY NG KATANUNGAN AT PAKIRAMDAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon