1

26 5 0
                                    

Gusto kong malinawan, mahal ano na bang nangyari sa atin? Nasobrahan na ba tayo sa pagiging malikhain at pati yung dapat na future natin... eto, unti-unti nang nagiging drawing.

Naalala ko pa noon, mga panahong wala pa sya sa buhay ko. Sobrang dilim, wala akong ibang makita kundi ang kulay pilak na metal at ang kulay pulang likidong umaagos mula sa maputla kong balat. Wala akong ibang marinig kundi ang boses sa utak ko na nagsasabing tapusin ko na ang lahat. Tapusin na yaong paghihirap, at pighating nadarama dito sa mundong ibabaw. Tapusin na lahat.

Bible Prophecy Predicts 'The Rapture' On September 23, 2017 ...

› Prophecy

Sep 23, 2017 - Conspiracy theorists have been predicting that Planet X is going to destroy Earth when it collides with it. The rapture is coming and people have ...

Iyong pasaway na parte ng utak ko, nagdiwang noong mabuklat ko ang link na iyan sa internet. Malapit na din palang magtapos ang lahat. Masaya akong haharapin iyon. Hindi ko na kailangang tapusin ang buhay ko gamit ang matalas na kutsilyo. Hindi na, kasi matatapos na.

Akala lang nila masaya ako. Akala. Masaya akong bumyahe dahil alam kong kaunting sandali na lang mawawala na ako, mawawala na lahat.

Dumating na nga ang daluyong. Dumating sya, nawala ang lahat. Natapos ang lahat.

Dumating si Levine sa punto ng buhay ko kung saan pasuko na ako. Dumating siya at tinapos ang pighating nadarama ko. Binigyan nya ng wakas ang madilim kong mundo. Mula nang makilala ko sya, nagkakulay ang mga pinta ko.

Hindi naman nagunaw ang mundo, natagpuan ko lang ang bago kong daigdig.

Nagising ako mula sa aking balintataw. Sobrang lapit sa akin ng daigdig ko. Abot kamay ko. Sa totoo lang hawak ko rin ang mga kamay nya. Pero hindi na tulad ng dati, kasi ngayon kahit hawak hawak ko sya, tila ba hindi ko na sya madama. Para bang unti unti na ding nasisira ang mundo ko, ganoon ba talaga kapag matagal na? Saan ba ako nagkulang sa pag-aaruga? Nalimutan ko bang diligan ang puso nya ng pagmamahal? O sadyang hindi na ako ang nais nyang magdilig sa puso nyang uhaw.

"Levine ko..," pagyakap ko mula sa likod nya. Bakit kung kailang nayayakap ko na sya ng walang screen sa pagitan namin, pakiramdam ko yumayakap lang ako sa bato. Hindi dahil sa gato gato ang katawan nya kundi dahil sa matigas na ang puso nya, at malamig na ang pagmamahal nya, hindi ko na maramdaman yung dating init ng relasyon namin.

Nangungulila na ako sa dating tayo. Bakit para na kasing naglalaho na, halos patungo na tayo sa ikaw na lang at ako.

"Mahal na mahal kita,"  bulong ko sa kanya. Sa puntong yun parang gusto kong lagyan ng tandang pananong ang mahal na mahal kita, baka sakaling sagutin mo na.

"Bakit ba tayo nandito?," napangiti ako nang mapait sa tanong mo. Ano ba mahal, ikaw ang nagsabing bumalik tayo ng UPLB kapag nawawala na yung love sa pagitan ng ikaw at ako, dito, sa pagitan ng tayo.

"Sabi mo bumalik tayo sa simula—"

"Huh? Tricia wala akong sinasabing ganyan,"

Tuluyan nya na kayang nalimot ang sa amin? Dati-rati masaya kaming nagkukwentuhan tungkol sa simula namin. Hanggang sa tila ba naumay na. Ibinaon na sa limot. Pagkat sa tuwing maaalala iyon ay nakakaramdam na nang pagsisisi.

Sana hindi na lang kita nakilala.

Sana hindi na lang tayo nagkita.

Sana hindi na lang tayo nagmahalan pa.

Ang mga sanang hindi masabi ng labi pero ang mga mata nya laging nangungusap. Mahal iwan mo man ako o hindi, pareho pa rin namang masakit. Masakit dahil sa hindi ko naman kayang wala ka. Masakit dahil sa nandito ka nga, wala naman sa akin ang puso mo.

"Sinabi mo yun..." napatingala ako, pinipigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha ko. Mahal kinalimutan mo na ba talaga? Mahal alalahanin mo naman sana.

"... sampung taon na ang nakakaraan,"

Sa loob ng sampung taon, madami na talagang nagbago. Hindi na ikaw ang Levine na minahal ko. Hindi na rin ako ang Tricia na minahal mo. Hindi na tayo tulad ng dati. Nawala na ang pagmamahal.

Pero naniniwala akong pwede pa. Kaya pa. Padayon tayo mahal ko.

Binalot nang katahimikan ang paligid namin. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nya. Mahal pwede bang huwag kang kumawala? Nandito na tayo mahal kung saan nagsimula ang lahat. Sa kung paano tayo pinagbuklod ng Unibersidad ng Pilipinas dito sa Los Baños, Laguna.

Mahal, babalik tayo sa simula.








Kabanata 1, Babalik tayo sa simula.

Sketching Our SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon