#Selfie
Written by WinkichLOVE
PROLOGUE
Hindi tayo nabubuhay sa mundo para hanapin ang perpektong taong dapat natin mahalin. Nabubuhay tayo para makita ang taong hindi man perpekto sa paningin ng iba basta napapasaya at mahal ka KUNTENTO ka na.. pero sa kwentong ito hindi hinanap ang perpektong tao dahil sadyang pinagtagpo sila nang dahil sa PICTURE/SELFIE.. dito na magsisimula ang pagmamahalan nila Kasey Andrae Johnson at Nicolo James Smih .. hope na mag enjoy kayo sa pagbabasa ^_^ wag niyo rin po'ng kalimutan mag Vote at Comment :)
( Chapter 1 )
hi po sa inyong lahat ako nga po pala si Kasey Andrae Johnson na nakatira sa Parañaque City, I'm 16 Years old at mag f-forth year na ngayon pasukan. Ambilis nga naman ng araw parang kahapon lang yung RECOGNATION DAY namin eh di ko pa naman sinulit Summer day ko .. hahayy .... nandito nga pala ako sa sala namin at pinanood yung 3rd year pictures namin ng mga kaklase ko :) yung iba stolen hehhehe patago kasi yung pagkuha ko ng litrato :)
" HAHAHAHAHA :D :) "
" ??? .. Anyare sayo ? bakit bigla-bigla ka nalang tumawa ? " oh andyan pala si kuya Drix Johnson, siya pala ang nagtayong tatay sa aming magkakapatid siya lang kasi ang mapagkatiwalaan sa amin tapos nagtatrabaho na siya . apat pala kami magkakapatid si Kylie Anne Johnson- 8 at Carlo James Johnson-12 at si kuya Drix Johnson-24 .. kakadating lang niya kagabi galing Caloocan nagtatrabaho kasi siya noon :)
" Natawa lang kasi ako sa picture nang mga kaklase ko nung 3rd year ^_^ " tama nga merong natutulog, may nagsusulat na hindi tumitingin sa notebook o papel :) tapos merong kumakain :) etc..
" ok . ahh baby aalis tayo bukas .. " baby nanaman ! di na ako baby no ! >_< dalaga na ako !!
" Kuya !!!! di na ako baby ! " di na talaga ako baby ..
" ok fine.. aalis tayo bukas aa, mag ayos ka na ngayon nang gamit mo dahil 5 days and 4 nights tayo doon .. " wow ! aalis kami bukas ! saan kaya ? matanong nga si kiya :)
" Aalis tayo ^_^ Saan naman ?? Excited tuloy ako ?! " oo, oo .. Excited na excited na excited na AKKKKKKOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO !!!!! O.A. lang :/
" Sa BORACAY island tayo pupunta :) diyan ka na muna, pupuntahan ko pa yung mga kapatid mo .. " Boracay !! tama ba yung narinig ko ???!! kyaaaaaaaa !!!!
" sige kuya pupunta na rin ako sa kwarto .. " EXCITED NA TALAGA AKO !!!!!!!!!!
Pumunta kaagad ako sa kwarto para magligpit na mga gamit na gagamitin ko, parang dadalhin ko na lahat gamit dito sa bahay dahil sa sobrang saya ^_^ (Y) TIME CHECK na pala it's 7:36 pm kaya minadali ko ang pagliligpit, gutom na kasi ako ee T_ _ _T