Kabanata 1
Aember's POV
Ang mga mata nya na tanging nakikita ko dahil sa telang nakatakip sa kanyang ilong at labi. Nakikita ko rito ang pagtatalo ng diterminasyon at pagaalinlangan.
Kitang kita ko ang panginginig ng kanyang kamay habang hawak hawak ang baril na nakatutok sa akin.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkinang ng kanyang pawis sa kanyang sintido marahil dahil sa malalaking ilaw sa aming sala.
Pansin ko rin ang pagbabadya ng luha sa kanyang mga mata at ang pamumula nito.
Ramdam ko ang mga luha sa aking pisngi ngunit nabawasan ang takot na aking nararamdaman. Hindi ako gumalaw at hinayaan syang ituloy ang kanyang nais kahit alam kong hindi nya ito kaya.
Ilang sandali pa ay nilapitan na sya ng kanyang kasama. Doon nalamang bumalik ang aking takot. Binulungan sya nito na naging dahilan ng pagmamadali nilang makaalis. Hindi ko alam kung ano ang binulong sakanya nit—
"Mom! Gishing kana mali-late na ko sha training."
Napanaginipan ko nanaman siya...
"Moooom!! Wake uppp."
Malapit na din tayong magkita. At sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang ginawa mo sa buhay ko at sa pamillya ko.
Unti unti kong dinilat ang aking mata at tumambad sakin ang isang batang babae na bihis na bihis na at nakadagan sa akin.
"Goodmorning mom!"bati nya sa napakakyut na tono bago ako hinalikan sa noo pababa sa aking ilong at sa labi."Lezzgooo! Wake up na please, nihihintay na ko ni coach."
Nagising ang aking diwa ng marinig ang hindi nakakasawang boses ng batang ito. Imbis na magalit ako dahil ginising nya ko ay mas lalo akong natuwa dahil sya nanaman ang una kong nakita na nakakapagpaganda ng araw ko.
"Yes, my dear,"sagot ko dito at niyakap sya ng mahigpit bago hinalikan sa pisngi,"Maliligo lang ako then pupunta na tayo okay? Kumain ka na ba ng breakfast?"
"Not yet. Hihintayin kita mom,"ani nito.
"Okay, hintayin mo na ko sa kitchen maliligo lang si mommy"
"Yesyes!"ani nya bago umalis sa pagkakadagan sa akin at dali daling lumabas ng aking kwarto. Bumangon na rin ako upang makaligo at makapagayos.
Laging buo ang araw ko kapag sya at ang kanyang tinig ang bumubungad sa akin. May parte sa akin na ayaw syang lumaki dahil baka magbago sya ngunit kailangan nyang lumaki at lumawak ang kanyang kaalaman upang maproteksyonan nya ang kanyang sarili. Limang taong gulang pa lamang sya ngunit pinagaral ko na sya ng mixed martial arts. Nagaaral na rin sya sa pribadong paaralan malapit sa aming mansyon ngunit nasa condo kami ngayon dahil sabado at nagtitraining sya ng taekwondo.
Masyadong malaki ang mansyon namin para sa aming dalawa. Kasya doon ang limang pamilya dahil mayroon itong 15 guest rooms, 3 master bedrooms at may 5 rooms pa na hindi ko pinapagalaw sa kahit kanino kasama ang isang master bedroom. Mayroong dalawang napakaenggrandeng hagdanan sa dalawang gilid ng malaking sala na pumapaharap sa main door. Sa gitna naman nito ay papuntang kitchen, comfort room, veranda at iba pang parte ng mansyon. Mayroon ding dalawang car garage at open space para sa motorcourt at fountain sa harap ng mansyon.
Samantala, dito sa condominium sinadya kong bumili ng pangdalawahang tao lang para sa amin. Mayroon kaming tig isang kwarto at isang guest room. Sakto lang ang laki ng sala at sa likod nito ay ang kusina. Sa tabi naman ng kusina ay ang comfort room na nagiisa lang sa buong condo. Mas gusto ko dito dahil kaunti lang ang gagalawan namin at mababantayan ko sya ng maigi ngunit kailangan parin naming bumalik sa mansyon dahil yun ang gusto nya.
Paglabas ko ng comfort room ay dumiretso na ako sa kusina. Nadatnan ko syang naglalaro sa kanyang ipod habang pumapapak ng hotdog. Nasa likod nya naman si Freya, ang sekretarya ko. Wala kaming bodyguard o katulong dito at sa mansyon tanging si Freya lang ang lagi naming kasama. Sya lang ang pinagkakatiwalaan ko at alam kong hindi nya kami pababayaan. Mas matanda sya sa akin ng apat na taon at sya ang lagi kong kasama sa kumpanya, sa opisina at sa mansyon. Siya din ang madalas magluto ng pagkain namin at kasama namin maglinis ng buong mansyon.
"Freya..."tawag ko dito.
"Yes Miss?"
"Pupunta kami ni Abby sa training nya at ikaw naman ay pupunta na sa opisina ko. I-cancel mo lahat ng appointment ko ngayong araw dahil dideretso kami sa race ko ngayong hapon."bilin ko sakanya bago umupo sa tabing upuan ni Abby.
"May race ka mamaya mom?"singit naman ni Abby sa magiliw na tono. Tumango ako dito na naging dahilan ng pagtatalon nya,"Yes! Makakasakay narin ulit ako kay Haifa!"
"Wag na wag mong kakalimutan ang bilin ko sayo lagi, Abby. Kaya kita pinapasakay kasi walang magbabantay sayo."pagpapaalala ko naman dito. Haifa ang pangalan ng race car ko, isa itong red na pagani huayra.
Huayra uses a , developed by specially for the Huayra. The Huayra's 6.0-litre engine, the M158, produces 730 PS (720 hp, 539 kW) and 738 lb·ft (1,000 N·m) of . Its top speed is about 238 mph (383 km/h) and it has a 0-60 acceleration time of 2.8 seconds. Using tires, the Pagani Huayra is capable of withstanding 1.66 g of lateral acceleration at speeds of up to 230 mph (370 km/h).
Gaya ng sabi ko kay Freya, pagtapos namin kumain ay pumunta na syang opisina at kami naman ni Abby ay bumaba na sa parking lot para kunin si Aston. Mahilig akong magpangalan ng mga kotse dahil para hindi ako malito. Pagdating namin sa parking lot ay sumakay na kami at pumunta na sa Gym nila Abby.
2 years ng nagaaral si Abby ng taekwondo at sya ay naka-red belt na. Proud ako sakanya dahil malapit na din syang makakuha ng black belt. Madami akong gustong ituro sakanya, gusto kong malaman nya lahat ng pwede kong ituro sakanya para sa kapakanan nya.
YOU ARE READING
Inside
Mystery / ThrillerAember Madison Bevis is a famous successful female car racer and a multi-billionaire business woman at the age of 23. Naging responsable at natutong maging independent sa murang edad ng maulila. Mula ng mangyari ang pagpatay sa kaniyang mga kamag...